Chapter 10

287 11 0
                                    

Yul's POV

Nagising ako na nasa tabi ni Sica. Nakatulog pala ako habang binabantayan siya kagabi. Tinititigan ko lang siya buong gabi hanggang sa nakatulog nalang ako.

Hanggang ngayon tinititigan ko parin siya. Ang ganda niya kahit tulog siya.

Napatayo ako nung nakita ko siyang gumalaw galaw. Pagkadilat ng mata niya umupo siya sa bed niya.

"Morning Yul."

"Morning Sica. Ayos lang pakiramdam mo?"tanong ko sa kanya.

"Okay lang naman. Btw, pano ako nakarating dito sa dorm?"

"Sinundo ka namin ni Taeng. May tumawag kasi sa kanya na nasa Bar ka daw."pag kasabi ko non. Biglang natahimik ang paligid.

"Sica."

"Bakit Yul?"

"Bakit ka nag-inom Sica?"natahimik siya saglit at biglang nagsalita.

"Sorry kung tinago ko to sa inyo Yul."naluluha niyang sabi.

Nagtaka ako sa sinasabi niya. Di ko siya maintindihan.

"Yul sorry."umiiyak siya habang sinasabi niya sakin yan.

"Sica di kita maintindihan. Anong tinago mo samin?"nakatitig ako sa kanya habang sinasabi yon.

"Yul please wag kang magagalit."tinitigan ko lang siya.

"Yul.. naging kami ni Donghae.. at nakipagbreak siya sakin kahapon kaya nag-inom ako."

Nandilim yung paligid ko sa nalaman ko. Ni isa samin walang nakaalam about sa relasyon nila ni Donghae. Kahit isa samin wala.

Sa sobrang panggigigil ko. Nabato ko yung babasaging nasa tabi ko.

*crassshhhh*

"Sica bat mo sinikreto samin? Bakit?!"di ko alam kung galit ba yung nararamdaman ko o sakit dahil sa naging sila ni Donghae.

"Yul sorry. Sorry kung di ko nasabi agad sa inyo."sabi niya habang umiiyak at aakmang lumapit sakin.

"Sica. Bakit? BAKIT!?"

"Yul Sorry. Natatakot lang kasi ako na pag nalaman niyo, baka magalit kayo eh."

Naririnig kong may kumakatok sa pintuan ng kwarto ni Sica at alam kong yung ibang kaibigan namin yon pero di ko pinansin.

"MAGAGALIT KAMI?! HINDI AKO,KAMI MAGAGALIT KUNG SINABI MO AGAD SICA. PERO HINDI EH! HINDI MO SINABI. NAGSIKRETO KA!"

"YUL! NAGSOSORRY NA NGA DIBA! ANO BANG KARAPATAN MO PARA MAGALIT NG GANYAN?! KAIBIGAN LANG NAMAN KITA AH!"

Lalong nag-init yung ulo ko sa narinig ko.

"YUL! SICA! BUKSAN NIYO TONG PINTUAN."sigaw ni Taeyeon habang kumakatok.

"YUL,SICA, DITO NATIN PAGUSAPAN YAN PLEASE BUKSAN NIYO NA TO."sigaw ni Tiffany pero di ako nakinig.

Tinitigan ko lang si Sica na may halong galit.

"Oo nga pala. Isang hamak na kaibigan lang ako. Pasensiya na ah kung nagagalit ako. Wala na pala akong karapatan na magalit. Sorry ha. Sorry kung pinapake-alaman ko yung buhay mo ah. Masyado na pala ako. Kaibigan lang pala ako. Sorry ah. Di na mauulit to at wag mo nang asahan na lagi akong nasa tabi mo pag kailangan mo ako.."tumingin ulit ako sakanya at tumalikod na.

Pagkabukas ko ng pintuan  nakita ko silang lahat don at nakatingin sakin na halatang nag-aalala.

"Alis muna ako ah. Ingat kayo dito."sabi ko sa kanila at dali daling umalis ng dorm habang umiiyak.

(Taeny&Yulsic) Friends Turns Into LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon