Kath's POV
"Kath" sabay kalabit saken. Badtrip naman tong si Jake kanina pa nangungulit.
"Kathryn. Babee" Kapal naman neto. Panggulo.
"Uy Kathryn Emerald " tumalikod ako sa kanya habang patuloy ang panonood ng Kdrama. Heo Joon Jae!!! Hihihi ang pogi grabe.. ang pungay ng mataaaa..
Hayyy. Di ko mapigilan ang pagngiti habang nanonood ng Legend of the blue sea. Di naman talaga ako mahilig sa ganito, kaso naimpluwensiyahan ako ni Yan. Ayan tuloy kinain nako ng sistema. Hehe. Andito nako sa part na magkikiss sila Ohhmayghad ayan na ayan naaaa-"Em!" Bigla nalang may nanghablot ng phone ko.
"Ano bang problema mo Jake?!" Nagiinit na ang ulo ko kase kanina pa siya nakakairita. Sa inis ko nabato ko sakanya yung lunch box na malapit saken. Sapul sa mukha niya. Nyehehe.
"Aray!" Kinuha ko agad yung phone ko habang hinihilot niya ang ilong niya. "Jusqo naman kath daig mo pa mga lalaki sa kilos mo. AH! Sakit ng ilong ko"
Di ko siya pinansin at patuloy lang sa panonood.
"Panyinin mo na nyani ako Em" Hala na ngongo na dahil pisil pisil niya parin ilong niya. Papansin talaga to kahit kelan grr.. Tumayo na ko dahil baka ano pa magawa ko dito sa lalaking to. Agad naman din siyang humarang sa pinto "Date na tayo kath" aya niya sabay kindat. Iw
"Ayoko" Nakapoker face lang ako sa kanya at lumabas nako ng classroom.
"Sige na. Nililigawan naman kita e" nagpout pa siya.
"Di mo bagay. Di naman ako pumayag ah. Tigilan moko" aalis na sana ako
"Pakaganyan ganyan mo loko, panget mo lang" tf?! Mabilis akong pumunta sa kanya at sinipa ko siya sa kaibuturan ng pagkatao niya. Alam niyo siguro yon.
"Eh sira ka pala e! Ikaw 'tong habol ng habol saken. Kapal na ata ng mukha mo, kailangan ng iliha" To the rescue naman agad ang mga julalay niya, dahil di na siya makatayo ng maayos. Hmmp! Bagay sayo! Patalikod na sana ako pero may naalala ako.
"At wag na wag mokong tatawaging Em. Di tayo close" Pagtataray ko sabay talikod sa namamaluktot na si Jake.
Bwisit. Sinira na naman good vibes ko.
Aistttt! Mga lalaki talaga nakakaasar.Di niyo naitatanong, tanungin niyo na, naiinis ako sa mga lalaki. Especially sa mga nagkakagusto saken. Ewan ko ba, madami kasi akong kaibigan na lalaki, kaya alam ko na mga kalokohan nila.
"Badtrip" bulong ko habang inaayos ko ang damit ko, ayokong magmukhang haggard. Nakaheadset pa rin ako at kinuha ko lang ang wallet ko sa locker. Gutom nako.
Tumakbo ako papunta canteen dahil tinatawag nako ng mga pagkain doon. Ano kaya masarap kainin? Pizza? Pasta? Nyihihi excited nako. Saglit kong tinggal ang headset ko kasi feeling ko may tumatawag saken.
..Kruuu kruuu...
Hmmmp wala naman ata haha.
"Hoi! Kathryn Emerald Chandria Manuel Bernardo!. Haba ng name mo buset!"
"Ayy kabayo!" Kamuntikan ko ng malaglag phone ko sa gulat. My baby, jusqo kala ko makakabasag na naman ako ng phone.
"Ang ganda ko naman atang kabayo" Ngisi sakin ni Julia habang naghehair flip. Eto talagang babaeng to.