Dj's POVNakatayo si Kath sa harap ko ngayon, halata sa mga mata niya ang lungkot na may halong inis, ganun din naman nararamdaman ko, ayoko lang pakita.
"Lagi kong tinatry na makaclose ka or maging friends manlang tayo, pero baket tinataboy moko?! Galit ka ba saken may nagawa bako? Wala naman akong naalalan-""Yun nga e, wala kang naalala" di ko na siya pinatapos. Andami kong gustong sabihin sa kanya pero di ko masabi. Alam niyo ba kung gaano kahirap yun?!
"Ano bang sinasabi mo ah?" Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Wala ka na ba talagang naalala Em?
"You know what? Just forget about it, dyan ka naman magaling e" Mariin kong sinabi, ayoko ng humaba pa ang usapan, nakikita kong nalulungkot siya, at nasasaktan ako pag nakikita siyang ganon.
"El ano ba!" El?! Ayoko nang marinig yang pangalan na yan. Yang pangalan na yan na may kasamang alaala! Gusto kong kalimutan pero hindi ko magawa!. Tama nga sila.
How can you forget something that gave you so much to remember?
"Don't call me El!" Ayoko nang marinig yan, ayokong marinig yan mula sayo. Tumalikod nako pero hindi pako nakakalayo, nakaramdam ako ng masamang kutob. Lumingon ako at nakita kong putlang putla na si Kath. Agad akong tumakbo. Kath! Bigla siyang hinimatay buti nalang at sakto ko siyang nasalo.
Binuhat ko siya habang wala siyang malay. Sobrang putla niya. Kasalanan ko to e, hindi na dapat ako nagpaturo ng Math sa kanya. May rason kung bakit ayaw ko nang magpaturo sa kanya, ayan nga, nagpuyat pa siya para lang don, hindi naman sa binabalewala ko yung efforts niya. Pero kitang kita ko na di maganda pakiramdam niya kanina, pagnatuloy pagtuturo niya, baka lagi siyang magpuyat.
Pangalawa hindi naman talaga ako nahihirapan sa math. In fact, I love math. Wala lang kasi ako maisip nung araw na kausap ko si Kath, kaya ako nalate kasi nagiisip pako ng reason kung bakit ko siya pinapunta. Hehe. Samantalang yung utak ko naman, kung kelan kaylangan niyang gumana, tska di gumana.
Tinignan ko ulit si Kath.
"Ang ganda mo parin" bulong ko. Malapit na kami sa parking lot, kaylangan na siyang madala sa ospital.Gusto ko sanang bumawi sayo kase ang sunget ko sayo. Kaya naisipan ko yang favor favor na yan, pero ganito pa nangyare. Sorry. Kahit kelan talaga palpak ako
-flashback-
'You are such a disgrace to this family Daniel! Simula ngayon hindi na kita tinuturing na anak!'
-endNapailing nalang ako. Nasa parking lot na kame, dahan dahan kong sinakay si Kath sa kotse ko. Wala pa din siyang malay. Pinaharurot ko agad yung kotse. Kaya naman wala pang 10 mins nasa ospital na kami.
"Sir what happened?" Tanong saken nung isang nurse habang nilalagay si Kath sa bed.
"Hinimatay po siya miss" Kalmado lang ako kasi alam kong magiging okay din naman si Kath, kahit na medyo guilty ako kasi ako may kasalanan. May sinabi pa yung nurse pero hindi ko na rin naintindihan. Mayamaya inilipat na siya sa private room. Dehydration daw tska over fatigue. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang kamay niya.
"I'm sorry, pagaling ka" bulong ko. Maraming chance na siguro ang sinayang ko. Chance na mas makilala ka pa, chance na mapalapit ako sayo. Pero binalewala ko lang. Ikaw na nga ang lumalapit sakin, ako pa lumalayo. Lagi kasi magaaway yung puso't isip ko e. Hayy.
"Nakalimutan mo na ba talaga?"
"Anong nakalimutan?" Bigla namang pumasok si Julia, pero di ko na ikinagulat kasi tinawagan ko siya kanina, pagkadating namin.
"Anong anong nakalimutan?" Tanong ko din sa kanya.
"Tinatanong kita tas ako tatanungin mo. Parehas kayo ni Kath." Tumawa siya ng mahina at lumapit siya saken, tinignan niyako mata sa mata.
"Sagutin mo nga ako Dj. May gusto ka ba kay Kath" napatulala ako sa tanong niya, ngumiti naman siya.
"Kahit wag mo na sagutin, alam ko na rin naman""Hindi ko siya gusto" matipid kong sagot. Tama, hindi ko siya gusto, marami nang nagbago.
Siguro gusto ko siya.
Dati.
~
Katsumi's POVYes. Ako si Katsumi Kabe ang kabanda slash kaklase slash kaibigan slash kapatid ni Daniel. Pero di ko naman talaga siya kapatid, tinuring lang namin ang isa't isa na parang kapatid.
"Pre bakit di mo pa kasi aminin?" Tanong ko kay Dj habang ramdam ko yung alak sa lalamunan ko.
"Bakit ko naman aaminin?" Sabi niya pagkakuha niya ng yelo.
"Eh anong gagawin mo? Hihintayin mo na maalala niya? Baka tigok ka na nun. Pinapahirapan mo lang sarili mo" tumawa ako, pero seryoso lang siya. "Bakit hindi ka gumawa ulit ng move pre, wag mo siya itulak palayo, pag nagsawa yan bahala ka"
"Ewan ko pre" Sira talaga to, napakatorpe, kung ako siya, matagal ko nang niligawan si Kath. Maganda na, mabait, loyal pa. Maganda siya kahit may pagkasiga dating niya, ayaw niya sa ibang mga lalaki pero patay na patay siya kay Dj. Pero itago man ni Dj o hinde, may pakaelam siya kay kath, ayaw niya lang aminin sa sarili niya. Kaya ayan nagpapakabobo.
"Hindi niya maalala kung di mo siya tutulungang makaalala" Ohh ha, words of wisdom yang mga yan. "Pasecret admirer ang peg mo no, ayaw mo aminin kahit siya na mismo lumalapit sayo, gumawa ka ng move tapos binawi mo, inaway mo tapos nung hinimatay alalang alala ka. Ang gulo mo pre!" Tinignan ko relo ko 12am na pala, dapat kanina pa kami nagiinuman e kaso hinimatay si Kath. Siguro sa pagod kakareview o baka dahil sa LQ nila ni Dj hahaha. Si Daniel pa nga nagdala niyan sa ospital, binantayan pa pero umalis din bago magising si Kath. "Supot ka pare!"
"Uminom ka nalang" sabi niya sabay lagok ng alak, hindi naman kami pala inom, pag may dinadamdam lang. Good boy ata kame!.
"Ey pare!"
"Tara na uwi na tayo, andito na sila JC" pagbibiro ko at dinagukan naman ako ni Seth.
"Lul." Agad naman silang tumawag para umorder ng alak. Ang daming tao sa bar namin ngayon ah. Oo bar namin, tinayo namin tong magkakaibigan, ang gastos kasi kapag sa iba pa. Hahaha!
"Anong ganap?" Tanong ni JC
"Etong papa Dj naten pre supot. HAHAH!" Inakbayan ko si Daniel at sabay sabay kaming tumawa.
"Ang torpe! PaMariaclara!" Dinagukan nila si Dj tska nila inabutan ulit ng alak.
"Kasi naman pare! Hindi man lang niya maalala! Sa gwapo kong to?!" Humalakhak siya tska ininom ang isang bote.
Mahaba habang gabi to.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vote & comment 💕 Sml.
Idededicate ko po yung next chapter sa first comment 😊*it's been years, I've decided to publish mga drafts di ko na inedit
-02/10/2021