Chapter 6

7 0 0
                                    

Kath's POV

"Square root of A squared equals to the square root of B squared plus C
squared" napapapikit nako sa study table ko dahil 4am na nirereview ko pa din tong mga 'to. Syempre dapat relevant dapat ituturo ko kay Dj. Hayyy, kape pa.

Binasa ko ang sandamakmak na notes na punong-puno ng numbers at letters. Kumuha ulit ako chocolate chip cookies tska uminom ng kape

"Arghhh! A B C D X Y Z! Buset." Ayoko na huhu kahit kelan di kami naging friends ni mathematics, geometry, algebra chuchu na yan. Ayoko na matutulog nako di ko keri ito. Bakit kase math pa yung napili ni Dj e, pero okay lang naman kakayin ko to para sakanya. Actually math talaga reason bakit bumababa rank ko e, ewan ko anong meron saken at hindi ako magustuhan ng numbers lol.

Sinara ko na ang mga libro ko na parang props lang naman kasi konti lang naman naintindihan ko. Naghilamos lang akong konti at humiga nako. Naalala ko yung paguusap namin ni DJ kanina. Sabi na e di talaga siya masyadong masungit. Pero bakit di niya ako matignan sa mata? Wala ba talaga akong appeal?. Hayy. Dj, alam mo ba na ang saya ko ngayon kasi kinausap moko?

"Lord sana si Dj na maging asawa ko hihi" Pumikit nako at nakatulog ng walang kahirap hirap.

~

Isang malakas na siko ang gumising saken mula sa mahimbing na pagkatulog.

"Aray" bulong ko habang kinukusot ang mga mata ko. Ano ba naman, natutulog ako e.

"Ms. Bernardo will you please answer number 7, test B." Agad naman akong napatayo sa boses ni Ma'am KC. Lutang na lutang isip ko di ko alam kung anong nangyayare.

"Dalian mo, pagcombine mo lang lahat yan" bulong ni Miles saken, habang papalapit ako sa board. Kinuha ko yung marker, at parang umiikot lang mga numbers sa board. Nahihilo ako. Napahawak ako sa board kasi muntik nakong maout of balance.

"Are you okay Ms. Bernardo? You've been sleeping since first period" tumango lang ako, dahil nahihiya ako kay ma'am. Ngayon ko lang siya tinulugan. Wala akong masagot kaya zero nalang nilagay ko. Nagtawanan naman mga kaklase ko.

Lutang pa din ako hanggang magring ang bell. Para akong tulog na gising, half awake kumbaga. Kanina pako kinakausap ni Miles pero tumatango lang ako. Ngayon lang ako napuyat. Huhu. Kath gumising ka! Tuturuan mo pa si Daniel. Kath gising!. Tinapik tapik ko pisngi ko para magising naman ako  pero waepek.

"Kath" bigla akong napadiretso ng upo at parang nawala lahat ng antok ko. Yung boses na yun. Ayokong tumingin kay DJ kase anlaki ng eyebags ko. At may pimple din ako sa ilong . Huhu. Nakakahiya. Kinuha ko yung folder ko tska ko tinakip sa mukha ko na abot lang hanggang mata.

"Yes?" Tumingin siya saken ng medyo nagtataka.

"Magusap tayo sa labas" nakatitig pa din ako sa kanya, parang galit siya. Ano ba ginawa ko? May nagawa bako habang natutulog ako?. Pogi padin siya kahit galit nyeheheh. Sinundan ko siyang lumabas ng room, and alam kong sinusundan ako ng tingin ni Miles. Tumingin ako sakanya, and she mouthed 'demanding' sabay tawa.

"Oo nga pala DJ  eto mga notes mo sa math" kinuha ko yung mga papers ko sa bag ko, pero yung folder ko nasa mukha ko parin hehe. "Eto yung lesson 5, ay hinde mali, eto pala" medyo nagugulo nako, tas nahulog yung ibang mga papers sa floor, medyo natigilan ako nung yumuko din si Daniel para pulutin. Gentleman. Napakaideal naman niyaaaa 😍.
"Eto naman yung lesson 6 tska lesson 7 kumpleto na yang mga yan. If you want, ikaw nalang magsched kung kelan kita tutu-"

"Wag mo nako turuan" Napatulala ako. Ano daw? Totoo ba yung naririnig ko?. Hindi. Hindi pwedeng icancel. Pinaghirapan ko yung mga yun kahit hindi pa tapos.

"Ha? Ano?" Tumingala siya at tumingin ulit saken.

"Sabi ko wag mo nako turuan" ayaw parin iprocess ng utak ko at puso ko yung mga sinabi niya.

"Wag na kita turuan?" Nakatitig akong hinihintay yung sagot niya, inaalis niya naman yung tingin niya saken.

"Hindi mo ba ako narinig Kath?! Sabi ko wag mo na ako turuan diba" natauhan ako, feeling ko parang may tumusok sa puso ko, para akong nareject. Tumingin siya saken at bago siya umalis "Salamat nalang"

"Daniel! Sandali" hinabol ko siya, at hinarap ko siya saken "Baket? Pinagaralan ko pa yang mga yan"  inaabot ko sa kanya yung mga notes ko pero tinignan niya lang ako. Tatalikod na siya pero hinarap ko ulit siya. "Uyy baket nga?" Gusto ko malaman sagot niya. Akala ko pa man din yun na yung magiging way para maging close kami. Akala ko in good terms na kami, the way na kausapin nyako kahapon, nakangiti siya. Pero bakit ngayon nagbago, biglang umayaw. May nagawa bako?. Ayoko sa math pero pinagaralan ko yun para sakanya. Sakit pala mareject ng ganito.

"Wala" simpleng sabi niya, naglakad siya papalayo, at hinabol ko padin siya. Di ko alam kung desperada nako or what. Pero gusto ko lang naman malaman yung reason e. Basta.

"El sandali paking-"

"Em ano ba?! Bat ang kulit mo ah?" Humarap siya saken at medyo naiinis na siya.

"Dj gusto ko lang naman malaman kung bakit e" pagpupumilit ko, okay na kahapon e, bat ngayon hindi.

"Basta ayoko, bat ang kulit mo?" Sabi niya saken tagos ang mga tingin niya saken. Nalulungkot ako na naiinis.

"Bakit ang kulit ko? Kasi gusto ko kita! Gusto kong mapalapit sayo." Sabi ko sakanya, nalulungkot talaga ako. Buti nalang walang masyadong tao sa corridor. "Lagi kong tinatry na makaclose ka or maging friends manlang tayo, pero baket tinataboy moko?! Galit ka ba saken may nagawa bako? Wala naman akong naalalan-"

"Yun nga e, wala kang naalala" sabi saken ni Daniel.

"Ano bang sinasabi mo ah?" Naguguluhan ako. Sobra. Anong wala akong naalala? Anong nagawa ko?. Nangingilid luha ko. Iyakin ako e. Bakit di nalang niya sabihin kung ano. Dati naman akong narereject sa kanya e, pero bakit parang iba hung dating ngayon?

"You know what? Just forget about it, dyan ka naman magaling e" Mariin niyang sabi. Jusmiyo Daniel John Ford Padilla.

"El ano ba!" Sigaw ko. Kasi gulong gulo nako. Ano ba naman to.

"Don't call me El!" Tska siya umalis. Tarush, walkout. Bigla ko tuloy naalala yung ginawa ko kay Jake, eto na ba yung tinatawag nilang karma?. Sumakit yung ulo ko, parang pinupukpok. Nahihilo ako, kaylangan magpahinga ng utak ko, ng katawan ko, pati puso ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vote & comment.. Sml 💕




SEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon