Chapter 4

16 0 0
                                    

Kath's POV

"Bersachi on the floorrrr, take it op for me for me for me now gurl, bersachi on the flooorrr, ohh beybehh!"

"Manahimik ka nga Les, para ka ng sirang plaka diyan e" sita ni Julia sa nahihibang na si Lester Actually kanina niya pa to sinisita e. Lol.

"Huyy babae, nasa mundong ibabaw ka pa ba?" Tanong niya saken nung napansin niyang medyo tulala ako. Nagwave pa siya sa harap ko pero di ko muna siya pinansin dahil wala ako sa mood. Hayy pano ba naman kasi, si daniel lakas mangseen.

"Nakaimpake na ako magpapaalam nalang, magbubukas na ng pinto biglang magaalangan" Bumirit na naman si Lester away na naman sila niyan ni Julia.

"Manahimik ka sabi e, para sa ikauunlad ng ekonomiya" sita na naman niya habang busy siya sa pagsecellphone.

Bigla ko na namang naalala si Dj. Kainis lagi ko siyang naalala. Bat ka di pwedeng irestart ko nalang heart ko para di ko na gusto at di nako nadidistract. Grabe naman kase, siya unang nagchat tapos siya pa nangseen. Wow idol. Napabuntong hininga nalang ako.

"Sana ay malaman mo uwoooohh, kung bat ako sayo nagtatampo..kasi naseenzoned lang akooo."

Wahhhh nananadya ata to. Nagulit ulit sa utak ko yung part na yun ng kantang seenzoned. Nagrepeat one song imbis na nakashuffle . Why you do this to me Dj? Uso naman po kasi magreply, bat di mo try. Tinignan ko phone ko at andun pangalan niya sa notif. Grabe pati pangalan mo di ako nilulubayan hayyy.

"Shizz!" It hit me. Dali dali kong binuksan message niya. Omg nagreply siya sa wakas!

Bigla akong nabuhayan ng loob, yung ngiti ko abot tenga na.

___
Fr: Daniel John Padilla
Meet me at the gym now
____

"Ahhhhh!" Napatili ako sa tuwa. Sa kilig. Hahah. Si Dj nakikipagmeet saken? Baket? Aamin na ba siya na gusto niya ko? Makikipagfriends na ba siya saken? May favor ba siya?

Basta. Ayoko nang isipin kung anong reason niya, basta alam ko makikipagmeet siya saken.

Agad namang inagaw saken ni Julia yung phone at sabay kaming tumili.

"Now? As in now?" Tanong niya saken with wide bright eyes. Tumango tango naman ako, pati mata ko nakangiti na rin.

"Eh anong pang ginagawa mo dyan, punta ka na dali!" Sabay tulak saken, nagpolbo ako tska nagsuklay. Kilig na kilig nako mga bes, ikaw ba naman makipagmeet sayo yung taong gusto mo. Tumingin ako kay Julia at nagthumbs up naman siya, nagGo signal siya. Kung gaano kabilis yung yapak ko, ganon din kabilis ang kabog ng dibdib ko.

Habang naglalakad ako, iniisip ko siya. Unang pagkikita palang namin nagustuhan ko na siya, meron something sakanya that made me fall inlove with him. I don't what is it. Pogi siya, oo pero di yun yung reason bakit ko siya nagustuhan, he is more than that. He reminds me of someone but I can't remember who, someone very dear to me. Naiinis ako sa sarili ko kasi di ko maalala kung sino yun, pero nakikita ko siya kay Dj. Weird nh?. Sobrang mabait si Dj pero di niya pinapakita masyado, kinoconceal niya yun with his serious face. Hayy Dj what did you do to make me fall inlove with you like this?.

"Hayy Dj" Napabuntong hininga ako. Ilang steps nalang bago ko marating yung gym.

Naexcite ako na may halong kaba, pagkarating ko sa gym. Hindi ko expect na walang katao-tao, kala ko andito na siya. Lumibot muna ako sa gym, mga 10 minutes na rin siguro ako dito. Papaasahin mo na naman ba ako Dj? Pabitin ka nh. Akala ko pa man din dahil sinabi niyang 'now', e nandito na siya. Hayyy.

Positive thoughts Kath! Baka malelate lang siya ng konti. Haha. Nakakabingi yung katahimikan dito sa gym, parang pang horror. Umupo ako sa bleachers na malapit sa may door, just in case na may multo hehe.

"Kanina ka pa?" Napatalon akong literal. Yung boses na yun, ang sarap pakinggan. Napatingin ako sa lalaki sa gilid ko, nakaplain white shirt siya at jeans pero napakacool niya padin. Ang simple niya lang pero ang lakas ng dating. Ang pogi naman ng asawa ko. Kapal.

"A-ah hinde. Ka-kararating ko lang" Pinilit kong magsalita kahit kabang kaba ako. Hayy bat ganito. Nakapoker face padin siya habang tumatango.

"May gusto sana akong sabihin" sabi niya pero di nagtatama mata namin, nakatitig ako pero di siya nakatingin. Nalungkot akong konti.

"Ano yun?" Ngumiti ako ng hindi pilit. Nagside akong konti para mas kita ko siya, nakaupo padin ako sa bleachers.

"Favor" Tumingin siya saglit sa mata ko pero inalis niya din agad. Sa sandaling yon, nasulyapan ko naman yung mga mata niya. Ang ganda. Totoo ba to? Si Daniel humingi ng favor saken?

"Sige ba" Nakita kong ngumiti siya ng konti, nakaramdam ako ng kiliti sa tyan ko. Grabe!. Ang cute niya!.  Ngayon lang siya ngumiti saken ever. Mas lalo siyang pumogi. Ang lakas talaga ng epekto sakin ng lalaking to. Tumingin siya saken, para akong natutunaw. Feeling ko din pinapawisan na palad ko sa kaba. Hindi siya nakangiti pero ang gwapo niya, ang kinis ng mukha niya, mukhang anak mayaman.

"Ahmm kath?"

"H- Ha?" Natauhan ako mula sa pagpapantasya ko sa kanya

"Sabi ko pwede bang paturo sa math" nagaalangan niyang sabi. Omg. Nagsalita na pala siya kanina pero lumilipad utak ko. Hayyss nakakahiya. Minus pretty points ako neto. Natutunaw padin ako ngayon sa presensya niya.

"Ah Oo naman" Ngumiti ako ng sagad hanggang langit, parang medyo nagulat siyang konti pero ngumiti din siya. Kinikilig ako.

"Talaga? Thankyou!" Ngumiti na naman siya. Jusqo Daniel John Ford Padilla, pinapatay moko sa kilig ee!. Hindi nako nakapagsalita kase parang tuyo yung lalamunan ko at walang  salitang lumalabas. Tagal ko ding pinangarap to, na iaapproach niyako, kinakausap niya naman lahat sa room, ako lang hinde. Ewan ko baket, pero idc, atleast kausap ko siya ngayon. Tumingin siya sa relo niya tapos tumingin siya saken.

"Ahh sige una nako Kath, thankyou ulet. Ingat ka "   sabi niya habang nakangiti. Pinanood ko siyang lumabas ng gym.

Ohmaygashh!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vote & comment.. Sml 💕

SEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon