Chapter 5

10 0 0
                                    

Julia's POV

"Edgar Allan Guzman!" Lumingon siya sakin sa wakas.

"Sorry na by, medyo busy lang" lumapit siya saken at tinaasan ko siya ng kilay. Hmmp.

"Medyo? Medyo busy ka palang sa lagay na yan nh?!" Sabi ko, eh pano ba naman kasi halos wala na siyang tulog kakagawa ng thesis nila. Oo 'nila'. Group Thesis yun pero siya lang gumagawa. Masyado kasi siyang mabait e.

"Sorry na po by, babawi ako promise" nagpuppy eyes siya. Wag mokong daanin sa ganyan. Nagpout ako at hinug niyako. Nagpapabebe lang naman talaga ako e hihi. Relate naman siguro kayo dito.

"Gusto mong tulungan kita by? Halos wala ka ng tulog." Tanong ko at ngumiti naman siya. Pogi talaga niya. Two years na kami ni Edgar, stay strong parin kami hanggang ngayon. Nagaaway din kami, oo, normal lang naman yun e, basta wag lang paiiralin yung pride.

"Wag na by, alam mo namang ayaw kitang napapagod diba?" Ngumiti siya, kahit kelan talaga ang sweet niya.  Umupo ako sa couch sa tabi ng window, andito ako ngayon sa bahay nila. Pinapunta niyako kaylangan niya daw ng inspiration. Ahahah

Mas matanda siya saken ng one year, bali Grade 11 na siya, STEM kinuha niya. Childhood sweethearts kami nyan, bago siya umalis papuntang US nangako siya na pagbalik niya liligawan nyako. Tinupad niya yon. Legal kami mga bes. Ewan ko nga pano niya nakuha boto nina mama at papa pati kuya at lolo, samantalang kulang nalang hampasin nila yung mga dati kong manliligaw. Pinagmasdan ko siya habang pinapunasan niya salamin niya.

***KRINGG!***

Shemay nagulat ako

Tumingin saken si by habang nakangiti.

"Si Kath" sabi ko dahil alam ko na yung tingin niya na yun.

"Sige na puntahan mo na bestie mo" Ngumiti ako. Napakabalance niya talaga kahit kelan, yun din siguro nagustuhan ko sakanya, he never demands for anything. Napakamature niya.

"Thankyou by, wag ka magpapagod ah, eto lunch mo pinagluto kita iloveyou" Ngisi ko sa kanya, lumawak naman ngiti niya nung binuksan niya yung container. My specialty. Adobo 😁.

"Thankyou by! Iloveyou talaga. Ingat ka" kiniss niya ko sa cheeks pagtapos niya ako ihug. Oo bes sa cheeks, kasi gusto namin pareho na sa altar yung first kiss namin. Umalis nako at dumiretso kina kath, alam ni Edgar na madalang pa blue moon ang pagtawag ni Kath, kaya pinapunta niyako. Anyare na naman kaya sa babaeng yun?. Kumusta kaya usapan nila ni Daniel?

Boto naman talaga ako kay Daniel para kay Kath, mabait si Dj, alam kong bagay sila. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit iniignore lang ni Dj si Kath, maganda naman siya, hindi nga lang marunong magayos, pano pa kaya pag nagayos yun. Buti pa sana sa ibang love stories, aso at pusa, e ung kanila iba, kakausapin ni Kath si Dj, pero nadededma lang siya.

**Dingdong**

Obviously nagdoorbell ako haha pagkababa ng kotse ko. Pinagbuksan ako ng gate ni tita.

"Titaaaa!" Nagbless ako agad, close na yung mga family namin nina Kath, Miles at Chi. Antagal na rin naming magkakaibigan, nene days pa hahah.

"Uyy Juliaa, kumusta ka anak? kumusta kayo ni Edgar?" Tanong ni tita pagkapasok ko ng bahay nila, sinalubong din ako ng aso nila.

"Okay naman po tita, going strong po" ngumiti ako at bago ako umakyat bumulong si tita saken.

"Namamatay na ata siya sa kilig" sabay kaming tumawa at nagapir pa kami. Mukhang maganda naging usapan nila ah. Excited nakong makibalita.

"Babae!" Sigaw ko pagkapasok ko sa kwarto niya, hindi narin ako kumatok.

"Wahhhhh! Bastos!" Tili niya at ngayon ko lang napansin na kakatapos niya lang maligo at naka twalya lang siya.

"AHAHAHAH!" Sakit ng tyan ko kakatawa, kung nakita niyo lang mukha niya, gulat na gulat.

"Di mo nasabi saking tibo ka pala bes, pinagnanasaan mo katawan ko" sabi niya sabay talikod, napakadrama pa ng pagkasabi niya na akala mo irerape ko siya.

"Wow! Kahit lalaki ako di kita papatulan Hahahah!" Humiga ako sa kama niya habang humahalakhak.

"Grabe siya. Oo kase si Dj lang papatol saken" nakabihis na siya, sando tska shorts, agad naman niyang kinuha mga books niya. May test ba?

"Bat ka nga pala nagcall? Speaking of DJ Anyare sa 'meet me at the gym now'?" Ngumisi naman siya saken.

"Wala lang ginugulo ko lang kayo ni bby mo" I glared at her, habang ngiti ngiti siya saken. Baliw talaga to.
"Joke! Eto ganito nangyareee!" Sabi niya habang kinikilig ng sobra. Tama nga si mama niya namamatay na siya sa kilig.

"Spill." Tumayo siya sa harap ko tska siya nagmonologue ng lahat ng pinagusapan nila. Kinwento niya maski paghinga niya at pagkurap. Napanganga naman ako bago siya matapos

"Whatt?!" Tanong ko

"What what?" Kumunot noo niya.

"Seriously kath? Nagchat sayo si Daniel ng 'meet me at the gym now' para lang magpaturo?." Tanong ko, di ko alam kung masisiyahan bako na nagusap sila sa wakas o maiinis kasi hihingi lang pala ng favor. Tumango siya habang nakangiti parin.
"At math pa talaga?"

"Ahmm oo?" Hindi naman sa nagdadoubt ako kakayahan ni kath, matalino siya, pero siya na mismo nagsabi na hate niya ang math. And among all subjects, yun yung medyo mababa siya. Medyo lang naman. At ang alam ko din, nageexcel naman si Dj sa math.

"Math talaga? Baka naman English" tanong ko. Naguguluhan ako, bakit ka naman magpapaturo sa taong di mo kinakausap ng subject na hindi ka naman nahihirapan? Pwera nalang kung.. Gusto niyang makakaclose si Kath. Hmmm.

"Anong nginingiti mo dyan ah?" Tinulak niya akong konti. Umiling naman ako. Hmm magaling ka DJ ah.

"Uyy Julia!" Hinampas niya ako ng unan. Tska naman ako tumili, binata na si Dj. "Hala siya"

"Magaral ka na! Kung ayaw mong mapahiya kay labidabs mo" Ngumiti siya at tumakbo sa study table niya.
"Pero akala ko ba you hate math ah?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Dati yun past is past. Pero ngayon, I love math! At ako na ang magiging math buddy ni Dj. This is it besh" hinawakan niya yung panga niya, siguro masakit na kakangiti ng sobra sobra. Lels.

"Goodluck Dj."

"Ha?" Ayy napalakas ba pagkasabi ko?

Goodluck Dj.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vote & comment.. Sml 💕

SEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon