CHAPTER 1:Classmate

27 2 0
                                    

Kate's pov

Inihanda ko na lahat ng gamit ko sa pagpasok sa paaralan, ilang minuto rin ang lumipas bago ako natapos sa paghahanda.

tok~tok~tok~

Napatayo ako sa aking kina uupuan ng makarinig ako ng katok,
Agad naman akong tumayo upang pagbuksan ang pinto

Nang buksan ko ang pinto hindi na
ako nagulat ng mukha ni Jade ang bumungad sa akin.

"Are you ready?" Pambubungad na tanong nya sa akin

"Of course, by the way nas'an si Anne?"

"Puntahan na lang natin"

Pababa na kami ng hagdan ng makasalubong namin si Anne

"O, ito na pala si Anne eh"

"Ano tara na?" Tanong ni Anne sa aming dalawa.

Sabay-sabay kaming nagtungo sa sakayan ng jeep.  de-deretso na sana kami ng biglang may sumigaw, nakuha nito ang atensyon naming tatlo

"Beshy !"

"Oh look who's here" banggit ni jade na may halong pagkawala ng gana, agad ko naman s'yang siniko sa pagkakabahala na baka marinig s'ya ng FEELING CLOSE at NAKIKI-BEST FRIEND naming kapitbahay

"O Ana nandito ka pala" bahagya akong napalingon kay Anne sa sinabi n'ya

"Ah gusto ko sanang sumabay sa inyo eh, kung ok lang sana"

"Pasensya kana ah hindi kas-" agad kong pinutol ang dapat na sasabihin sana ni Anne

"Sure!" Hindi na akong nag-abala pang tumanggi dahil kahit naman tumanggi ako susunod at susunod parin naman s'ya sa amin

It's took a minute bago kami nakasakay ng jeep, pano ba naman kasi public school lang ang pinag aaralan namin kaya walang school service at kung ano ano pa.

Nang makasakay na kami sa jeep agad ng tumabi sa akin sina Jade at Anne, samantalang nasa kabilang dulo naman nakaupo si Ana

Lumipas ang isang oras bago kami nakarating sa paaralan,

"Grabe mga beshy ang traffic buti na lang hindi na hagard ang beauty ko"
Maarteng sabi ni ana, imbis na mag komento kami sa sinabi nya mas minabuti na lang namin na manahimik.

Agad namang kaming nagtungo sa guidance office, para kunin ang schedule namin. Maya maya pa humiwalay na sa amin si ana,

"Hay sawakas umalis rin" komento ni Anne

"Ay by the way una na muna ako sa canteen ah" walang ganang sambit ni jade habang hawak hawak ang papel kung saan nakalagay ang schedule ng klase nya

Nang makaalis si jade agad namang nagtanong sa akin si Anne

"Anyare dun?"

"Ewan, badtrip ata kanina pa s'ya tahimik eh"

"Hahahah hayaan mo muna 'yon lalamig din 'yon, ay teka hanapin ko muna room ko ahh" pag papaalam sa akin ni Anne

So ayon ako na naman mag isa, hays ok na 'yon kesa naman makasama ko si impakta este si Ana pala.

Hinanap ko ang seksyon C-B hindi naman ako matalino sakto lang, kaya kung mapupunta man ako sa seksyon A-B edi masaya

Habang naglalakad ako bigla akong napatigil dahil sa nakita ko, nanlaki ang mga mata ko at bumukas ang  bibig ko ng bonggang bongga

"Grabe first day of school nakikipag landian na" rinig kong sambit ng babaeng naglalakad sa corridor

I saw Ana kissing with a boy behind the stage, pwes hindi na ako magtataka kung ginawa nya nagulat lang ako hays panira nabahiran tuloy ng di kanais nais ang mga mata ko.

Maya maya lang ay nakita kona ang pintong may sign na SECTION C-B binuksan ko ang pinto at humanap ng bakanteng upuan, dahil dalawa nalang rin naman ang bakante no choice ako kung hindi tumabi sa isang babaeng nakatalikod at nakaupo sa harap ng bintana,

Umupo ako sa tabi nya at saka inilapag ang bag, maya maya pa ay may pumasok na isang babae at agad akong napangiti ng makita ko si Anne
"Anne!" Sigaw ko dahil mukhang hindi nya ako napansin

Nakangiti syang lumapit sa kina uupuan ko saka umupo sa katabi kong bakanteng upuan

Nag usap kaming dalawa at ng mapalingon ang babaeng katabi ko laking gulat ko ng si jade pala iyon

"Jade!" Sabay na sigaw naming dalawa ni Anne

Ngunit tila hindi na sya nasorpresa tulad namin

"Hindi ka nagulat?" Tanong ko

"Nagulat? Bakit kailangan pa ba" sagot nya ng nakangiti

"Alam mo ba na mag kakaklase tayo?" Singit ni Anne

"Oo naman, ako paba alam nyo namang hilig ko ang pagiimbistiga hahahaha joke!"

Nag tawanan lang kami hanggang sa dumating na ang  teacher namin sa first subject.

Puro discuss lang ang ginawa ni Mr.Arman

Matapos ang isang oras na discussion ay nag ring narin ang bell

Agad kaming dumiretso sa second class namin sa science lab. Ngunit ng pumunta kami ay nagkakaguluhan lang ang mga kaklase namin, agad ko namang tinanong ang isang babae ngunit pinigilan ako ni Jade

"I guess wala tayong teacher, kaya wag mo ng subukan pang magtanong at baka maki bestfriend yan sa atin" tinawanan ko lang sya saka sya hinila palapit kay Anne

"Tara punta na lang tayo sa garden ng school, libutin natin to" sabi ni Anne with matching hand gesture pa, natawa tuloy ako sa kanya

Sabay sabay kaming bumaba ng stage habang kumakanta ng mahina.

Nang marating namin ang school garden ay puro tawanan at kwentuhan ang ginawa namin, at pare-parehas kaming masaya dahil this year magkakaklase na naman kami.




friendship goals Where stories live. Discover now