Chapter 5:Transfer

13 2 0
                                    

Jade's pov

Nakabihis na ako ng uniporme at handa ng pumasok, ngunit hanggang ngayon ay wala parin ang dalawa kong impostorang kaibigan.

Halos mag iisang oras na simula nang antayin ko sila dito sa terrace

Aakyatin ko na sana sila nangmarinig ko ang mga boses nilang nagtatawanan, hindi nagtagal at nakarating na rin sila

"Antagal ah" sabi ko nang nakataas ang kilay

"Hahahaha sorry po" sabay na sabi nilang dalawa,

"Tara na" sabi ni Anne sabay akbay

Hindi rin nagtagal at nakasakay na kami ng jeep, maya maya lang ay  nakarating na kami sa school

Agad kaming nagtungo sa ground kung saan maraming mga studyante ang nakapalibot

"Wahhhhh! Ang gwapo nila!" Dinig naming sabi ng isang babae

"Ano kayang pinagkakaguluhan dun?" Kunot noong tanong ni Kate

"Yaan mo na sila, siguro sa paningin nila gwapo eh baka nga jejemon lang yun eh" sagot ko

"Tara tingnan natin!" Sabi ni Anne sabay hatak sa mga kamay namin

Nakipag siksikan kami sa mga babaeng istudyante na halos maubusan na ng boses kakasigaw

"Bes ang gwapo nilang tatlo" halos naglalaway na sabi ni Anne

"Wait! Hindi ko makita" halos tulakin na lahat ni Kate ang lahat ng nakaharang.

"Jade diba sya yung pamangkin ni tita claud?"

"Yung lalaking tahimik na mabait daw" sagot ko

"Oo tara lumapit ka dito para malaman mo dali!" Sabi nilang dalawa sabay patulak tulak pa sa akin, napapikit na lang ako sa sakit at sa sobrang ingay.

Nang imulat ko ang aking mata, tama nga sila sya nga yung pamangkin ni ni tita claud, t-teka hindi naman sya dito nag aaral ahh

"O diba sya yun" tanong sa akin ni Kate

Agad naman akong tumango bilang sagot,

"Uy teka anong oras na?" Tanong ni Anne habang nakatingin sa mga mata ko

"12:55 bakit?" Tanong ni Kate

"Ah 12:55 ... hala! 12:55 na?!"

"Malalate na tayo!" Pasigaw kong sabi sabay hatak sa kamay nila at tumakbo papunta sa kanang direksyon kung nasaan ang chemistry room namin.

Sa wakas at hindi kami na late dahil terror ang teacher namin dito  

Ilang minuto muna bago dumating si sir Armand.Ngunit di man lang siya nag abalang batiin kami derederetso lang siya sakanyang desk.

"Before we proceed I'd like you to meet your new classmate Zac come in and introduce your self"

"Zac Andrei Vasquez"sabay upo niya sa pinaka likuran na bakanteng upuan

"Ok, let's start" sabi ng teacher namin
Isang oras mahigit ang nakalipas bago nag ring ang bell, agad kong niligpit lahat ng gamit ko at pinasok sa aking bag, sabay labas ng room kasabay ang mga bruhilda kong mga kaibigan.

Nag tuloy tuloy pa ang klase namin hangang sa dumating ang pinaka gusto ang mag vacant,

Nang magvacant na kami dumiretso kami sa canteen upang bumili ng pagkain at doon narin namin naisipang kumain.

Matapos naming kumain ay nakita namin si Ana at lumapit ito sa amin

"Uy guys alam nyo ba na nasa gym yung mga sikat na sa school natin" sabi nito halata pang kinikilig

"Not interrested" sabi ko sabi ko sabay taray

"May nag tanong?" Pabulong naman na komento ni Anne

Sabay kaming siniko ni Kate at sya naman ang nagsalita.

"Ah talaga ba sorry pero, we have a lot of thibgs to do"

"Oh really, i'm nust telled you, because i akala na you three is interrested to this boys, i gonna go bye!" Napanganga na lang kaming tatlo sa sinabi nya, halos wala akong naintindihan

"Pinagsasabi nya hahahah" natarawa pang sabi ni Anne at Kate.

"Tara na nga, yaan na natin sya hahahah" sabi ko sa kanila

Nagpunta lang kami sa likod ng stage para kunin ipinapakuha ni sir armand.

Maya maya lang ay nag ring na ang bell hudyat na next subject na naman.





friendship goals Where stories live. Discover now