Chapter 13: Grandfinals

3 1 0
                                    

Kate's pov

Nasa back stage kami ngayon at ni re retouch si Anne, handa na kaming lahat sa grand finals at sisiguraduhin ko na si Anne ang mananalo kayang kaya nya yan sya paba?

"Kate! Hawakan mo muna to may kukunin lang ako sa bag ko" nagulat ako sa biglang pag sigaw ni Jade sa tenga ko

"Maka sigaw bingi ba ako?"

"Oo, kanina pa kaya kita tinatawag"

"Ay! Sorry naman"

Agad kong kinuha ang hawak nyang hairpin, ng makuha ko iyon ay agad nyang kinalkal ang bag nya,

"Picture muna tayo!" Sigaw nya sabay pakita ng camera

"Wait hindi pa kami ready ni patrish" sigaw ni baklang Carla

"Ok na?"

"Oo, go na!"

"1,2,3 ..." sabay click nya

"Tama na muna yan, mag uumpisa na, make up-an nyo na si Anne"

"Sorry po ma'am" nakangiting paumanhin ni Jade

Tapos ng make up-an si Anne at tapos na ring ayusin ang buhok nya, konti lang ang nilagay na make-up sa kanya, sa buhok naman ay sinimplehan lang nilagyan lang ni patrish ito ng konting hairpin at saka ikinulot,

"Anne isuot mo na yung gown, mag uumpisa na daw" nag mamadaling sabi ni liza isa sa mga kaklase namin

Agad namang umalis si Anne at nag tungo sa cr upang isuot ang damit, syempre kasama nya si Jade, habang wala pa sila ay naisip kong i upload muna ang mga picture na kuha sa amin ni Jade,

Upload... Upload... Upload...

Sa wakas dumating din sila, halos ma upload ko na lahat eh,

"Wow! Kate you look so beautiful to that dress" manghang sabi ni Ma'am

"Thank you" tanging sagot ni Anne

"Anne mag uumpisa na daw punta na kami sa unahan ah, galingan mo!"

"Syempre naman para sa inyong lahat"

"Kate tara na!, bye Anne goodluck" sabi ni Jade habang nakangiti

Agad kaming nag tungo sa upuan namin saka umupo

"Whooo! Go Ana!"

Sigaw ng mga nasa tabi namin, aba kapag ako sumigaw baka mabasag ang eardrum nila

"Anne for the win! Go Anne whooo!" napatakip sila ng tenga sa sigaw ko, sabi ko sa inyo eh hahahah kala nila ah

"Candidate no. 2" banggit ng emcee at agad namang lumabas mula sa back stage ang isang magandang babae,

Lalein Forteza, 17 representative of section A-B. Wow taga A-B pala sya ah,  ay si Anne na pala yung susunod eh

"Candidate no. 3"  todo hiyaw ang mga kaklase ko. Lumabas na si anne ng nakangiti saka sya nag model at nag tungo sa gitna,

Charlotte Anne Cuevas 17, representative of section C-B, sabay ikot nya at diretso sa gilid,

Nagsunod sunod pa ang pag tawag ng emcee hanggang sa matapos iyon ay, isa isang tinawag ang Candidate number nila saka iyon tinanong para sa Q&A.

"Teka? Q&A agad?" Naguguluhang sabi ni Jade

"Oo, kase nag elimination night na rin naman daw eh"

"Ah ok"

"Candidate number 3 here's your question"

"What if one of your friends, will break your friendship rules? What will be your reaction and what will you do?"

"If one of my friend gonna break our frienship rules, of course my reaction will be shocked, because i never thought that she can do that, and of course i'd be mad at the same time, and i will let her explain for what she did, when her explanation is enough or better, i will accept her apologies and we may start a new one, that's all thank you.

Tanging palakpak at pag hiyaw lang ng mga tao ang naririnig ko, grabe ginalingan nya yung sagot nya to the highest level! Pak na pak

"Whoooo ginalingan mo bes!" Sigaw ni Jade na nasa tabi ko

Agad ng umalis si Anne, nag tuloy tuloy pa ang pag tawag sa iba pang mga contestant, hanggang sa......

Tinawag na ang contestant no.6

"What if there is two important person in your life, and that will be your familly and your friend, who will you choose among that two important person?" Tanong ng emcee kay Ana

"If there is two important person in my life and that is my family and my friend, of course i'd rather choose my family than my friend, because my family is very important to me, thank you" sagot naman nya saka umalis

Todo hiyaw at palakpak naman ang mga taga suporta nya,

Nagtuloy tuloy pa ang pag tawag ng bawat contestant hanggang sa matapos ito,

"Ok after this the judge will announce the 3rd, 2nd, and of  course the miss. Campus 2017, agad nag palakpakan ang mga tao at sabay sigaw ng mga pambato nila.

------

Ilang minuto rin ang lumipas saka pinaakyat ng emcee ang lahat ng kalahok, "ok, be ready" nang sambitin iyon ng emcee ay agad na nag hawakan ng kamay ang mga contestant ... "ok once i call your candidate number it' means you are the 3rd runner up"

Umakyat na ng stage ang isa sa mga judges tsaka inabot sa emcee ang isang envelope ...

Katahimikan ang namayani sa buong lugar, "ok, our third runner up is ... candidate number 2" nagulat ako sa narinig ko, ang section 1 3rd runner up lang, oh hindi ko masisisi ang mga judges pano anlayo ng sagot nya sa tanong eh,

"The 2nd runner up goes to ... candidate number 6" nag palakpakan naman ang lahat ng nasa tabi namin,

"Tsk! Pumasok pa yan, at take note 2nd pa ah" pabulong na sabi ni jade

Hindi ko na lamang sya pinansin hahaha init ng ulo ny eh

"And of course oud Miss. Campus 2017 is ... candidate number ... pumikit ako at tinakpan ang tenga ko, ewan ko ba pero parang kinakabahan ako leche nakaka ewan

"Candidate number 3" napatauo si jade saka sumigaw ng kung ano-ano, panalo si Anne! Agad akong tumayo at hinabol si jade na ngayon ay papalapit na kay Anne,

"Congrats Anne" sabay sabay na bati ng mga kaklase namin

Nag picture picture muna kami saka kami nag si hiram ng korona ni Anne para isama sa picture, muntanga lang diba.

"Tara na at mag ce celebrate pa tayo, take note treat ko" nakangiting sabi ni ma'am Dabandan ...


friendship goals Where stories live. Discover now