Chapter 12: Preperation

5 1 0
                                    

Anne's

Maaga akong nagising kasi pupunta pa kami sa kaibigan naming bakla  para manghiram ng gown, na susuotin ko sa grandfinals.

Ilang minuto din akong nagbihis at nasa baba na sila na nag hihintay sakin

Di pa ako tapos mag bihis at narinig ko ng sumigaw si jade

"Anne Dalian mo na jan"

Lumabas na ako at nagtungo na kung nasaan sila jade

Paalis na sana kami ng maiwan ko ang  cellphone ko at agad ko naman itong binalikan

Mamaya pa at nakarating na din kami sa bahay ni Carla

Hindi na kami kumatok  at dumeretso na sa loob dahil nakabukas naman ito

"Hi girls" bati samin ni Carla

"Hello bakla" sabay sabay na bati namin

Pina upo nya kami sa sofa at saka binigyan ng maiinom,

"Pweden bang, Patingin na ng gown" pag uumpisa ni kate

"Wait ah kukunin ko lang"

Pumasok siya sa isang kwarto at pagkalabas nya may dala na syang isang box

"Oh eto na"

Binuksan ko ang box na iyon at saka ko inilabas ang kumikinang kinang na gown,

"Wow! Ang ganda" namamanghang sabi ni Kate,

Agad ko itong kinuha saka ko sinabing, "sukat ko na ah" tumango lamang sila bilang sagot,

Ilang sandali pa at tapos ko na ring suotin ang gown, lumabas ako mula sa kwarto kung saan ako nag sukat,

"Bagay na bagay sayo Anne" panimula ni Carla

"Wow! Your so gorgeous" banggit naman ni Jade

"You look so beautiful to that dress" pam pupuri naman ni Kate

Hayss kahit kailan talaga ang O OA ng mga babaeng to

Ng matapos ang pag susukat ko ay aad kong binalik sa kahon ang gown dahil baka marumihan pa ito,

"By the way, Carla pwede bang ikaw na lang din ang mag make up kay Anne tutal sa pag kakaalam ko make up artist ka eh," sabi ni Jade with matching taas baba kilay pa

"Sure! May friend din ako na magaling mag ayos ng hair, kaya i rerekomenda ko na rin sya kung gusto nyo,"

"Talaga! Ok yan, so babayaran na lang namin kayo" nakangiting sabi ni Kate,

"Sure, bukas na yun diba?" Tanong ni bakla

"Oo, pumunta na lang kayo ng kaibigan mo ahh"

"Sure Jade, mga 7:00 start yun diba?"

"Oo, sa back stage tayo magkikita kita ah"

"Ok, text ko na lang kayo"

"Sige, alis na kami ah may pupuntahan pa kasi kami eh thankyou see you tomorrow" sabi ni Jade at dumiretso na sa labas,

Sumakay na kami ng jeep pa punta sa bahay nila leona isa sa mga SSG, balak sana namin syang tanongin,

Ilang oras pa at nakarating na rin kami, tinanong lang namin sya kung pwede naba ang gown na susuotin dahil meron silang sinabi na bawal daw kaya gusto namin na makasigurado,

Matapos ang sandaling iyon ay umuwi na kami para ma kapag pahinga.

friendship goals Where stories live. Discover now