chapter 22: Debates

3 0 0
                                    

Kate's pov

Dahil wala ang teacher namin sa filipino ay napag desisyonan muna naming umupo sa isang bench malapit sa garden.

"Hayss nakakatamad" sambit ni anne na ikinalingon ko,

"Kaya nga eh, hayss"

"Alam nyo kayong dalawa wala na akong ibang narinig sa inyo kundi buntung hininga" sabi ni jade at agad itinigil ang paglalaro ng criminal case
"Eh kase naman Jad--" naputol ang dapat na sasabihin ko ng may lumapit na isang estudyante sa amin sabay sabing "Sino po si Jade sa inyong tatlo?"

Agad namang nag taas ng kamay si Jade, saka tumayo at tinanong kung bakit "bakit po?"

"Pinapatawag daw po kase kayo ni Ms.Leila eh" tumango na lang si Jade at nag patuloy na sa pag lalakad, agad naman kaming tumayo ni Anne saka sila sinundan, matapos ang ilang minutong pag lalakad ay narating na rin namin ang isang room kung saan daw na roon si Ms.Leila ang english teacher namin.

Binuksan ng estudyanteng babae ang pinto saka kami inanyayahang pumasok sa loob, bumungad sa amin ang nakangiting mukha ni Ms.Leila

"Ok thank you Eula you may go" sambit ni Ms.Leila sa babaeng naghatid sa amin.

"Ma'am how can we help you?" Tanong ni jade sa kanya

"Jade, i want you to join the debates this coming saturday, and i want you to represent you're section"

Napakunot ang noong tanong ni jade   "but ma'am i don--"

"Oops, no but's" sabay na sabi namin dalawa ni anne

"Just fill up this form and you may go now, don't forget to practice ahh" sabi nya sabay abot ng form

Sinagutan nya naman ang form na iyon saka ibinigay ulit pabalik kay mam "thank you Jade. Now you may go" agad naman kaming lumabas ng room

"Support ka namin dyan bes!" Sabi ko with matching kembot pa

"Jade for the win! Win! Win! Win!"

"Bes tama na hindi pa nga nag uumpisa for the win win na agad? Tsaka nabasa nyo ba yung nasa papel no cheering daw"

Sabagay tama si Jade no cheering nga pala, habang nag lalakad kami ay nakasalubong namin si Marco at Drake "uy kayo pala"

"Ay hehe hello" banggit ni Anne with matching ngiting ngiti pa

"Wait hindi nyo ata kasama si Zac?"

"Ahh nag pa-practice kasi sya sa darating debates eh"

Agad akong napatingin kay Jade na halatang nagulat sakanyang narinig,

"Jade are you okay?" Sarcastic na tanong ko ngunit nginitian lamang ako nito

"Ay by the way paanong si Zac ang representative ng section namin eh si Jade nga yung pinili ni Ms.Leila?"
Pipigilan pa sana ako ni Jade sa pagtatanong ngunit nahuli na sya, well ako paba? Da best ata tong bibig ko

"Talaga? Kasali ka sa debate Jade?"

"Ahh oo" patango-tangong sambit ni Jade

"Oy Marco sagutin mo na yung tanong ko!"

"Ahh yun ba si Marco kase yung representative ng section namin eh"

Tumango na lamang ako bilang sagot, kailangang galingan ni Jade dahil ang Goal namin ngayon ay ang manalo sa bawat kompitisyon na kakaharapin namin,

"Ah sige una na kami ahh" pambabasag ni Anne sa katahimikan
Maya-maya pa ay napag usapan naming tatlo na magpraktis sa 6th floor mamaya since friday na bukas ay isang araw lang ang magiging praktis ni Jade.

Nag sunod sunod pa ang tatlong subject na klase namin ngunit ni isa ay walang pasok sa utak ko naka pokus kase ako sa iniisip ko na ano kaya ang kakaharapin kong kompitisyon?

"Uy kate tara na!" Agad akong nagbalik sa huwisyo ng hampasin ni Anne ang desk ko,

"Ay bes! Iba na yan iniisip mo si Marc--" agad kong tinakpan ang madaldal na bibig ni Jade bago pa marinig ng kung sino,

"Tara na nga! May balak pa kayong magtulungan ako eh" tumawa na lamang silang dalawa saka nag patuloy sa pag lalakad.

*****

Kasalukuyan na kaming nag iisip kung papaano matutulungan si Jade sa mga isasagot nya, ngunit ilang oras na ang lumupas at puro tawanan lamang ang naigugol namin sa mga oras na dapat sana'y pag e ensayo sa darating na debate,

"Wag na tayo mag praktis nakakatamad eh" natatawa tawang sabi ni Jade

"Hahahah oo nga eh"

Nagpatuloy pa ang pag tatawanan namin hanggang sa lumabas si aling bebang at saka kami sinigawan agad naman kaming nagtakbuhan sa iba't-ibang direksyon, kaya napag isipan ko na umuwi na lang at i text sila na magpapahinga na ako,

Nang ma sent ko na ang minessage ko sa kanila ay agad naman akong nakatanggap ng reply mula kay Anne, wala atang load si Jade kaya hindi na nakapag reply,

Bala na sya "GOODNIGHT"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

friendship goals Where stories live. Discover now