Chapter 3:terrace

5 2 0
                                    

Anne's pov

Kasalukuyan akong nagbibihis para sa sinabi ni kate na pupuntahan daw namin, ilang minuto rin ang lumipas at natapos na ako, hindi naman masyadong maporma ang suot ko,

Sinuot ko lang ang itim kong sleeveless at puting palda

Hinintay ko muna ang text ni kate  bago ako lumabas ng bahay, maya maya pa naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa, agad ko itong kinuha at hindi ako nag kamali na nanggaling nga kay Kate ang text

Kate:

Bes! Tpos kna ba mag bihis? ^_^

Agad akong nag reply at sinabing "oo, san ba tayo pupunta?"

Hindi na sya nag abala pang magreply, binuksan ko ang pinto at lumabas na ng bahay,

Pababa na sana ako ng may gumulat sa likuran ko, ng lumingon ako nakita ko ang mukha ng dalawa kong kaibigan

"Hahahaha nagbihis ka talaga?" Natatawang tanong ni Jade

"Oo sabi ni kate eh"

"Hala! Naniwala ka talaga sa akin? Pina-prank lang kita hahahahah"

"Leche ka! Tabi nga magbibihis na ulit ako" sabi ko na may halong pagkairita, matapos kong magpalit ng damit pambahay agad na akong lumabas,

"Andito pa pala kayo" sabi ko nang naka kunot ang noo

"Ayaw mo" sabay na sabi nila

"Tara na nga!" Sabay sabay kaming bumaba.

Nang marating namin ang second floor kung saan naroon ang terrace ay agad na huminto si kate, nauna syang umupo sa mahabang upuan at sumunod kaming dalawa ni Jade

"Dito lang pala tayo pupunta pinagbihis mo pa ako"

Tinawanan lang nila akong dalawa,
Maya maya katahimikan ang namalagi sa aming tatlo

"How can you describe this place?" Tanong ni Jade

Ako na ang unang sumagot "this place is our favorite spot" natatawa pa ako sa sinagot ko

Sumunod na sumagot si kate "this place is peaceful" sabi nya habang nakatingin sa malayo

"And how about you?" Sabay na tanong namin ni Kate

"I think this place is unique"

Nag kwentuhan pa kami ng tungkol sa kung ano ano ng mapadpad ang usapan namin sa lalaking nasa library

"Naalala nyo pa ba yung lalaking nasa library?" Tanong ni Jade

"Oo, yung nakausap ni kate, bakit ano meron sa kanya?"

"Nung pumunta kasi tayo sa library tapos diba nag hahanap ako ng libro sa chemistry para sa assignment natin?"

"Oo, bakit ano meron dun?" Tanong ni Kate

"Sa kanya kasi tong libro inabot nya sa akin tapos, nag taka lang ako bakit alam nya yung kailangan kong libro eh hindi ko naman sinabi sa kanya"

"Ahh! Sinabi nya sa akin yun, sabi nya kaya nya daw nalaman dahil ung teacher daw natin sa chemistry ay teacher din nila"

"Ahhhh so close na kayong dalawa?"
Tanong ni Anne habang tumatango tango

"Slight lang"

"Guys, can we change the topic?"
Jade said

"Oh diba birthday ni tita claudia bukas"
Tanong ko sa kanila

"Oo!" Sabay na pasigaw na sabi nila

"Punta tayo?"

"Of course"

Maya maya pa lumabas sa bahay nila si aling bebang sabay sabing

"Hoy! Gabi na kung ayaw nyo matulog pwes mag patulog naman kayo!" Sigaw nya

Agad naman kaming nagsitak buhan at nagkahiwahiwalay kami ng direksyon, kaya ayun hindi na namin nagawang magpaalam sa isa't isa at nagsi uwi na lamang,

"Goodnight mga bes" banggit ko bago tuluyang ipinikit ang aking mga mata para matulog.

friendship goals Where stories live. Discover now