Chapter 14: Celebration

2 1 0
                                    

Jade's pov

Pumasok kami sa isang restaurant na hindi ako pamilyar, mukhang pang mayaman ata malay ko ba kung anong restaurant to basta ang importante sa akin mkakakin ako gutom na ako eh, pumunta kami sa may pinaka malaking tabe kung saan kasya ang mahigit 20 katao, bale tatlo ang nagamit naming table sa fami ba naman namin.

Umupo ako sa malapit sa aircon para naman malamig lamig eh sa naiinitan ako eh, umorder na sila ng kung ano ano, samantalang nag paorder lang ako kay Kate, alam nya rin naman yung gusto ko eh,

Dumating na si Kate dala dala ang pagkain naming tatlo, nilapag nya ito sak umupo sa tabi ko.

Kumain lang kami at nag usap usap ng kung ano ano, "Anne mamaya picture picture tayo sa bahay ah"

"Hahahah sige, i a upload nyo ba?"
"Syempre, para alam ng lahat na ikaw yung panalo!"

"Hahahh loka loka ka talaga Kate, pero tama naman" sabi saka sumubo ng spaghetti,

Isang oras din siguro ng matapos kaming lahat sa pagkain, pumunta si ma'am Dabandan sa wauter at kinuha ang bill namin, habang nag aantay kami sa labas sinubukan kong basahin ang pangalang ng restaurant na ito "Andrei Restaurant" basa ko rito, Andrei? Parang pamilyar sa akin, parang narinig ko na rin yun somewhere, isip ako ng isip kung saan ko narinig yun,

Nagulat naman ako sa pag sigaw ni Kate sa tenga ko "uy! Ano na!?" Sigaw nito "ha? Bakit?"

"Ikaw na lang inaantay namin oh!" Sabay turo nya sa mga kasama namin na nakatingin din sa amin,

"Ay! Sorry tara na" agad naman kaming lumapit sa mga kasamahan namin at dumiretso na kami sa van na sinakyan namin kanina,

Sa buong niyahe namin tahimik lang ako at iniisip parin ang tungkol sa Andrei na restaurant na yun san ko ba kase narinig yun? Hirap naman isipin nakakaloka, ... hindi ko namalayan na kakaisip ko ay nakatulog na pala ako,

"Jade, nandito na tayo" sabi ni Anne with matching yugyog pa

Agad naman akong ngumiti sa kanya tsaka inayos ng kaunti ang damit at buhok ko, ng matapos na ako ay agad akong lumabas ng van at dumiretso kay Anne,

"Bye ma'am ingat po kayo, sabi naming tatlo sabay wave

Umakyat kami sa bahay at dumiretso sa terrace, "san nga pala tayo mag pipicture?" Tanong ni Anne

"Sa 5th floor na lang wala namang tao dun eh" sabi ko sabay turo ng kamay ko sa taas

"Tara na" sabay hila sa amin ni Kate

Nang makarating kami sa 5th floor agad kaming puwesto para makapag picture ng maayos

Picture dito picture doon mukha na nga kaming tanga eh hahaha pero go parin hanggang sa naisip namin na papwestuhin si Anne sa gitna at kunan ng magandang kuha,

"Wow! Ganda mo dito Anne oh, post natin to sa fb tapos lagyan natin ng caption na "Miss Campus 2017" hahahah ayos yun!"

"Kahit kailan ka talaga Jade, pero tama naman"

"Hhahhah sige post nyo na" natatawa tawa pang sabi ni Anne.

"Hays baba na tayo. tulog na tayo 11 na eh, bye goodnight" paalam ko sa kanila saka kami sabay sabay na bumaba, at nag si punta sa mga bahay namin

"Goodnight"

friendship goals Where stories live. Discover now