Chapter 20: @ Tita Claud's house

0 1 0
                                    

Jade's pov

Matapos sabihin ni tita claud na aantayin pa namin yung pamangkin nya parang gusto ko na umuwi,

Eh paano ba naman kase alien yun eh, dati ayaw ng kinakausap tapos kanina lang kinausap ako, ang mas malala tinanong nya ako tapos nung tinanong ko sya kung bakit sabi nya wala, lakas maka alien nakakaewan

Ilang minuto pa ang lumipas ng biglang dumating si Zac, "Sila Marckie ba yung kasama nya" bulong ko sa katabi kong si Anne

"Gaga! MARCO hindi marcky!" Sagaw nya sa akin with matching batok pa,

"Edi Marco! Maka batok ka, eh may kasalanan pa nga kayo ni Kate sa akin eh!"

"Edi sorry na! Ang boring boring kase sa room eh, palibhasa kung hindi libro ng City of bones eh libro ng mga Code yung binabasa mo napaka alien mo!"

"Ako pa talaga ah, eh ikaw nga may gusto kay Dra-" agad akong napahinto at doon ko lamang napansin na pinag titingina na pala kaming dalawa ni Anne, nakakahiya

Tatawa pa sana si Kate ng makita kong nilakihan sya ng mata ni Anne, sa sobrang tahimik ay ako na ang bumasag ng nakakairitang katahimikan na ito

"Ahm, pwede bang sumakay na kayo sa van ha?" Sabi ko na may pag ka sarcastic nakakabwisit tong mga to! Sarap pag tatadyakan

Matapos kong sabihin iyon ay agad na silang nagsipasok sa loob ng van, nakaupo sa front seat si tita Claud at sa likod naman nito ang tatlong lalaki, samantalang nasa pangatlong hilera naman kami,

Habang nasa byahe kami ay nag tatawanan ang tatlong alien kaya napagdesisyonan kong isalpak sa dalawang tenga ko ang earphone ko at punatugtog ang fly tonight ni ylona garcia,

Ako ang nasa tabi ng bintana kaya mas komportable ako, nasa gitna naman si Anne at nasa kabilang gilid naman si Kate,

Ilang oras pa ang lumipas bago kami nakarating sa malaking bahay nila tita claud, naunang bumaba si tita claud at sumunod naman ang mga lalaki

"wow ah napaka gentle naman nila, sa sobrang gentle man sarap na nila iuntog sa poste" iritang banggit ni Kate,

Nanahimik na lang ako masyado akong na re relax sa kanta eh, dumiretso kami sa loob at puwesto sa sala ng bahay nila,

Maya maya pa ay lumabas mula sa isang kwarto ang tatlong alien lumapit sila sa amin ay sa sofa pala, tulad namin eh umupo rin sila,

Maya maya pa ay dumating na si Tita Claud kasama ang ilang kasambahay,

"Kaya ko kayo inimbitahan, kase nanalo si Anne sa Miss Campus, at ngayon ko lang nalaman kaya ngayon lang rin ako nakapag congratulate sa kanya" panimula ni Tita Claud,

"Thankyou po" banggit ni Anne ng nakangiti

Inilapag na ng mga kasambahay ang mga pagkain sa mesa, at umupo na rin si Tita claud sa natitirang bakanteng upuan,

"Let's eat"

Kumain na kaming lahat at nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang babae na may malapad na ngiti sa kanyang labi,

"O Theris anak sumabay kana sa amin" sambit ni tita claud

"Ah no thanks ma tapos na po ako, pumunta lang ako dito para sabihin na ready na ang karaoke nyo" sabi nito sabay kindat, ewan ko kung sa akin ba kumindat o sa mga kaibigan ko baka naman sa mga boys bala na basta yun na yun,

T-teka karaoke? Kakanta kami? Humaygad! Ayoko, paos ako.

******

Ilang minuto na ang lumipas matapos kaming kumain, at napagdesisyonan ni tita claud na pumunta na muna raw kami sa garden ng bahay nila, habang nakaupo kami sa isang bench ay napagdesisyonan naming kumanta since tatlo lang kami rito rito at dala rin namin ang gitara ni Kenzie,

Nagsimula na akong magstrum ng gitara at kinanta na nila ang first line ng kantang DAYA- SIT STILL LOOK PRETTY

                      Could dress up
                         To get love
                     But guess what?

Naputol ang pagkanta nila at ang pag strum ko ng gitara ng biglang may pumalakpak sa likod namin, agad kaming lumingon at bumungad sa amin ang tatlong alien este tatlong lalaki pala,

"Galing nyo palang kumanta, at ikaw Jade marunong ka palang mag gitara?" Panimula ni ugok ay ni Drake pala

"Eh pake mo?" Pabulong na sabi ko, agad naman akong siniko ni Anne sabay sabing "ah oo"

"Alam naming tatlo yung kantang kinakanta nyo" sabi naman ni Marco habang nakangiti,

"Wala kaming pake!" Sigaw naman ni Anne, kanina lang siniko nya ako tapos ngayon sisigaw sya,

Sa sinigaw nyang yon ay napangisi ang tatlong alien,

"Ah ang ibig nyang sabihin ang ganda ng kanta noh, hehe" sabi ni kate na halatang pilit na pilit ang tawa,

Agad naman sila umupo sa  ikaapat na bench ng inuupuan naming bench at kumanta ng I won't give up? At take note may gitara na rin silang dala, nag simula sa pag strum ng gitara si Zac at agad na kumanta ang dalawa,

         Well, I won't give up on us,
          Even if the skies get rough
          I'm giving you all my love
                I'm still looking up

"Tsk, chorus agad" pabulong na sabi ni Anne ngunit sapat na para marinig naming tatlo

"Ah chorus agad kase baka mainlab pa kayo kapag kinompleto namin eh, patikim lang muna yun" naka ngising sabi ni Zac saka nya binitawan ang gitara at pumasok sa loob

"Naku! Sabihin nila hindi lang nila kabisado!"

"Hahaha hinay hinay lang Jade, ang cute ng gitara nila oh may sticker, ano to bakit may nakalagay tatlong X?" Nakakunot noong sabi ni Kate, agad naman naming pinagmasdan iyon ng maalala kong nakita ko na ang tatlong X na yun maraming beses na.
        

                   

friendship goals Where stories live. Discover now