Panimula

86 11 3
                                    


NOONG unang panahon---, (uh, masyadong cliché na yung ganiyang panimula)

Ito na talaga.

A long long time ago, there was a volcano---(ay, kanta pala yan)

Itong ito na talaga.

Loooooooong time ago, libong oras, araw, buwan at taon ang nakakaraan sa Pilipinas, nang bigyan ng isang diwata ang iilang kahayupan na manirahan, mamuhay kagaya ng mga tao sa kadahilanang napatawa nila ang malungkuting diwata.

Binigyan sila ng diwata ng mga kayamanan, pagkain, tirahan, at nang kahit anong hilingin nila.

Nanirahan sila sa Sitio Animali Mali na nasa mismong gitna ng masukal, maasin at malaking kagubatan na tinatawag na Bilak Forest.

Ang lugar na ito ay hindi kayang makita ng isang normal na tao. Ang batang ipinanganak na may balat na korteng logo ng Nike ✔ sa may butt banda ang tanging makakakita sa kanila.

Oo, kaya nilang magsalita, sumayaw, kumanta, tumambling at maglaba. Sumusunod sila palagi sa mga utos ng diwata.

Many years have passed, unti unting (mararatiiiiing~) nagbago ang kanilang ugali at nagiging siyudad na ang dating sitio.

Mabilis silang nagreproduce dahil narin sa angking kalandian nilang tinatago.

Nagiging gahaman sila sa kapangyarihan at kayamanan kaya nagkaroon ng gulo sa kanila.

Sa pangyayaring iyon, nagalit ang diwata at pinabayaan na lamang sila.

Nahirapan silang mag-adjust sa pasya ng diwata. Nasanay kasi silang umaasa sa kaniya. Ang iba pa nga ay nagpakamatay dahil dito.

Nais nilang magkaroon ng isang pinuno na tutulungan silang bumangon sa krisis na kanilang kinakaharap.

Si Choneco, asawa ni Choneca, isang buwaya na isa sa mga hayop na gustong makamit ang kapangyarihan at mga kayamanan.

Kinuha niya ang pagkakataong iyon na magpakitang gilas sa pagiging magaling lider. Gumawa siya ng mga reporma upang magkaroon sila ng kayamanan na napakarami.

Hinahangaan siya ng nakararami dahil sa kaniyang kabutihang loob na ipinapakita.

Unti-unting lumalaki at yumayaman ang syudad. Ngunit nagtataka ang iba kung bakit may mga mahihirap parin.

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na may iba pa siyang ginagawa habang ginagawa ang kaniyang mga plano para sa syudad. Multi-tasker siya. At may pinakatatagong sikreto siya na kapag nalaman ng nakararami ay mawawala siya sa kaniyang trono.

Pero, lahat ng sikreto ay nabubunyag.

Abangan ang susunod na kabanata...

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Feel free to vote, comment and follow me. ⭐ 😊

When Doreng Goes Away #TheDiamondAwards2017 #WCAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon