The Papers

32 4 1
                                    

TINITIGAN ng masama sina Doreng ng lahat ng nakatira sa Brgy. Bumaliktad.

Napalunok na lamang silang dalawa ng kanilang laway.

"Anong ginagawa niyo rito?", tanong sa kanila ng isang leon.

"A-a-ah eh. Na-napadaan lang po.", sagot ni PP.

"Ano ba Doreng? Nakakatakot sila. Sinabi na kasing huwag na tayong pumunta rito.", bulong ni PP kay Doreng.

Hindi niya pinansin si PP at saka sinagot ang tanong ng leon.

"Ang totoo po kasi niyan, nagpapalipad kami ng eroplano ng mapansin ko ang lugar ninyo. Bakit po ba ito naiiba sa ibang barangay ng Animali Mali? At bakit parang ayaw ninyo kay Hariyama Choneco?", turan nito

"Ikaw ba ang babaeng natatangi?", tanong ng isang tigre.

Tumango na lamang si Doreng.

"Hindi ko pwedeng sabihin sa iyo dahil malapit sa'yo ang Hariyama. Baka kami'y iyong isumbong at patayin."

"Patayin? Bakit po?"

"Dahil papatayin kami kapag nalaman ng Hariyama na ipinagkakalat namin ang kasamaang ginagawa niya. Pinagbabayad niya kami ng malaking buwis tapos hindi man lang kami tinutulungan. Kinukurakot niya ang buong syudad upang yumaman ng yumaman at pagkatapos ay kokontrolin na niya kaming lahat.", wika ng isang pagong

"Oo nga. Gano---, hala na! Torki! Bakit mo sinabi? Ang tanga mo talaga!", saad ng leon na nagtanong kanina.

Nagkagulo silang lahat dahil nalaman ni Doreng ang dahilan at baka isumbong sila nito.

"Saglit lang po. Huwag kayong mag-alala. Hindi ko naman kayo isusumbong. Mabait po ang ipinapakita sa akin ng Hariyama ngunit di ko feel ang aura niya. Mukha kasing pinaplastick niya lang ako. Hindi pa naman buo ang tiwala ko sa kaniya.", sigaw ni Doreng.

Napahinto naman ang lahat at napatingin sa kaniya.

Sinabi niya na kahit sa mundo nila ay nagaganap din ang katiwalian ng kanilang mayor. Humingi siya ng ebidensya na makakapagpatunay na ito nga ay kurap. Kumukurap-kurap.

Nilapitan siya ng parang kapitan ng barangay at pinakita ang mga litrato ng katiwalian ng Hariyama. Nangako siya na tutulungan niya sila na mapatalsik ang Hariyama.

Nag-isip sila ng hakbang na gagawin sa pagpigil kay Choneco. Owyeah.

Nagpaalam na siya at nagpasalamat sa kaniya ang buong barangay. Sa susunod na chapter na nila gagawin ang plano.

Sumakay na sila sa eroplano at pinaandar ito. Tumungo sila sa palasyo. Bumaba na si Doreng kaya si PP na ang magmamaneho ng kaniyang eroplano. Sosyal. May sariling airplane.

Pagkapasok niya sa palasyo, kumain agad siya. Takab talaga eh.

Nalaman niyang wala pa roon ang Hariyama kaya tumungo siya sa silid kung saan niya narinig ang usapan.

Pumasok siya roon upang maghanap pa ng mas matibay na ebidensiya. Hinalughog niya ang buong kwarto at nakita niya ang isang papel. Kinuha niya iyon. Lumabas na siya sa silid na iyon at baka mahuli pa siya.

Bumaba na siya at saktong dumating ang Hariyama.

"Kamusta ang pamamasyal?", tanong ni Choneco.

"Masaya naman po. Exciting. Parang saamin lang rin po eh. Hindi naman kasi nagkakalayo ang mga itsura niyo sa mga tao roon sa barangay namin. ", anito at saka ngumiti ng pagkatamis tamis. Kinagat tuloy siya ng langgam. So sweet.

Nagpaalam na siya at saka pumunta sa guest room. Humarap siya sa kama. Tinitigan niya ito ng ilang minuto. Tumayo siya roon at tumalon talon.

Tumalon lang siya ng tumalon hanggang sa makatulog.

°°°°°
Kinabukasan...

Nagising muli siya nang inaalala ang panaginip. Hindi niya kasi maalala. Pero ang natatandaan niya ay nakita niya raw si Emma Watson sa personal at nakipagselfie siya roon. Hiniling niya na sana hindi na siya nagising kaagad. Sana nga. Hindi na siya magising. Joke.

Naligo na siya. Nagbihis. Nag-ayos. Nagpakamatay. Charot.

Pagkatapos niyang mag-ayos pero nakalimutan niyang magtoothbrush, pumunta na siya sa kaniyang favorite place. Dining room.

Nakita niya kaagad ang Hariyama na kumakain. Takab din eh.

Umupo na siya sa kabilang dulo. Nagpray muna siya saka lumamon.

"Nga pala. Ito oh", sabay inabot ng Hariyama sa kaniya ang isang maliit na papel.

" Pangalan iyan ng mayroong mapa paalis ng syudad na ito. Ipagtanong tanong mo nalang sa iba kung saan mo siya makikita at nang makaalis este makauwi ka na sa inyo. Alam ko namang gusto mo nang umuwi.", ngumiti pa ito ng plastic. Hindi niya alam na pinaplastic narin siya ni Doreng. Plastic silang dalawa.

Nagpasalamat naman ang batang babae. Tinapos na niya ang pagkain bago umalis sa palasyo.

Nagtanong tanong nalang si Doreng sa nakakasalubong kung nasaan si Hannah Pindamap. Iyon ang nakasulat sa maliit na papel na ibinigay ng Hariyama.

May isang sloth siyang napagtanungan kung nasaan ito at sinabi ng sloth na sasamahan nalang niya ito papunta sa bahay nito.

Nagsimulang gumapang nnng napakabagal ang sloth at sinundan naman niya ito.

Tatlumpong minuto na ang nakalipas ng 20 metro palang ang nalalakad nila. Napagpasyahan nalang ni Doreng na buhatin ang sloth at ipaturo nalang ang papunta roon.

Tinuro naman ng sloth ang isang bahay. Nakarating na pala sila roon.

Kumatok si Doreng at lumabas naman ang isang ahas. Napatili na lamang siya because she's afraid in snakes.

Tinanong niya ito kung nasaan si Hannah at sinabing siya iyon.

Sinabi na ni Doreng ang pakay niya at kinuha naman ni Hannah ang mapa. Aalis na sana siya ng pinigilan siya nito.

"Saglit! May bayad 'yan. 100 pennies ang halaga niya."

'Aba! Hindi man lang sinabi ni Choneco na may bayad ito.', nasa isip niya.

"Si Hariyama nalang po ang singilin niyo! Babye!", anito at nagflying-kiss pa.

Tumakbo na ito papuntang Brgy. Bumaliktad.

Abangan ang susunod na kabanata...

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Feel free to vote, comment and follow me. ⭐😊

When Doreng Goes Away #TheDiamondAwards2017 #WCAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon