TAONG 2017, Open Sashimi Street, Purok Kurakot, Brgy. Gura Binmalas
Ambubuyog Residence
"Ay am Doreena Ariana G. Ambubuyog. 10 yers of eeyj. Ay lib in awer haws but samtayms in da Zoo. May kasabihan ako, 'Ang batang pinanganak na di kanais nais sa mata, paglaki kay Vicky Belo ang punta. Ang bata namang maganda, paglaki dyosang katulad ni Doreena!' I, thank you!", saad ni Doreng at nagduck face habang nakatingin sa salamin ng kaniyang cabinet
Siya si Doreng.
Feelingera si Doreng.
Huwag tularan si Doreng.She wants to explore more and more. She likes to walk and walk and walk. She loves seafoods. I like free food. You look like seafood.
Mahilig siya sa hayop. Crush niya si Diego, pinsan ni Dora because for her they are mutual. Mga adik sa mga animals.
"Hoy Doreng! Tatanga tanga ka nanaman diyan sa salamin. Kapag iyan nabasag sa katitingin mo, bayaran mo 'yan!" sigaw ng kanyang lola na palaging galit sa kaniya
"Doreng! Magsaing na! Tanghali na oh!" sigaw naman ng kaniyang ina
Umalis na siya sa harapan ng salamin at tumungo sa kanilang kusina at nagsimulang magsaing.
Nang matapos niyang isalang sa kalan ang kaldero, lumabas muna siya ng kanilang bahay upang lumanghap ng hangin.
Nakita niya sa terrace ng kanilang tahanan ang kaniyang 3 taong gulang na nakababatang kapatid.
"Pogi ko talaga. *pogi pose*" saad ng kaniyang little sister
Oo. Babae siya este tomboy. 3 years old palang, pagpapapogi na ang alam.
Nilagpasan nalang siya ni Doreng. Snob kasi si Doreng.
Nilanghap niya ang hangin at napa ubo sapagkat nalanghap niya ang usok mula sa mga sasakyan at sigarilyo.
Pinagmasdan niya ang paligid na palagi niya ring ginagawa.
Tirik na tirik ang araw. Sa sobrang init, parang kinicremate na siya.
Maraming mga uhugin at marurungis na bata ang naghahabulan. May mga magjowang naglalampungan. Get a room! May mga lasenggong naghahamon ng away, meron ding lasing na namimigay ng pera.
Lalapit na sana si Doreng sa isang lasing na namimigay ng pera nang bigla siyang nabunggo ng isa sa mga batang buringisin at sipunin na nagtatakbuhan.
"Hoy Doreng, ang chaka mo talaga. Ahahaha. Mukha kang mameng. Ahahahaha." pang aasar ng bata at biglang tumakbo.
Hindi nalang iyon pinansin ni Doreng dahil alam niyang hindi iyon totoo.
'Idura ang mga negatibong bagay, kainin ang positibong lamang. Positivity ey. Positivity.', iyan ang nasa kaniyang isipan
Itutuloy na sana niya kaniyang paglalakad nang may isang papel na kasing laki ng legal bond paper na dinadala ng hangin at tinakpan ang buo niyang mukha.
Tinanggal ni Doreng sa kaniyang mukha ang papel at nagulat siya.
"Woooah! Ano 'to?" nagtatakang tanong niya
Mas lalo siyang nagulat nang bigla itong nagliwanag. Napakaliwanag. Naging singkit ang kaniyang malalaking mata.
Nagkaroon ng mata, ilong at bibig ang papel.
"Magandang araw sa iyo, Doreng." nagsalita ang papel
"Hala, paano mo nalaman ang pangalan ko? Galing ah" manghang mangha siya
"Nabasa ko sa kwintas mo eh."
May kwintas kasi siyang may nakasulat na 'Doreng'.
"By the way, I'm---. Aray! Langhiya ka, Doreng! Bakit mo tinusok ang mata ko?!" singhal ng papel
"Ay, akala ko di ka totoo at namamalikmata lang ako"
"Eh bakit ako yung tinusok mo? Dapat yung mata mo yung tinusok mo."
Tinusok ni Doreng ang kaniyang mata at napa-Aray! naman siya.
Pinagtinginan siya ng kaniyang mga kapitbahay at nagtataka sila kung bakit kinakausap ni Doreng ang papel. 'Maluwang na ba ang turnilyo nito sa utak?', iyan ang nasa isip ng karamihan ng kaniyang kapitbahay.
Hindi iyon pinansin ni Doreng kasi nga snob siya.
"Doreng totoo nga ako. Pero hindi ito ang tunay kong anyo. I'm Queen Lalima. The Queen of the Lalima City. Ito ay mapa papunta roon. Isa ka sa napiling pumunta roon dahil sa iyong pagiging positibo. Maswerte ka't naimbitahan ka. " pagpapaliwanag ng papel
"Ngunit hindi ko kayang iwanan ang aking pamilya. "
"Weh? Matagal mo na kayang gustong maglayas dahil trip mo."
"Hala, paano mo nanaman nalaman?"
"Secret!"
Bigla ulit na lumiwanag ang papel at nagmukhang mapa. Sa susunod na chapter ko nalang ieexplain ang nasa mapa.
Nakita niya sa mapa ang itsura ng siyudad. Nagandahan siya. Nais niyang makapunta roon.
Saktong-sakto, gusto niya ng maglayas.
Abangan ang susunod na kabanata...
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Feel free to vote, comment and follow me. ⭐ 😊
BINABASA MO ANG
When Doreng Goes Away #TheDiamondAwards2017 #WCAwards2017
AcakAting samahan ang sampung taong gulang na batang babae na nangangalang Doreng sa kaniyang pagkaligaw sa gubat at mapunta sa hindi masyadong pangkaraniwang lugar. Basahin mo ang kwentong ito na lahat ay posible at may moral lesson sa dulo. °°°°°°°°°°...