A Page from a Diary

35 5 0
                                    

BINIGAY kaagad ni Doreng sa kapitan ang papel na kaniyang nakuha sa silid ng Hariyama. Nang mabasa ito ng kapitan, nagulat siya.

Hinanda na nila ang kailangan ihanda. Inayos ang dapat ayusin. Pahabain ang dapat pahabain. Palakihin ang maliit.

Nagpost si Doreng sa lahat ng social media apps upang tipunin ang lahat ng tao sa harap ng Malakiñang-ano Palace upang maisagawa ang pagpapatalsik sa Hariyama.

'Hey guys, it's me bhoucxzs DoRengszx. The one and only girl humab that can see you. Now I see you. I have a very big surprise to all of you. Meet me at Malakiñang-ano Palace. 10 am this day. Attendance is a must. See yah!'

Tinignan nila ang orasan at nakitang 9:47 na. Tumungo na kaagad sila roon kasi excited sila.

Nang makarating sila rito, inayos na nila ang kanilang kagamitan. Sumilip muli siya sa orasan ng palasyo. Nakita niyang 10:05 am na, wala paring dumarating.

10:10 am, wala pa rin ni isa.

10:30 am, may dumating isa.

Nakapoker face na ang lahat ng naninirahan sa Brgy. Bumaliktad dahil kakaantay. Inip na inip na sila.

11 am, bago palang nagdatingan ang karamihan.

11:30 am, sa tingin nila, nadoon na ang lahat.

"Magandang umaga sa inyong lahat! Naririto po tayong lahat dahil pinatawag ko kayo!", panimula ni Doreng.

"Sumisigaw ako dahil wala akong mic. Poor kid lang ako eh. Hihi. By the way, tinipon ko kayo dahil may ibubunyag kaming sikreto ng isa sa mga hayop na inyong pinagkakatiwalaan. Walang iba kundi si Hariyama Choneco."

Sakto namang paglabas ni Choneco sa palasyo. Nagulat siya dahil sa nakitang halos lahat ng hayop sa syudad ay naroroon at si Doreng ay nasa kanilang harapan.

Nagbulungan ang lahat ng naroroon. Hindi nila maintindihan ang nangyayari.

"Ang inyong Hariyama ay kurap! Ninanakaw niya inyong mga pennies!", sigaw ni Doreng.

"Anong sinasabi mo, Doreng?! Wala akong ginagawa!", singhal ng Hariyama.

"May ginagawa ka kaya! Nagsasalita at humihinga ka!"

"Pinatuloy kita sa palasyo. Pinakain kita. Pinaliguan. Binihisan! Tapos 'yan ang igaganti mo saakin?! Sinisiraan mo ako!"

"Kumakain, naliligo at nagbibihis po kaya ako mag-isa! At saka napilitan ka lang na patuluyin ako para maganda pa rin ang image niyo sa iba!"

"Wala ka namang ebidensiya na ninanakaw ko ang mga pennies nila!"

"Yun ang akala niyo. Marami akong ebidensiya!"

Nilabas niya ang mga nakuha nilang ebidensiya at pinakita sa hayop-bayan. Hayop sila hindi tao kaya hayop-bayan.

Nagulat naman lahat sa nakita. Nagsisigaw ang Hariyama na hindi totoo ang nasa larawan at maaaring edited lang iyon.

Kinuha ni Doreng ang papel na kaniyang nakuha sa kwarto ni Choneco at binasa ang nakasulat rito.

My Dear Diary,
Mahal kita, alam mo ba? Charot lang! Ikaw lang kasi ang napagsasabihan ko ng totoo. Kaya dapat, Serbisyong totoo lamang. Huwag kang maglalayas ah para hindi ito malaman ng iba. May ibabalita nga pala ako sa iyo. Nagbabaga. Sizzling hot!

Pinadagdagan ko ang babayaran buwis ng mga kahayupan. Sinabi ko na para iyon sa paglago pa ng ating syudad. Kaya ayun, malaki laki ang nakuha ko! Halos bilyon bilyong pennies na ang meron ako. Marami akong bank accounts para di halata. Tig-isang milyon lang kada account. At nang dahil nga malaki ang nanakaw ko, papagandahin kita sister! Lalagyan kita ng cover na color pink then surrounded by flowers. Tapos there butterflies go fly and fly. Bongga 'no? Babush na sis! Shongga!

Pretty mong sister,
Pretty Chonekie

Nagulat nanaman ang lahat dahil sa narinig.

"Hariyama! Bakla ka?", tanong isa sa hayop-bayan.

"Paano mo naman nasabing akin ang pahina ng diary na iyan ha?!"

"Eh kasi nakasulat dito na Chonekie. Malapit lang iyon sa Choneco. "

"Marami namang Chonekie ang pangalan ah."

"May nangangalan bang 'Chonekie' rito?", tanong ni Doreng sa hayop-bayan.

Umiling naman silang lahat.

"Hindi iyan matibay na ebidensiya na saakin nga ang papel na iyan!"

"Meron pa kaya! Halatang sulat kamay mo ito! Diba may binigay ka saaking papel na may sulat at iaaw ang nagsulat nun! Kaparehas nun ang sulat kamay dito sa pahina ng diary! Sabi nila, unique daw ang sulat kamay mo. Parang pangdoctor. Kaya sayo ito! Huwag ka nang tumanggi pa!"

Nagulat na naman ang hayop-bayan. Paulit-ulit. Nagbulungan sila at sumigaw ng

"Sinungaling ka, Choneco!"

"Ipatalsik!"

"Tanggalin sa pwesto!"

Habang nagsisigaw sila, lumitaw ang isang babae na nakaputi, may flower crown sa ulo.

Pinagmasdan ito ng mabuti ni Doreng. Parang pamilyar sa kaniya ang mukha.

Ting! Naalala na niya. Iyon si Diwata Moto.

"Hi Doreng! Nabasa ko yung post mo sa Junglebook kaya pumunta ako dito. Medyo nalate nga lang ako kasi traffic sa itaas eh."

Nagulat silang lahat. Wala na ba silang ibang magawa kundi magulat. Bumalik ang kanilang diwata.

"Hi Guys! Namiss niyo ba ako?", sabi ng diwata.

Naghiyawan naman ang lahat dahil sa pagbabalik nito.

Alam na kaagad ng diwata ang pinanggagagawa ni Choneco pero hindi niya kaagad ito pinigilan dahil naghihintay pa ito ng tamang panahon. Alam niya ring darating ang babaeng natatangi at iyon ang magpapabago sa Animali Mali.

Humarap naman ang diwata sa natatakot na si Choneco. Sinabihan niya ito na siya ay paparusahan dahil sa kaniyang ginawa.

Hinawakan ni Diwata Moto si Choneco sa balikat at bigla itong naglaho.

Abangan ang pagtatapos ng kwentong ito...
Mamimiss niyo ba si Doreng?
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Feel free to vote, comment and follow me. ⭐😊

When Doreng Goes Away #TheDiamondAwards2017 #WCAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon