Spaghetti and Lollipop

19 5 1
                                    

NANG nakarating na siya sa palasyo, binati siya ng mga guwardiyang leon. Tuwang-tuwa naman siya dahil feeling niya, princesa siya.

Hinanap niya si Hariyama sa bawat kwarto ng palasyo. Pagod na pagod siya sa kakahanap dahil sa sobrang laki nito.

Sa huling kwarto nito, narinig niya boses ng Hariyama na parang may kausap. Sinilip niya ito at nakitang may kausap ito sa telepono. Dahil nga dakilang chismosa siya, nakinig siya sa pinag-uusapan ng Hariyama at ng kausap nito sa telepono.

"Ayusin ninyo ang mga trabaho niyo. Muntik na kayong mabuko... Sinabi na nga kasing mag-ingat sa pagkuha...Basta ingatan niyo ang mga 'yan. Mas importante pa ang mga iyan sa buhay niyo... Okay... I'll hang up."

Binaba ni Choneco ang telepono at tumingin sa pinto. Nagulat siya ng makita niya si Doreng doon.

"Ka-kanina ka pa ba diyan?", kinakabahang tanong ng Hariyama

"Hindi po. Napadaan lang. Itatanong ko rin po pala kung kakain na po ba tayo?", pagsisinungaling nito at para bang walang narinig sa mga sinabi kanina ng Hariyama.

Tumango naman si Choneco at pasimpleng lumunok ng laway. Bumaba na sila upang maghapunan.

Nagtanong ang Hariyama kung saan ito nanggaling kanina. Kinuwento naman ni Doreng ang kaniyang mga pinanggagagawa.

Pagkatapos nilang kumain, pumasok na si Doreng sa guest room.

Naghugas siya ng katawan at nagbihis. Humiga siya sa napakalambot na kama. Nagmuni-muni siya at naalaaa ang kaniyang pamilya. Namiss niya ito bigla. Nais niya ng umuwi ngunit hindi niya maalala ang daan pauwi at parang may nag-uudyok pa sa kaniya na kailangan niya pang manatili sa syudad na ito.

Bago siya matulog, nagdasal muna siya.

°°°°°
Kinabukasan...

NAGISING si Doreng na inaalala ang kaniyang panaginip. Ayon sa kaniyang panaginip, nagbibigay-pugay ang lahat ng mga hayop sa Animali Mali. May mga confetti pa nga at nasa entablado siya. Hindi na niya iyon pinansin.

Bumaba na siya upang pumunta sa dining room. Tinanong niya ang isa sa mga kasampalasyo na kuneho kung nasaan si Hariyama Choneco. Kasampalasyo kasi nga 'kasama sa palasyo'.

Sinagot siya ng kasampalasyo na umalis daw ang Hariyama at may pinuntahang importante.

Kumain na lamang ito na mag-isa. Tinawag niya ang kasampalasyo upang yayain ito na makisalo sa kaniya. Tumanggi ang kunehong kasampalasyo. Pabebe pa eh.

Nang matapos siyang kumain, naligo na siya't nagbihis. Sinabihan niya ang mga guwardiya na siya ay aalis at kapag hinanap siya ng Hariyama, sabihin nito na siya ay nagpasyal pasyal lang.

Habang papunta siya sa bahay nila PP, napadaan siya sa isang gilid ng eskinita na may mga batang tigre na parang may pinagkaguguluhan.

Sinilip niya ang ginagawa ng mga batang tigre na iyon. Nakita niya ang isang batang elepante na pinanlilibutan ng 4 batang tigre at isang batang daga.

"Akin na 'yang spaghetti mo! Mataba kana! Hindi mo na kailangan kumain!", sigaw ng isang batang tigre.

"Oo nga. Subukan kong tumanggi, alam mo na ang mangyayari. Raawr!", pananakot naman ng isang bata tigre.

"O kaya naman, gusto mong ngatngatin kita?", trying-hard na pananakot ng bata daga sabay pinagkiskis ang mga ngipin nito.

Iyak lamang ng iyak ang batang elepante habang mahigpit parin ang hawak sa spaghetti.

"Hindi ko pwede ibigay ito. Gawa saakin ito ng aking mama. Sabi niya, nangangayayat na ako.", mahinahong sambit ng batang elepante.

Nagalit ang mga 5 batang hayop at akmang aatakihin na nila ang batang elepante nang sumingit sa kanilang away si Doreng.

"Hoy kayo! Tigilan niyo 'yan. Masamang mang-away ng kapwa, alam niyo ba 'yun?! Ay hindi pala kasi nga nang-aaway parin kayo! Tigilan niyo na siya at ang ibang pang bata kundi makakatikim kayo saakin!", singhal ni Doreng.

Napatingin naman sa kaniya ang mga bata.

"Talaga? Hindi mo kami kaya kasi 5 kami. Ako ang lider nila kaya tayo ang magtutuos. Kapag natalo mo ako, hindi na kami mang-aaway. At kapag natalo ka, kakainin ka namin ng buhay!", wika ng batang daga.

Pumayag naman si Doreng kaya sumugod agad ang batang daga. Nang nakalapit ang daga kay Doreng, pinulot lamang niya ang daga at nilagay ito sa kaniyang bibig na tila kakainin niya ito.

" Alam niyo bang marami na akong napatay na daga sa bahay? Partida, wala kaming pusa. Titigilan niyo na ba ang pambubully o kakainin ko 'tong bubwit na ito?", pananakot ni Doreng sa kanila.

Akmang kakainin na niya ang bubwit ng bigla silang nagsabi ng nagpatawad sa batang elepante at pati na rin kay Doreng.

Ngumiti naman si Doreng sa tinuran ng mga ito at binitawan ang batang daga.

"Siguraduhin niyo lang. Pumapatay din ako ng pusa saamin noon. Ahaha. Walang patutunguhan ang pambubully. Paano nalang kata kung kayo ang pagdiskitahan ng iba? Matatakot din naman kayo diba? Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.", saad ni Doreng.

Tumango at umalis na ang mga batang pasaway. Nagpasalamay naman sa kaniya ang batang elepante. Bingyan siya ni Doreng ng lollipop na napulot niya lang sa daan. Wala iyong balot kaya hindi na siya mahihirapan pang tanggalin ang plastic.

Nagpasalamat muli ang elepante at saka umalis.

Abangan ang susunod na kabanata...

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Feel free to vote, comment and follow me. ⭐😊

When Doreng Goes Away #TheDiamondAwards2017 #WCAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon