Brgy. Bumaliktad

25 4 0
                                    

NAKARATING na si Doreng sa igloo nila PP. Kumatok siya ng tatlong beses ngunit walang nagbubukas ng sliding door.

"May tao po ba diyan? Ay mali, may penguin po ba diyan?", sigaw niya at kumatok muli.

Nag-slide ang sliding door at bunungad sa kaniya ang nanay ni PP.

" Magandang araw po. Nasaan po si PP?"

"Ang babaeng natatangi! Nasa kwarto niya siya, tulog pa. Tara, pasok ka muna."

"Ah, may itatanong po pala ako. Bakit po ba ako tinatawag na babaeng natatangi? Dahil natatangi po ba ang ganda ko?"

"Ahahaha. Mahilig ka pala magbiro. Hindi 'yon ang dahilan. Tinawag kang natatangi kasi ikaw lang ang may kakayahang makakita sa syudad na ito at saamin. Ang palatandaan niyon ay ang balat sa iyong pwet.", ani nito.

Napatango na lamang si Doreng at nagpaalam na kung pwede ay pumasok siya sa kwarto ni PP. Pumayag naman ang ina nito.

Pagkapasok niya sa kwarto nito, nakita niyang mahimbing na natutulog si PP.

Inilapit niya ang mukha nito sa mukha ng natutulog na si PP. Nakita niya ang tuyong laway nito sa bibig.

Nagulat siya nang bigla siyang pinagsasampal ni PP na nakapikit pa rin. Pinigilan niya ang mga pakpak nito dahil masyado ng masakit at ginigising niya ito sa pamamagitan ng pagyugyog.

Napamulat si PP nang makita ang mukha ni Doreng na halos mamaga na.

"Naku Doreng, anong nangyari sa mukha mo?", tanong ni PP.

"Namamaga."

"Bakit naman?"

"Sampalin mo kaya ng maraming beses ang mukha mo. Tignan natin kung hindi mamaga."

"Huh? Sinong sumampal sa'yo? Sasampalin ko rin."

"Sampalin mo na sarili mo."

"Huh? Ako? Hala. Nagsleep-slapping ba ako? Nanaginip kasi ako na nagsa-Slapping Duel kami ni Buchoy. Naku, Sorry talaga."

Pinatawad naman siya ni Doreng kaagad at saka kinuha ang mga bakal na kanilang pinamili.

Tumungo sila sa bodega upang kumuha ng mga luma at sirang gamit na pwede pa nilang gamitin upang makabuo ng kanilang eroplano.

Nilabas nila ang mga materyales upang doon sila gumawa. Sinimulan na ni Doreng ang parang skeleton ng eroplano. Maliit lamang iyon. Mga halos 3-4 na bata ang maaring magkasya lamang doon.

Nag-ala mekaniko si Doreng sa paggawa ng eroplano. Hiniram niya ang cellphone ni PP upang magsearch ng methods sa paggawa ng airplane na de-ikot.

Masyadong hindi makatotohanan na ang isang 10 taong gulang ay makakagawa ng eroplano na gawa sa bakal at medyo malaki 'no. Ganiyan talaga ang kwentong ito, masyadong boret.

°°°°°
After 5 hours...

"Wohohoho! Tapos na!", sabay na sigaw nilang dalawa.

Nagyakapan silang dalawa sa tuwa sabay tumalon-talon pa.

Tinesting nila ang eroplano kung ito ba ay gagana o hindi. Pinaikot niya 'yong pinapaikot para umandar ang eroplano.

Tumunog 'yong makina, oo may makina, na nagpapahiwatig na gumagana ang eroplano. Napahiyaw naman sila sa tuwa.

Sumakay na sila roon at si Doreng ang piloto. Hinawakan na niya manibela upang paandarin ito.

"Ready for take off! In 3...2...1... Blast off!", sigaw ni Doreng at pinalipad ang eroplano.

Manghang-mangha si PP sa kaniyang mga nakikita. Naramdaman niya ang feeling na makalipad.

Nilibot nila ang buong syudad.

"Mas maganda pala ang syudad kapag nasa ere ka.", wika ni Doreng.

Kitang-kita nila ang kaliwanagan ng buong syudad maliban sa isang parte nito, madilim at mukhang magulo. Mukhang squatters' area.

"PP, anong meron diyan? Bakit parang kaiba?", at tinuro ang parteng iyon.

"Ah, iyan ang Brgy. Bumaliktad. Maraming nagsasabi na masasamang tao raw ang mga nakatira diyan. Kaunti palang ang nakakapunta diyan, iyong mga matatapang lang pati ang Hariyama."

"Ganun ba? Gusto kong puntahan. Nakakacurious eh.", turan niya at iniliko papunta sa Brgy. Bumaliktad.

" Wuy, ano ba Doreng. Nakakatakot kaya."

Hindi niya pinansin si PP at dumiretso parin sa Brgy. Bumaliktad. Kinukulit parin siya ni PP na huwag nang pumunta roon dahil delikado. Hindi pa rin nakikinig si Doreng dahil nga pinanganak siyang matigas ang ulo. Literal.

Inilapag na niya ang eroplano sa tabi ng entrance ng barangay na iyon kung saan medyo maliwanag pa. Bumaba na sila roon. Pumasok sila sa madilim, marumi at magulong lugar na iyon. Pilit pa ring nagtatago si PP sa likuran niya.

Nakita nila ang maraming karatula na nakatambak sa isang bahagi ng barangay.

'Itumba si Choneco!'
'CHONECO! KURAP!'
'Angelito sa labas, demonyito sa loob'
'Sinungaling ka, Choneco!', iyan ang mga nakasulat sa karatula.

Nagsalubong ang kilay ni Doreng dahil sa nabasa. Mabait ang pakikitungo sa kaniya ng Hariyama pero sa tingin niya may kinalaman ito sa narinig niyang pag-uusap ng Hariyama at ng kausap nito sa telepono.

Tumuloy lang sila sa paglalakad ngunit si PP ay takot na takot parin.

"Yohooo! Enibadi howm?", sigaw niya roon dahil wala siyang nakikita ni isang hayop.

Dahil sa sigaw niya, nagsilabasan ang mga hayop sa mga pamamahay nito. Nakakatakot ang kanilang mukha. Ang ibang mga tigre, leon, hyena pagong, at baboy ramo ay malalaki ang katawan at may mga tattoo rin. May mga inahing manok at inahing baboy na may bitbit na sanggol at may katabi pang maliliit na mga sisiw at mga biik. Kapansin pansin ang pangangayayat ng mga biik.

Tinitigan nila ng masama sina Doreng ng lahat ng nakatira sa Brgy. Bumaliktad.

Napalunok na lamang silang dalawa ng kanilang laway.

Abangan ang susunod na kabanata...

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Feel free to vote, comment and follow me. ⭐😊

When Doreng Goes Away #TheDiamondAwards2017 #WCAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon