SA sobrang excitement ni Doreng, hindi na siya nakahingi ng pera sa lasing at pumunta agad sa unang lugar na nakasaad sa mapa.
Oo, agad agad. Hindi man lang nagdala ng extrang damit at panty.
May tatlong lugar na kailangan malampasan upang makarating sa Lalima City ayon sa mapa.
Una, ang Esangmelya Bridge.
Pangalawa, ang Hey Weyran Mountain.
Pangatlo, ang Big Hand's Cave.Bridge. Mountain. Cave. Lalima City! Say it again.
Bridge. Mountain. Cave. Lalima City!
Bridge. Mountain. Cave. Lalima City!
Nagsimula na nga siyang maglakad papuntang Esangmilya Bridge.
Ayon sa mapa, kailangan niyang kumanan galing sa kanto ng kanilang barangay ngunit kakaliwa sana siya nang biglang nagsalita ang mapa.
"Doreng, mukha na ngang lamang dagat, kabobo pa. Ang sabi dito, KANAN, hindi KALIWA. Wala ka man lang sense of direction." pagalit na sabi ng mapa.
"Eh kasi ang hirap tandaan kung saan ang kaliwa at ang kanan. Parehas lang naman silang paliko. "
Pumunta na siya sa kanan at diniretso ang daan. Diretso lang ang kaniyang lakad nang hindi niya napansin ang nakausling bato.
Nadapa siya. Sumubsob sa lupa. Pumutok ang nguso.
Mas lalong lumubo ang mahaba niyang nguso. Nagmukha siyang janitor fish.
Pag-angat niya ng kaniyang tingin, isang kulay pink na tulay ang bumungad sa kaniya.
"Ito na siguro ang Esangmelya Bridge."
Ngunit may karatula sa tabi nito na may nakasulat na "Pinkie Posh Bridge".
Nanlumo siya. Umasa siyang iyon na ang tulay na nasa mapa ngunit hindi pala. Masakit umasa.
Tinawid niya na ang Pinkie Posh Bridge at nang nakarating na siya dulo, may signage nanaman siyang nakita na may nakasulat "Esangmelya Bridge. 2km ➡".
Sinundan niya ang arrow sa signage at nagpatuloy sa paglalakad.
°°°°°
Esangmelya BridgeSa wakas narating niya na ang tulay na gawa sa kahoy na nilulumot na at napakahaba.
Syempre naglakad ulit siya. 2 oras na ang nakakalipas nang simulan niyang tawirin ang tulay, di pa rin niya tanaw ang dulo.
After 10 hours...
Malapit na si Doreng sa katotohanan. Tanaw na niya ang dulo ng tulay.
Isang hakbang nalang upang makarating sa dulo, biglang umuga ang Esangmelya Bridge.
Napahiyaw siya ng unti unting gumuguho ang tulay.
Nang mahuhulog na ang tulay, muntikan na siyang mahulog ngunit nakahawak naman siya sa lupa.
Pagtayo niya, napangiti siya. First time niya lang naexperience ang muntikan ng mamatay at para sa kanya, cool ito.
Sinilip niya ang ilalim na kung saan nahulog ang tulay.
Napasimangot siya.
Akala niya, mataas ang binagsakan ngunit 5 metro lang pala ang lalim.
Dumiretso na siya sa paglalakbay.
Tinignan niya muli ang mapa.
Sabi rito, kumaliwa siya ngunit pupunta nanaman sana sa kanan pero inunahan na ito ng mapa.
Habang hawak niya ang mapa, hinila siya nito papuntang kaliwa.
Puro puno ang nakikita niya sa paligid.
Naglakad muli siya. Lakad siya ng lakad dahil wala namang tricycle o mga sasakyan ang dumadaan.
Ilang minuto lang ang nakakalipas, narating na niya ang Hey Weyran Mountain.
Paano niya nalaman? May karatula ulit sa may paanan nito.
Tinignan niya ang tuktok ng bundok upang masuri kung gaano ito kataas.
Sumingkit ang kaniyang malaking mata dahil sa sikat ng araw.
Ang tuktok ng bundok ay natatakpan na ng mga ulap.
Lumilinga linga siya upang makahanap ng gamit upang madaling maakyat ang bundok.
Napatingin siya sa gilid, may daan roon.
'Baka kagaya ito ng sa Dora the Explorer, iyon bang may bundok sa harapan nila tapos hirap na hirap silang akyatin ito pero may daan na may pala sa gilid ng bundok.' iyan ang nasa isip niya.
Sinundan na nga niya daan sa gilid ng bundok.
Hindi gaano kalakihan ang Hey Weyran Mountain, mataas lang.
Tatlumpung minuto lang nang nakarating siya sa kabilang parte ng bundok.
Hulaan niyo kung ano na ang gagawin niya?
Syempre, naglakad.
Nagtataka ba kayo kung bakit hindi man lang siya napapagod?
Kasi nga, ito ay isang kwento na lahat ay posible at walang imposible.
"Brrgrrgrrgrrg" tunog ng kaniyang tiyan
"Gutom na ako." sabi niya sabay hawak sa tiyan niya
Nagtingin tingin siya sa paligid.
"Ayun! Bwahaha. May steak!" tinuro ang steak sa tuktok ng isang mataas na puno.
Tumakbo siya ng mabilis at nagmadaling umakyat.
Akmang kukunin na niya ito nang may humamblot dito na isang napakalaki at mabalahibong kamay.
Abangan ang susunod na kabanata...
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Feel free to vote, comment and follow me. ⭐😊
BINABASA MO ANG
When Doreng Goes Away #TheDiamondAwards2017 #WCAwards2017
RandomAting samahan ang sampung taong gulang na batang babae na nangangalang Doreng sa kaniyang pagkaligaw sa gubat at mapunta sa hindi masyadong pangkaraniwang lugar. Basahin mo ang kwentong ito na lahat ay posible at may moral lesson sa dulo. °°°°°°°°°°...