Hariyama Choneco

43 6 3
                                    

NILIBOT nila ang syudad ng Animali Mali. Hangang-hanga si Doreng sa nakikita. Napakaganda roon.

Ngunit sa kabilang parte, maliliit lamang ang mga kabahayan. Parang mga barong-barong. Madilim ang aura.

Kanina pa siya nagtataka kung bakit may mga malalaking refrigerator doon.

Biglang bumukas ang isang ref at lumabas doon ang nakalinyang mga penguin at polar bear.

"Bilisan ninyo! Pilang-barbecue lang ah. Ayusin niyo yang pila niyo! Sabing sa dulo ang pinakamataba!", utos ng isang baboy na may hawak ng megaphone sa mga kapwa baboy na parang galing sa isang building na naroroon.

Tinuloy na nila ang paglilibot ng napadaan sila sa isang stadium.

"Tara, pumasok tayo riyan. Mukhang nagsisimula palang ang 'AM Games'. " wika ni LGBT.

Pumasok na nga sila sa stadium at naririnig nila ang malakas na hiyawan ng mga hayop.

"Magandang araw sa inyo mga kapwa kong mga animal! Ako si Manny, MANNYningil ng buhay niyo.'', pambungad ng isang gorilla na speaker

"Magsisimula na ang bago nating laro na tinatawag na, 'MAKE JOHNNY LAUGH'! Napakadali lang ng larong ito. Kailangan niyo lang patawanin ang kaibigan kong Johnny. Ilang taon na siyang hindi nakakatawa. At ang unang makapatawa sa kaniya, gagantimpalaan ng 1 milyong AM pennies. Kapag hindi niyo naman siya mapatawa, buhay niyo ang kabayaran. BWAHAHAH---ACK!", pagpapaliwanag ni Manny

Lumabas si Johnny, isang sloth. Iba't-ibang hayop ang nakapila at umaasang mapatawa si Johnny.

Ang unang sumalang ay si Nina, isang elepante.

"Bakit takot lahat ng numbers kay 7?", tanong ni Nina

"Bakit?"

"Kasi nga, 7 8 9. AHAHAHA!", sagot ni Nina.

Nagtawanan silang lahat maliban kay Johnny.

Kinabahan na si Nina dahil alam na niya ang mangyayari. Hinila siya ni Manny at ikinulong muna sa isang kulungang gawa sa bakal at pinatay.

Sumunod naman ay si Mark, isang baboy

"Bakit nahihiya ang biik?"

"Bakit?"

"Kasi ang baboy ng nanay niya. AHAHAHAHAHA!"

Tumawa muli silang lahat maliban nanaman kay Johnny. Pinatay si Mark.

Ang sumunod naman ay si Nancy, isang inahing manok.

"Bakit naman nahihiya ang sisiw?", tanong niya

"Bakit?"

"Kasi may ITLOG ang nanay niya. BWAHAHAHAHA!", sagot naman niya

Malakas ang tawanan ng lahat at nagulat ang sila nang tumawa na si Johnny.

"HA...HA...HA...HA... Na...gets... ko...na... Kasi...nga..., 7...ate...9... Sa...taga...log...Kina...in...ni...7...si...9...HA...HA...HA...HA.", wika ni Johnny na napakabagal habang tumatawa

Natahimik silang lahat.

Naunang lumabas sina Doreng at LGBT. Nagsabi si LGBT na pupunta sila sa palasyo ng Malakiñang-ano na kung saan naninirahan ang pamilya ng Hariyama.

°°°°°
Malakiñang-ano Palace

Humanga si Doreng sa pagkakagawa ng palasyo. Maganda ito at malaki ngunit hindi niya feel ang aura ng mga naroroon.

"LGBT! Siya na ba ang usap-usapang babaeng natatangi?", tanong ng buwayang nakaformal attire at tinuro si Doreng.

Tumango si LGBT at pumasok na sa loob ng palasyo.

"Ano nga palang pangalan mo, iha?", pagtatanong ng buwayang nakaformal attire kay Doreng.

"Doreng ho. Ikaw, sino ka ba?"

"Ako si Hariyama Choneco. Ang Hariyama rito."

"Woaaah. Astig ah. Ano pong Hariyama? Pokemon po ba 'yun?"

"Ahaha. Hindi 'no. Yun ang tawag sa namumuno rito sa Animali Mali. Parang yung mga hari, presidente o mayor sa mundo ng mga tao."

Napa-aah nalang si Doreng. Pumunta sila sa malaking dining room ng palasyo. Hugis-rectangle ang lamesa na may 10 meters ang haba. Sampu lang din ang mga upuan doon. May nakahanda na agad roon na mga pagkain.

Pumwesto si Hariyama Choneco sa dulo ng lamesa at si Doreng naman ay sa kabilang dulo.

Kakain na sana si Choneco ng pinigilan siya ni Doreng.

"Saglit lang. Hindi ba kayo nanananalangin bago kumain? Dapat palagi tayong magpasalamat sa Panginoon sa mga ibinibigay niya. Kahit kaunting pagkain lang ang aming nakakain sa araw-araw, hindi namin nakakalimutang magpasalamat sa Kaniya.", wika ni Doreng sabay nanalangin.

Nanahimik nalang si Choneco at hindi muna tinuloy ang pagkain. Ginaya niya si Doreng sa panalangin nito.

"Bless us, O Lord, and these Thy gifs, which we are about to receive from Thy bounty through Christ, our Lord. Amen! Salamat sa pagkain!"

Kahit na parang eng-eng si Doreng, may maganda naman siyang kalooban.

Sinumulan na nga nilang kumain.

Binasag ni Choneco ang katahimikan ng may tinanong siya kay Doreng.

"Doreng, paano ka nga pala nakarating dito?"

"Asdmxis jj anx *cough*"

"Huh?"

"*lunok* Naligaw po ako."

Napatango nalang ang Hariyama.

"Uh, Hariyama Choneco, gagamitin ko na ang kapal ng mukha ko. Pwede ba akong mag-stay dito? Di ko alam ang daan pauwi sa amin. Makikituloy lang sana ako kahit mga isang linggo lang.", tanong ni Doreng.

"Uhmm. Sige, tutal isa kang napakahalagang bwisita este bisita rito." Ngumiti ng pilit si Choneco.

Nagalak lalo si Doreng. Kumain ulit siya. Takab eh.

Abangan ang susunod na kabanata...

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Feel free to vote, comment and follow me. ⭐😊

When Doreng Goes Away #TheDiamondAwards2017 #WCAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon