The City of Animali Mali

38 6 1
                                    

TINAHAK niya ang daan habang karga ang signage.

Parami na ng parami ang mga puno at nagsisilabasan ang ibang hayop.

Gusto niya sana itong lapitan ngunit mukha itong wild. Duh. Nasa gubat nga eh.

Naglakad nanaman siya.

Bigla niyang naramdaman ang tawag ng kalikasan. Lumilinga linga siya upang maghanap ng lugar saan pwede siyang makaihi at pati na rin makatae.

Nakita niya ang isang malapad na puno. Naisip niyang sa likod nito na maglabas ng karumihan sa kaniyang katawan.

Pumunta siya roon at hinubad ang kaniyang panty at shorts sabay pumusisyon ng alam niyo na.

Pagtapos niyang ilabas ang lahat ng kaniyang baho, tinignan niya sa gilid ang kaniyang panty at shorts.

Nagulat siya dahil wala na roon ang mga iyon. Luminga linga siya sa paligid at nakita ang dalawang squirrel na dala-dala ang kaniyang shorts at panty.

Hinabol niya ang dalawang bising kahit na wala siyang damit pang-ibaba. Wala siyang pake dahil wala namang taong manghuhusga sa kaniya.

Umakyat ang dalawang bising sa puno at lumingon sa kaniya sabay humagikgik na parang inaasar siya.

Nainis si Doreng. Umakyat din siya sa puno at pilit hinahabol ang mga bising.

Habang umaakyat, sumabit ang kaniyang ano, basta yung alam niyo na ANO, sa sanga ng puno.

Sumakit ito kaya nahirapan na siyang habulin ang mga bising.

Dahan dahan siya bumaba. Naisipan niyang huwag na lang ito habulin.

Kumuha siya ng mga malalaking dahon upang gawing pang-ibaba niyang damit. Marunong siyang gumawa dahil girl scout siya sa kanilang school. Kahit papaano ay may kaunti siyang natututunan doon. Sumali lang siya roon upang pampadagdag lamang ng extra-curricular dati. Nasa honors kasi siya kahit hindi halata.

May nakita siyang basag na salamin roon. Napansin niyang may parang balat siya sa kaniyang pwet. Parang logo ng Nike.

Naisip niya na baka sa kaniyang paglaki, maging endorser siya ng brand na Nike. (Ilang beses ko na nasabi ang brand na iyan, baka naman ako ang maging model ng Nike.)

Napangiti siya na parang baliw siya sa kaniyang naisip.

Sinuot na niya ang paldang gawa sa dahon matapos niyang ihabi ito.

Bumalik siya sa daan kung saan pupunta.

°°°°°
PAGKALIPAS ng ilang minuto, natatanaw na niya ang syudad.

Sumayaw siya ng victory dance. Tumakbo siya patungo roon.

Napahinto siya ng mabasa ang nakasulat sa malaking gate ng syudad.

"WELCOME TO ANIMALI MALI CITY. WHERE ANIMALS CAN TALK, DANCE, DO ACROBATICS AND WASH CLOTHES."

Nagulat siya dahil ibang syudad ang kaniyang narating.

Pero namangha parin siya dahil lugar ito ng mga kahayupan. Kakalimutan nalang niya ang pagpunta sa Lamila City dahil hindi niya rin matandaan ang papuntan doon.

Mas lalo siyang namangha ng nakita niya ang buong syudad. Iba't-ibang klaseng hayop ang naroroon. Nakadamit silang lahat. Nagtataasang gusali at naglalakihang refrigerator.

"Hello, animals of Animali Mali!" sigaw ni Doreng.

Nagtinginan ang lahat ng hayop na naroroon. Napahinto sila sa kanilang ginagawa.

"Owmaygoodness! Nakita niya ang syudad."

"Sino siya?"

"Ang babaeng natatangi!"

"Bakit ang chaka niya?"

Nagchismisan ang mga hayop na nakadamit roon.

"Maligayang pagdadating, babaeng katangi tangi. Maaari bang makita ang iyong pwetan?" pagsalubong sa kaniya ng isang buwaya na may korona sa ulo.

Napakunot naman ang kaniyang noo sa narinig.

'Babaeng katangi-tangi? Katangi-katangi ang ganda? Pero anong sabi niya? Gusto niyang makita ang makinis kong pwet?', sabi niya sa kaniyang isip.

"Aba, ang bastos mo ah. Pero sige, may ipapakita ako sa inyong astig." tugon ni Doreng at itinaas ang palda at saka tumalikod.

Nagulat ang lahat dahil sa nakita. Ang iba'y nandiri at halos masuka suka.

"May tae ka pa sa pwet mo. Kadiri ka.", saad ng buwayang may korona. Kulang nalang magpabilog siya at magmumukha na siyang bayabas.

"Ay, hihi. Saglit lang. Pupunasan ko."

Kumuha si Doreng ng dahon at pinunas sa pwet niya.

"Oh ayan, wala na. Ito talaga yun eh." sabi ni Doreng sabay taas ng palda at tumalikod.

Nagulat muli ang lahat. Napanganga.

"Ang balat. Logo ng Nike. ✔"

"Siya nga. Siya nga ang babaeng natatangi."

"Magbigay pugay sa babaeng natatangi!", utos ng buwaya na may korona sa ulo.

Ngunit hindi ito sinunod ng iba. Tumalikod sila at itinuloy ang ginagawa.

"Ang hindi sumunod, papatayin!", sigaw ng buwaya

Mabilis na sinunod ng mga kahayupan ang utos ng buwaya.

"Tara Doreng, ipapasyal kita sa aming syudad!", pagyaya ng buwayang may korona

"Paano mo nalaman ang aking pangalan? Ikaw ba ang hari nitong syudad? Totoo ba yang mga diamond sa korona mo?", pagtatanong ni Doreng

"Ahahaha. Nabasa ko sa kwintas mo eh. At hindi ako ang Hariyama rito, ang kapatid ko. Fake lang 'tong korona. Nabili ko sa mga peacock na nagbakasyon sa China.", sagot ni buwaya.

"Ano nga palang pangalan mo?"

"Linagano Bitata. LGBT for short."

Sumama si Doreng kay LGBT upang malibot ang syudad.

Abangan ang susunod na kabanata...

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Feel free to vote, comment and follow me. ⭐😊

When Doreng Goes Away #TheDiamondAwards2017 #WCAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon