Villa Landian 4
Phone convo
Julie: Hello. Aling Lumeng?
Lumeng: Oh? Bakit ka napatawag?
Julie: Kasi po ano eh! Ano! Uhm. Muntikan na akong mabuko ni Isagani!
Lumeng: Ha? Bket? Paano?
Julie: Nabanggit ko po kasi yung pangalan niyo kanina! Kaya ayun parang nagtataka kung bakit ko kayo kilala!
Lumeng: Naku! Pag nagkataon magagalit yang si Gani kapag nalaman niyang may plano tayo!
Julie: Aling Lumeng, paano po kung sabihin ko na sa kanya hangga’t maaga pa?
Lumeng: Ay naku! Hndi na! Wag na! Ako na lang magsasabi! Hayaan mo pag-uwi niya aaminin ko na sa knya ang lahat!
End of Convo
Nasa likod pa rin ng puno si isagani! At Oo, narinig niya lahat ng pinaguusapan ni Aling Lumeng at Julie! Pero nagtataka siya. Paano ba nagkakilala ang dalawa?
Lunes ng umaga. Nasa Villa si Isagani! Dun kasi siya umuwi kagabi! Kagigising niya lang at naglalakad siya sa garden. Until now, hindi pa rin maalis sa isip niya yung narinig niya kagabi! Marami pa ring tanong ang umiikot sa utak niya!
“Bakit magkausap si Inay at Julie?”
“Bakit parang may tinatago sila sakin?”
“Bakit sila magkakilala?”
..........
“Good Morning Sir!” sabi ni Ditas, Mayordoma ng mga Quintana.
“Good Morning po Manang!” sagot ni Isagani!
Medyo umasim naman ang mukha ni Ditas sa narinig.
“Ay sir! Pwede pong mag-request?” sabi ni Ditas
“Ano yon?”
“Pwede bang Ditas na lang? Wag mo na lang akong galangin kesa naman manang ang tinatawag mo sakin!” sabi ni Ditas.
“Chill ka lang manang! Ang init ng ulo mo! Yung mga nanghihintay nga sa Julieta X chill na chill lang eh! Tapos ikaw ang init ng ulo mo! Hahaha! Kahit tawagin kang manang maganda ka pa rin kaya ayos lang” pambobola ni Isagani kayDitas
“Talaga?” sabay nagpacute kay Isagani! “Maganda ako?”
“Oo, manang maganda! Maganda ka pa kay Janine Gutierrez J” sabay tawa. “Ay manang may bisita ba tayo? Kaninong kotse yung nakapark dun?” sabay turo sa kotse.
“Ay sir! Dun po yan sa bisita ni Ma'am Patrice!” si Ditas
“Nasan sila?”
“Andun po sa may dating lugar ng bed and breakfast.” Mula nung namatay kasi si Lynette ay tinanggal na rin ang bed and breakfast.
Pumunta si Isagani dun sa sinabi ni Ditas at nang makarating siya dun ay nagulat siya sa nakita niya!
“Nandito si Julie? At saka magkakilala din sila ni Patrice?” sa isip ni Isagani!
Lumapit si Isagani kila Patrice. At agad naman siyang nakita nung dalawa kaya nataranta si Patrice at Julie!
“Julie, magkakilala pala kayo ni Patrice?” masayang tanong ni Isagani!
Sasagot na dapat si Julie ng biglang may tumawag kay Isagani!
“Ganiiiiiii!” take note nasa Villa sila ah! Pero ang sigaw ni Lumeng, walang makakapigil! Hahaha. Anyway, papunta si Lumeng dun sa lugar kung saan nandun si Isagani, Julie at Patrice!
“Nay!” sagot ni Isagani.
Nagtinginan si Lumeng, Patrice at Julie! Hindi nila alam kung anong gagawin nila!
Samantala, naalala naman ni Lumeng ang ginawa nilang sabwatan!
Flashback
Pumunta si Patrice kasama si Julie sa bahay ng mga Samonte!
“Tao po! Tao po! Aling Lumeng!” si Patrice
Agad naman siyang pinagbuksan ni Lumeng!
“Anong ginagawa mo dito?” matapang na sabi ni Lumeng!
“Uhm! Ano po kasi. Si Isagani. Lagi ko siyang nakikitang malungkot! Siguro hanggang ngayon di niya pa rin tanggap na wala na si Lynette kaya ayun nagmu-mukmok! Aling Lumeng. Please Help us! Gusto ko na maka-move on na ang kapatid ko kay Lynette!”
“Paano naman siya makaka-move on?” sagot ni Lumeng.
“Sa tulong niya!” tinuro ni Patrice si Julie na nasa tabi niya lang!
At ayun na nga napagdesisyunan nila na kung saan pupunta si Isagani ay susundan ni Julie! Para magkaroon ito ng bagong kaibigan! Para hndi na ito malungkot! Mahirap lang kasi si Julie eh! Kaylangan niya kasi ng pera para sa pag-aaral niya! Hindi kasi siya natanggap sa scholarship na inaaplyan niya eh! Kaya ayun! No choice siya! Kaylangan niyang tanggapin yung offer ni Patrice!
End of Flashback.
“Psst. Nay!” ginulat ni Isagani si Lumeng! “bakit kayo natulala nung nakita niyo si Patrice at Julie?”
“Ah! Wala. Wala. Tara. Magbihis ka!” palusot ni Lumeng
“Nay! May damit naman po ako ah!” sabay turo sa suot niyang damit. Natawa naman si Julie dun, tawang para kay Elmo Magalona lang!
“Gani. Wag ka ng pilosopo! Aalis tayo, bibisatahin natin ang Ninang Amparing mo!” sabi ni Lumeng
“Okay po! Sige nay ah! Bihis na po ako! Ba-bye Patrice, Ba-bye Julie” sabay beso kay Julie! Si Julie lang bineso-beso niya samantalang ang nanay niya ba-bye lang pati yung kapatid niya ganun lang din! Tablado sila!
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo
Alam niyo na kung bakit nagkakilala sila? :) hahahahaha! Pasensiya na walang masyadong comedy ah pero salamat pa rin sa mga nagbabasa! :) sa March na raw ipopost ang “Julieta X” salamat ulet! :)
Salamat sa mga patuloy na nag babasa at nakikitawa HAHA!
Paki Add narin sa inyong Read List, at paki Vote narin salamat Adiks
@TeamFAMFAM on Twitter :)