Villa Landian 3
Linggo ng umaga. Maagang gumising si Isagani para magsimba. Ipagdadasal niya ang kaluluwa ni Lynette (sumalangit nawa. hahaha)
Nasa simbahan na ngayon si Isagani. Lumuhod at nagdasal.
"Lord. Salamat po sa panibagong buhay. Lord, patawad pagkat ako ay pogi. Dejokelang. Patawad po sa lahat ng nagawa kong mali. Sana po matutunan ko na kung paano mag-move on at sana matahimik na po ang kaluluwa ni Lynette. At last na lang po talaga, sana makita ko ulet si-----" biglang naputol ang pangalang dapat ay sasabihin ni Isagani.
Isaganiiiii. sigaw ni Julie na biglang nahiya at napayuko dahil naalala niya na nasa simbahan siya. Pinagtinginan kaya siya ng tao. Well, hndi naman natin siya masisisi eh excited much eh.
Napalingon naman agad ang binata at nakita ang dalagang tumawag sa kanya pero agad din itong humarap sa altar.
"Lord, salamat." nakangiting sabi ng binata at agad na umupo. si Julie kasi yung babaeng gusto niyang makita. Ewan niya kung bakit ganon kasi kelan lang sila nagkakilala eh.
"Isagani." mahinang sabi ni Julie at tumabi sa binata.
"anong ginagawa mo dito?"
"uhm.. Ano magsisimba. Eh sakto nakita kita." si Julie
"Bkit lagi tayong nagkikita kung saan saan?" pagtatakang tanong ni Isagani kay Julie.
"eh baka soulmate tayo o kaya destiny" nakangiting sabi ni Julie.
Nagtataka naman si Isagani kung bakit lagi nga silang nagkikita ng dalaga. Misteryosa kasi tong babaeng ito eh. Hndi niya alam kung paano nalalaman ni Julie kung nasan siya.
"Gani. Thank you pala kahapon ah."
"wala yon." matipid na sagot ng binata
"ah. Alam ko na. Tara labas tayo. Iti-treat kita. Para makabawi man lang ako sa pagpapasaya mo sakin kagabi." masayang sabi ni Julie na nakatayo na.
"eh ano pa nga bang magagawa ko? Edi lalabas na rin. Nakatayo ka na eh" si Isagani
Lumabas na nga sila ng simbahan at naglalakad lakad sa labas ng simbahan. Marami silang nakikitang posters ng Smart sa mga poste malapit sa simbahan. Sakto pa kasi AT20 yung mga posters na yon. Pero yung iba nawawala na sa poste baka kinuha na ng mga faneys ng JuliElmo (o yung mga nanunungkit ng posters dyan ah. penge ako. Hahaha)
Nag-stop sila sa isang bakery. Sa Julie's bakeshop.
"Gani. Anong gusto mo?" tanong ni Julie kay Isagani.
"Glue" sagot ni Elmo sabay ngiting nakakaloko.
Biglang sumabat ang tindera sa bakery "ay meron kaming glue dito. Eto oh (sabay turo sa hawak na Elmo's Glue)
Sabay sabay silang tumawa.
Naupo sila sa harap ng Julie's bakeshop. May upuan at lamesa kasi para sa mga customers ng bakery.
Sarap na sarap si Julie sa binili niyang anim na pandesal.
Si Isagani naman sarap na sarap din sa dalawang ensaymada na binili ni Julie para sa kanya.
Natapos silang kumain at nagpasya na si Julie na umuwi.
"Gani. Uwi na ako"
"Ha? E teka hahatid na kita" sabi ni Isagani
"Hindi wag na. Baka pagalitan ka pa ni Aling Lumeng." sagot ni Julie
"Teka paano mo nalaman pangalan ng nanay ko?" pagtataka ni Isagani
"Ay nako. Wag mo na ako ihatid ah. Sige bye na." natatarantang sabi ni Julie at naglakad na papalayo kay Isagani.
"Sandali lang Julie. Salamat sa panglilibre mo sakin." sigaw ni Isagani pero hndi siya nakuntento dito kaya sinundan niya ang dalaga para masigurado niyang ligtas itong makauwi at malaman na rin kung saan ito.
Huminto si Julie sa isang tindahan at tinignan kung nasundan ba siya ni Isagani pero hndi niya ito nakita. Nagtago kasi si Isagani sa isang puno malapit sa tindahan.
"ate paload po." si Julie
Nang pumasok kay Julie yung load agad itong nag-register ng AT20 at sinend sa 2827. Gusto kasi ni Julie yung promo na to ng smart eh. Biruin mo may 1day unlitext na, may 20 mins call pa at may bonus pang pang-internet.
Tinawagan ni Julie si Aling Lumeng. "Hello. Aling Lumeng?" Takang taka naman si Isagani kung bakit kilala ni Julie ang nanay niya at bakit tinatawagan niya pa ito.
xoxoxoxoxox
~~ Eto na lang muna. Hahahaha. Salamat sa lahat ng mga nag basa at sumubaybay sa landian nung dalawa LOL. Itutuloy na lang sa next chap yung convo ni Lumeng at Julie. Malalaman niyo rin sa next chap kung bakit magkakilala si Julie at si Aling Lumeng. Hahaha. Salamat sa mga nagbabasa. Julieta X 12:07 ah malapit na :))
Salamat sa mga patuloy na nag babasa at nakikitawa HAHA!
Paki Add narin sa inyong Read List, at paki Vote narin salamat Adiks
@TeamFAMFAM on Twitter :)