Villa Landian Chapter 7

647 21 2
                                        

Natapos ang Party ng mga Quintana para kay Isagani. Hindi nga lumabas si Isagani eh! Parang naging concert lang ni Julie yung gabing yun! Pero infairness ah, natuwa ang mga tao! Maraming positive comments and good feedbacks!  Eh wala tayong magagawa eh, Si Julie Anne San Jose yan eh. Angal???!! Dejokelang!

Nakaupo lang si Julie sa gilid ng stage na sinadyang ipinagawa ng mga Quintana para nga dun sa party. Nakatulala habang nakangiti! Baliw lang ang peg ni Julie diba?

"Oyyy" malakas na sabi ni Isagani at nagulat naman si Julie dito!

"Ay. Ano ba?" sabi ni Julie. "Bakit ka ba nanggugulat?" dagdag pa nito.

"Wala. Ano kasi eh. Nakatulala ka! Tapos nakangiti ka pa!" paliwanag ng binata.

"Uhm.. masaya lang ako! Kasi feeling ko artista ako kanina. Teka nga. Bakit wala ka pala kanina? Diba dapat ikaw ang star of the night? Bakit hindi ka sumipot sa sarili mong party? Pasaway ka talaga." Sabi ni Julie at may kasama pang kurot sa ilong ng binata.

"Ar-arayyyy! Bakit ka ba nangungurot? Alam ko pogi ako at cute ako pero wag mo naman akong saktan!" pagmamayabang ng binata.

"Sus! Ang hangin mo. So, bakit nga? Bakit hindi ka sumipot sa sarili mong party?"

"Uhm. May hinanap kasi ako eh!  Importanteng bagay. Napaka-importante." Sabi ni Gani.

"Eh ano naman yung importanteng yon? At pinagpagpalit mo sa party mo?" curious na sabi ni Julie.

"Wag mo ng itanong. Baka kiligin ka pa! Baka kiligin ka pa kapag nalaman mong wallet ko na may picture mo ang hinahanap ko." sabi ni Isagani sa isip niya!

"Uyyyy! Ano? Ano ba yung hinahanap mo?" pangungulit ni Julie.

"Wal-wala! Hindi ka pa ba uuwi? Ipapahatid na kita sa driver naming." tanong ni Isagani.

"Hindi! Sabi ni Patrice dito daw ako matutulog sa Villa." Sabi ni Julie at may pagtaas pa ng kanang kilay na naganap.

"Ah ganun ba? Osige. Tutal gabi na rin naman. Dito ka na nga matulog." Sabi ni Isagani!

"Good Morning Manang Ditas!" bati ni Isagani kay Ditas.

"Gu-Good Morning sir!" naiiyak na sabi ni Ditas kay Isagani.

"O? Manang bakit ka umiiyak?" pag-aalala ni Gani kay Ditas.

"Eh kasi sir. Napanood ko yung teaser ng Pepito Manaloto para sa linggo eh! Nag-I love you si Chit okay Nikki!" naiiyak pa rin na sabi ni Ditas.

"O? E ano naman?"

"E, kasi sir. Ayokong magkatuluyan si Nikki at Richard! Ang gusto kong magkatuluyan ay si Richard at si Nikki!" sabi ni Ditas.

"Haynako Manang Ditas. Wag mo na nga yan iyakan. Baka sa huli sila din ang magkatuluyan dyan."

"Kung sabagay sir! May point ka dyan!" sabi ni Ditas.

"Ay nga pala manang. Saan natulog si Julie?" tanong ni Isagani.

"Doon po sa kwarto ni Ma'am lynette sir!

"Ha? Bakit doon niyo siya pinatulog?" pasigaw na sabi ni Gani

"Eh ayun po yung sabi ni Sir Robert eh! Gawin na raw po yung kwarto para sa mga guest na magi-sleep over. Bakit sir ano po ba problema dun?" tanong ni Ditas

"Wa-wala naman!"

Pumunta si  Isagani sa dating kwarto ni Lynette at chineck ng dahan-dahan ang doorknob, Ayun hndi ni-lock. Dahan-dahan binuksan, ay tulog pa si Julie? Pumasok ito sa loob ng kwarto. Pinagmasdan ang mukha ni Julie.

"Infairness ah! Maganda pa rin itong babaeng ito kahit tulog." Sabi ni Isagani.

Umupo si  Isagani na ka-level lang ang kama at nakaharap it okay Julie ngayon.

Nilapit ang mukha kay Julie. Papalapit ng papalapit. Lalong lumalapit ang mukha ni Isagani sa dalaga habang nakatingin si Isagani sa mata ni Julie. Magkadikit na ang ilong nilang dalawa. Biglang dumilat ang mata ni Julie. At nagulat si Isagani.

At ayun. Hindi natuloy ang kiss. Awkwarddddd! Hahahaha.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

Pasensiya na sa chapter na ito! Pagbigyan niyo na. Sa mga susunod na chap. Pinapangako ko sa inyo, kakabugin ng ff na ito ang Best date ever, best proposal ever at lahat ng best ng G2B. hahahaha. Good luck sa lahat ng may exams :D

Villa LandianWhere stories live. Discover now