Linggo ng Hapon. Nasa Villa Quintana si Isagani.
Startalk na!
Naabutan ni Isagani na nanonood ng Startalk si Ditas sa sala kaya hinayaan niya lang ito at pumunta sa kwarto niya. Papasok na dapat ito ng kwarto niya pero bigla siyang tinawag ni Robert.
“Isagani. Sandali lang!” pag-awat ni Robert sa binata. “Asan si Ditas?” dagdag ni Robert
“Ay. Nandun po sa sala. Nanonood ng startalk.”
“Ah ganun ba? Sige sige. Salamat!” si Robert.
Papasok na dapat ng kwarto si Isagani ng biglang sumigaw ng malakas si Julie.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!”
“Teka. Si Julie yun ah!” agad na tumakbo si Isagani sa kwarto ni Lynette. Nandun kasi si Julie eh!
“Ju-Julie bakit?” nag-aalalang tanong ni Elmo.
“Ano eh! Ano kasi. Narinig ko yung boses ni Lynette. Tumatawa siya ng malakas.” Mangiyak ngiyak na sabi ni Julie.
“Eh paano mo maririnig? Eh patay na si Lynette di ba? Teka. Di kaya? Nagpaparamdam si Lynette?”
“Ay nako Elmo. Ayoko ng matulog dito. Aalis na ako. Insecure pa naman sakin yun. Baka mamaya mamamatay ako sa takot” si Julie.
“Hahahaha. Grabe ka naman! Tara na nga. Dun ka muna sa sala.” Si Elmo. Agad naman sumama ang dalaga at pumunta sa sala.
Nasa sala si Ditas at Julie. Nanonood sila ng startalk. Kita sa mukha ni Ditas ang pagkabanas, pagkainis, pagkagalit dahil sa mukha ng kapartner ni Elmo Magalona. Galit siya kay Janine. Maka-JuliElmo kasi tong si Ditas eh.
Biglang pinakita sa tv ang halikan scene ng FlappyElmo na kung saan ngumiti pa tong si Elmo.
Sa sobrang inis ni Ditas bigla niyang kinuha ang flower vase at ibinato sa screen ng TV. Nagulat naman si Julie sa nakita niya at biglang dumating si Robert.
“Ditas. Anong ginawa mo? Bakit mo binato yung TV? Hndi mo ba alam na si Papa pa ang bumili niyan?” si Robert.
“ay. Sir. So-sorry po!” sabi ni Ditas.
“Ah ganun ba? Sorry na lang? Sorry din!” si Robert.
“Ba-bakit po kayo nagso-sorry sir?” nagtatakang tanong ni Ditas.
“Sorry din kasi dun ka muna sa Manila magtrabaho kasama ni Estella” si Robert.
“Ay. Sir. Ayoko po dun! Dito po gusto ko.” Si Ditas.
“Gusto ko Ditas na dun ka muna.” Si Robert.
Bigla naming dumating si Isagani.
“Tay. Sa tingin ko kaylangan nating magpa-punta ng taong may third eye.” Si Isagani
“Bakit?” si Robert
“Kasi tay. Nagpaparamdam si Lynette.” Si Isagani.
(Hindi ko na papahabain pa. basta ayun na, hahahaha. Nagpaparamdam na si Lynette.)
Lunes ng umaga. Sa Villa Quintana.
“Dad. Nandito na po yung pinapunta niyo na magpapaalis sa mga bad spirits dito sa Villa.” Si Patrice.
“Magandang umaga sir. Ako po si Juaning. Pero pwede niyo po akong tawaging Lucky girl! Sabi kasi ng nanay ko swerte daw ako eh” si Juaning siya yung magpapaalis sa hndi matahi-tahimik na kaluluwa ni Lynette. May mga dahon dahon siya sa ulo. Hahahaha
Agad silang pumunta sa kwarto ni Lynette at ginawa ang pagpapaalis sa kaluluwa ni Lynette na nakangiti hanggang sa matapos ito.
Nagha-hapunan ang pamilya Quintana. Sabay sabay walang kulang.
“ay oo nga pala. Tutal kumpleto tayo ngayon. Gusto kong malaman niyo na magha-hire ako ng bagong katulong.” Si Robert “Nagpahanap na ako at may nahanap na kaya wala na kayong aalalahanin pa. Bukas dadating na siya dito sa Villa.” Dagdag pa nito.
Kinabukasan. Nasa garden si Robert ng may lumapit sa kanyang babae.
“Hi po Sir!” yung babae.
“Oh. Sino ka? Anong kaylangan mo?” si Robert.
“Uhm. Ako po yung bagong katulong na pinapunta niyo.”
“Ay ikaw pala yun? Ano nga ulit name mo?” si Robert.
“Janine. Janine po ang pangalan ko.”
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo
pasensiya na medyo matagal na nga hndi nag-update tapos wala pang kwenta ang update. hahahaha