Chapter 3 - Sweet cheeks

517 4 1
                                    

Trice Torres's POV



Ayos din tong school na nilipatan ko ah.

May mga kaibigan ako agad. Mga loko at maingay din. Buti nalang kaklase ko din pinsan ko, kundi lagot na. Senti nalang siguro ako buong araw. Pero pag di ko rin siya kaklase, ayos lang. Kasama ko naman lumipat bestfriend kong si Harvey. Tunog bading ba ang 'bestfriend' pag sa lalake? Haha ganun kasi talaga kami, since Kinder barkada at magkaklase na.

Ah, ako nga pala si John Trice Torres, first year high school. Ewan ko ba kung bat Trice pangalan ko, parang tatlong beses ang meaning o ano eh. Dalawa kaming magkapatid sa pamilya, ako at ang ate Angel ko. Meron na siyang mga anak, isang babae at lalake. Yun nalang tinuturing kong younger siblings, malayo din kasi agwat namin ng ate ko e. Mahilig ako sa sports, lalo na sa basketball. Balak ko ngang mag try-out sa varsity dito eh.

Ewan ko ba kung bat kami lumipat ni Harvey, ayos naman sa school namin dati. Mataas ang standard ng edukasyon.. Sikat pa kami dun. Naks, yabang ba? Eto ang tinatawag na trippers haha.

Pero ayos talaga dito, marami ring chiks. Ampupu kakalipat ko palang eto agad inatupag e no. Sa dati ko kasing school di ako makakapagloko, dito petiks lang siguro. Nakapasok nga pala ko sa special curriculum na tawag nila dito. Anong masasabi ko, mautak eh. Tsaka madali lang naman yung exam, mani lang samin ni V yun. V tawag ko kay Harvey.

Kaibigan ko na halos lahat ng lalake sa classroom namin, maliban sa mga weirdo. Pero, isang babae palang napapansin ko ngayong first day. Di naman sa epal siya kaya kapansin-pansin, sa katunayan tahimik siya. Yun ang ayoko e, yung paepal saming mga lalake. Siya kasi hindi, parang ayaw pa niyang napapansin siya. Di din naman siya kapangitan, sa totoo lang maganda siya. Pero ang nagustuhan ko dun, chubby ang pisngi. Ang cute eh. Tss, pag nalaman to ng girlfriend ko patay ako.

"Tol, ano bang pangalan nun?" sabi ko sa pinsan kong si Luigi nung napadaan malapit samin yung tinutukoy ko, kasama niya yung dalawang maingay niyang kabigan. Tumatawa lang sila.

Napa-smirk naman tong si Luigi. "Bakit, trip mo no?"

"Takte tinatanong lang yung pangalan e."

"Chillax naman dyan dre. Ashley."

"Ashley ano?"

"Ashley Buenaventura."

"Ah."

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Di nga pre, type mo no?" hindi rin to makulit e. Trippers amp.

It's Darn Complicated *hiatus*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon