Chapter 18 - Real treat Pt. 2

356 2 0
                                    

Trice Torres's POV (dedicated to JamieYoung)

Magwowalk-out na sana siya pero hinigit ko yung kamay niya.

Napatigil siya sa paglalakad habang hinihila niya ang kamay niya. Pinipilit niyang kumawala pero nakahawak parin ako.

"Crap. LET. GO."

"I will, just hear me out will you?"

Tengene napapaenglish ako sa babaeng to. Matawag pang conyo boy e.

Hindi parin siya nakikinig, pilit paring hinihila yung kamay niya. Humarap na siya sakin at kinurot kurot yung kamay kong nakahawak sa kamay niya.

"A-ow. Shit! Aray naman!!" brutal netong babaeng to a!!

Hila parin siya ng hila, kurot parin ng kurot. Mamula-mula na kamay ko.

Bigla niyang pinwersa yung paghila ng kamay niya kaya napaupo siya sa may konkretong parte ng garden. Gulat siya sa nangyari. Halata sa mukha niyang masakit sa pwet yun. Buti nalang walang putik, nakaputing shorts pa man din siya.

Nakaupo lang siya dun, tinitignan ako ng masama habang pinapagpag yung kamay na ginamit niyang pangsalo sa bagsak. Hinawakan niya yung kamay niyang hawak ko kanina, hinimas-himas kasi namula sa pagtatug-of-war namin. Gusto ko sanang tumawa pero mas lalong hindi makikinig sakin to. Mas lalong magpupumilit umalis.

Nilapitan ko siya, umupo ng kalevel niya, isang tuhod nakasayad, at hinawakan sa may mga siko para itayo.

"Ayan kasi. Ang dali mong makarma ngayon a." sabi kong nakangiti habang hawak ko yung mga braso niya.

Nagtama mga mata namin.

Ako lang ba to o namula mukha niya? Sa init lang siguro.

Pagkatapos ng mga two seconds, tinulak niya ako. SHIT PALANG.

Naoutbalance narin ako at napahiga sa tapat niya.

"OH CRA- ugh!"

Karma nalang niya at nasama siya sa nangyari sakin, di ko kasi tinanggal pagkakahawak ko sa kanya, ayan tuloy buti nga. HAHAHA

Pero teka, nakapatong siya sakin. Masyado kaming malapit. Parang teleserye na to masyado, as in ang lapit na ng mukha namin. Nararamdaman ko yung hininga niya sa may labi ko.

Bigla kong naramdaman yung.. Yung.. SYET.

Oo, nakabukol yung DSLR niya sa may tyan ko, pero meron pa kong naramdaman sa dibdi- SYET TORRES UMAYOS KA. Mapagkamalan ka pag nagmamanyak. Mag-isip ka ng iba. Um basketball basketball basketba- TENGENE MAY BOLA NGA PALA SA BASKETBALL.

It's Darn Complicated *hiatus*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon