Chapter 6 - Slipped

461 2 1
                                    

Jake Tomas's POV



"Hello po. Can I get your number?"



Kakapasok ko palang ng canteen eto na bumungad sakin. Nakakatawa ang weird. Isang babae na kaedad ko nagtanong, pero di ko kilala amputs. Ibibigay ko naman sana kung alam ko pangalan e. Nag-smile nalang ako na parang di ko narinig.

"Um.. Sorry a, maingay kasi dito di kita masyado narinig. I'm in a hurry." Tapos ngumiti nalang ako ulit at naglakad na palabas. Di muna siguro ako magrerecess ngayon, amp.

Pagbalik ko sa room, malapit naring magbell. Takte parang ang loner ng dating ko. Karamihan kasi ng dati kong kaklase na lumipat rin dito babae, yung mga repapips ko naman na iba ewan ko kung san nagpupupunta. Baka nagbasketball. E di ko masyadong hilig kahit lagi ako sinasali.

Shet nakatingin pa sakin si Jewel, yung ex ko. Hindi pala nakatingin, nakatitig. Ang sama ng dating e. Kinukulam ba ko nito? Ewan ko ba kung bat kami nagbreak. Di naman ako nagbitter, pero siya, saksakan sa sagad. Parang humahabol pa nga sakin e. Hahahahaha kaklase ko pa. Rakrakan na to. Swan Jake.

Ops dumating na si Mrs. Toledo. Aayusin na daw seating arrangement.

Eto nanaman ayoko, wala ako masyadong kilala kaya di ko rin sigurado kung ayos o weirdo ba seatmate ko. Buong buwan, mahaba-haba rin yun. Sana yung makokopyahan ba. Hahahaha tss, damoves pre.

Buenaventura katabi ko. Buenaventura? Parang narinig ko na yung apelyidong yun.

Pagpunta ko sa first row, andun na pala yung katabi ko. Ito yung Ashley na naririnig kong pinag-uusapan nila Luigi. Di naman kami masyadong close nung tropa nila Trice, pero syempre, being boys magaling kami makisama sa kung sino-sino kahit di namin kilala.


"Hello." sabi ko pagbaba ko nung bag ko. Friendly ako e. Naks hahaha.

Dinedma ako dre. Hahahahaha pahiya ako dun a. Di man lang lumingon.


Umupo na ko. Hihintayin ko pa sanang kausapin niya muna ako bago ako umupo e pero weird naman ata ng dating ko pag ganun.

"Um.. Hello." sabi ko nalang ulit. Wa epek parin, nakatingin parin siya sa likod na parang malalim yung iniisip. O may hinahanap? Tsk. Suplada ata talaga to.

Last na, pag di pa ko pinansin titigil na kong manggulo. Hahahahaha.

"HELLO." nasabi ko ng malakas. Nagulat pa siya, biglang napalingon sakin. Napangiti nalang ako. Nakakatawa kasi yung expression niya hahahaha tss. Epic.

Di parin siya nagsasalita, nakatingin lang sakin.

"Nagulat ata kita. Kanina pa kasi ako naghehello sayo di mo ko pinapansin." sabi ko sa kanya.

Ayun, napangiti ko rin siya. Akala ko suplada talaga e. Pero oo, konti. Yun din siguro yung nagpapacute sa kanya, yung suplada siya. Sa bagay, okay lang naman siya magsuplada, may karapatan din. Maganda e.

"Ah wala, akala ko kasi absent magiging seatmate ko." sabi niya naman habang nakangiti.

Nakipag-shake hands nalang ako.

"Ako nga pala si Drake Tomas. Jake nalang tawag mo sakin." um-oo naman siya at nagpakilala rin.

Nakangiti parin siya. Ngayon ko lang ata nakitang ngumiti to simula ng unang araw ng klase. Bat kaya parang laging seryoso to? E maganda naman ngiti niya. Maganda talaga siya. Mukhang masungit, pero maganda parin. Paulit-ulit ba? Anong masasabi ko, maganda talaga siya e hahahaha.

It's Darn Complicated *hiatus*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon