Chapter 14 - Chemistry

413 1 2
                                    

Trice Torres's POV

Nag absent nalang sana ako.

 

Wala, pakiramdam ko lang di maganda tong araw na to. Drama queen pa 'girlfriend' ko, bat di nalang niya tanggapin na may iba akong natitipuhan diba. Ganun naman kaming mga lalake, bat di pa kayo masanay? Kung makadrama yun akala mo ako unang boyfriend e.

Tama nga akong di maganda araw na to, first subject palang, Chemistry, SURPRISE QUIZ tumambad samin. San ka pa. Mga teachers talaga ngayon, topak. Sunud-sunod na tatlong subjects ganun, madami narin daw kasi nadiscuss. Pero may naiba naman, yung third subject. Chapter test. Nyeta mas mahirap pa yun e. Sarap ibalibag nung table sa harap. May nasagot naman ako. Kasi may nasagot katabi kong nakakairita. ALAM NA.

Ayun naman pala, mag-uuwian din.

"Hoy taba."

Aba di ako pinansin ni Buenaventura, samantalang nung mga nakaraang araw pag inaasar ko to naninigaw. Pero aprub narin yun sakin, mas nakakatuwa nga e haha.

Tinuyupad ko naman yung wish sakin nila Lola kay principal, nagpapatutor ako pag break time dito sa babaeng matabang to.

"Pst Buenaventura, kinakausap kita."

Tuloy-tuloy parin paglalakad niya. Mukhang kawawa, andaming dala hahaha. Etong mukhang to, walang epek sa kanya?

"Magpapatutor ako oy! SIGE ISUSUMBONG KITA KAY MADAM."

Sa wakas lumingon na siya sakin. Tsk, charisma ko talaga walang dumededma.

"MADAMME hindi MADAM. Tsaka kapal mo hoy!! DI MO KO BINABAYARAN PARA ITUTOR KA! BWISET. LUNCH BREAK MANGGUGULO KA PA. UMALIS KA SA HARAPAN KO GUTOM NA KO." sakit sa tenga!! Kakatawag ko palang sigaw agad! IBANG KLASE.

"Di ako nagpapaturo ng reading kaya wag mong ituro pag pronounce ko kay principal! Tsaka wag ka nga sumigaw! Puputok eardrums ko dito e. Magpapatutor lang akala mo rerapin naman kita."

"LUL. PERV. Ihampas ko sa panga mo tong case ko eh. Ano ba papaturo mo?!"

"....." ano nga ba papaturo ko? Haha dambel. "C-chem nalang. Mahirap daw ngayong grading diba?" sana maniwala siyang hirap ako. Mani lang kaya yun amp, di niya alam mataas nakuha ko sa quiz dun kanina. Karamihan lang sa klase namin hirap.

"Libre kitang lunch sa caf." alok ko para pumayag. Kuminang naman mata niya sa salitang LIBRE.

"Bwishet. Oo na!"

"Kunyari pang napilitan, narinig mo lang na lib-"

"WHAT DID YOU SAY?!"

"Bingi ka ba? Kako tara na sa cafeteria! Bagal."

It's Darn Complicated *hiatus*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon