Chapter 11 - Oink

415 2 0
                                    

Ashley Buenaventura's POV

Medyo feel narin ng section namin ang pagiging hishchool.

Dahil sa sunud-sunod na activities dito sa school, enjoy naman namin. Tama nga, pag freshmen, petiks-petiks muna.

Di ko nalang muna pinansin yung ginawa sakin ni Jewel, subukan niya lang akong galawin ulit makakatikim sakin yun.

As for the higher years, okay din naman. Yung iba nga lang malakas ang trip, nang-aaway talaga ng freshies. Ay arte. Freshies hahaha.

Ngayong week, may activity pa nga kami eh. Kalaban ang ibang section, including the higher years.

Parang singing competition ang activity, pero group. Parang jingle. At guess who kung sino ang maglilead.

It's yours truly. Moi, Ashley Grace Buenaventura.

Nadiscover ng president namin ang 'talent' ko sa pag imbento ng kung ano-ano, eh may project kami nun. Nagrevise ng kanta para sa Science. Ayun, ako nag-isip ng kalokohang kanta, benta naman.

Abaaa, kahit minsan lang ako manggulo may ibubuga to no. Girl power beybehhh!

Pero in fairness, nahihirapan akong maglead, ang iingay ng classmates ko. Di ko masuway at di naman lahat close ko. Nasa harap pa man din ako, sa tapat ng board nakasulat ng lyrics ng kakantahin namin.

Sakit sa bangs!

Bigla pang may ruckus sa labas. Ang ingay na nga sa klase may eksena pa ba sa labas?!

Lumabas na si Sir, at naiwang nakabukas ang pinto.

"Ading bawal yan ginagaya niyo kanta namin!!" sabi ng isang guy sa kabilang room, higher year. Nasa special curriculum din siya, magkakasama ang rooms ng 'cream of the crop' eh.

Nagkumpol-kumpol narin yung iba niyang classmates sa tapat ng pinto namin. Si sir naman kinakausap ng masinsinan yung sumigaw na guy. Tumahimik rin sila, at after nun pumunta ng faculty si Sir.

Eto na nga ba ang pangit eh, malakas talaga trip ng higer years. Lalo na pag special curri, competitive sila masyado. Kawawa ang freshies.

Nandun parin sila sa tapat ng pinto, nakatingin na classmates ko sakin hinihintay akong ipagtanggol ang section namin.

It's Darn Complicated *hiatus*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon