Chapter 9 - BV Pt. 1

431 1 2
                                    

Trice Torres's POV




Badtrip.


Ewan ko ba kung bat wala ako sa mood nitong mga nakaraang araw. Pati tuloy si Jen naaapektohan, nahahalatang wala akong gana. Ewan, wala talaga e. Deym.

*flashback*

Sabay pa kaming nalate ni Buenaventura. Hahaha akalain mo ba naman. May aasarin ako ng kaaga-aga, e ang ganda nito asarin. Parang yung expressions niya e galing talaga sa loob. Yung pag distort ng mukha niya epic, parang F na F yung pagkainis niya. Kaya nakakatuwa.

Eto, late nga kami pumasok. Di niya nahalatang magkasabay lang kami pumasok sa gate. Pano mukhang badtrip talaga, akala mo lalamunin ng mundo. Sayang, maganda pa man din sana to, bisangot naman. Di na ngumiti. Di ko pa nakitang ngumiti, laging nakasimangot.

Teka, baka makita ako ng girlfriend ko dito sabihin pa nangchichiks ako.

Tsk, ano lang.

Naglakad lang ako sa tabi ni Ashley. Mukhang FC ba? Haha nak ng, gusto ko lang naman siya asarin e. Tignan ko lang kung ngingiti. Bat ba di man lang ngumingiti to? May tinatago? Sira-sira ba ngipin niya? May piercing sa dila? Napaisip nalang tuloy ako.

Napansin niya rin na may kasabay siya maglakad, at tumingin sa gilid niya, sakin. Nginitian ko lang siya, parang bata sa pagkacute umasta to.

Sumalubong lang kilay niya sa pag ngiti ko.

Eto na nga ba sinasabi ko kung bat maganda siya asarin. Di man lang ako ngitian din. Okay lang, natatawa ako lalo.

Itong ngiting to, na maraming chiks ang nagkakandarapang makita? Na konti lang ang nakakakuha? Di siya nabibighani? Amazing.

Kupal ba? Bakit, tutuo naman a.

Naramdaman ko na nagvibrate phone ko sa bulsa ko. Si Jen yun. Texan ko nalang mamaya sa klase. Busy pa sa pang-iinis e hahaha.

Di kami nag-uusap ni Ashley, naglalakad lang kami papunta sa classroom. Nakasara na mga pinto at wala ng tao sa corridors, start na nga klase. Pero di ako nagmamadali. Ano lang, sabi ko nga diba. Ako na batas dito ngayon. Umangal lang sila bayaran ko pa buhay nila. Ito namang kasama ko kumaripas na ng lakad. Takot siya sa adviser namin? Ano ulit pangalan nun, si Mrs. Toledo? Tss. Mga babae nga naman. Madali maintimidate.

Pag dating namin sa tapat ng section namin, nginitian ko na siya at pinauna ng pumasok. Di man lang nagsalita o ano, tumingin lang sakin ng sandali at pinihit yung door knob. Suplada. Di man lang tumatalab sex appeal ko dito. Pangit ba ko sa tingin niya? Kelangan na ba ng eye glasses nito? Namfufu.

Nag good morning na siya nung binuksan niya yung pinto. Ang hina ng boses e ang tangkad-tangkad.

It's Darn Complicated *hiatus*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon