Introduction

719 16 18
                                    

30 Days with Autumn

Written by callmecoookie

Introduction

Okay! It's really summer and I am so excited to go back on my beloved hometown!

"Leah, let's go na. Baka malate pa tayo sa flight natin."

"Yes, mom!" kinuha ko na ang baggages ko. Medyo marami sila dahil one month kami dun. Bigla ko namang naalala, di ko pa pala nachche-check kung kumpleto na ba yung mga gamit ko.

"LEAH!!"

"WAIT!!" tumakbo ulit ako sa room ko. Nakalimutan ko nga pala yung Planner ko slash Diary na rin sa side table ko. Hindi pwedeng maiwan 'to eh. Aba, ito lang ata yung lagi kong kakwentuhan at karamay pag boring ang buhay no.

Mabilis naman akong tumakbo palabas ng bahay. Well, hindi ko nga namalayan na nakarating na pala ako sa car nun, eh may dala-dala pa naman akong dalawang mabibigat na bag. Siguro dala na rin yun ng adrenalin rush kaya nakarating agad ako dahil galit na si Mama sa'kin. Uhh, medyo lang naman. Lol. Pasaway here :P

Mabilis kaming nakarating ng airport and sakto namang magboboard na kami para sa flight so ilang oras lang rin...

"Wah! BYE MANILA! HELLO HOMETOWN!"

"Leah..." nakapikit na sabi sa akin ni Mommy habang hinihimas ang noo niya. Oww, nagpipigil lang yan eh.

"Churii.." then I bit my lip at nagbehave na ako.

Ang saya lang! After ilang years or so, nakabalik din ako dito. Bata pa kasi ako nung huli kaming nagpunta dito eh. Busy kasi sina mama at papa sa work so we didn't had a time to visit our hometown, ngayon lang.

It took 2 hours nang makarating kami sa dating bahay namin. Sinalubong naman kami ng other naming relatives then nagkamustahan. Yung iba pa nga eh, hindi ko makilala na siya si tito ganyan, tita ganto at pinsan ganyan. Ganun din naman sila sa'kin. Well, ang halos pare-parehas yung mga sinasabi nila.

"Aba, ang ganda-ganda na ni Yiah ah."

"Naku.." magpapahumble na sana ako pero, "Thank you po."

Ang real name ko talaga ay 'Leah' at ang nickname ko naman ay 'Yiah', pronounced as, 'Yi-ah' parang 'Iya'. Well, mas prefer ko yung Yiah kesa sa Leah kasi yung real name ko parang pang-old fashion kaya more on ang gusto kong itawag nila sa akin eh, YIAH.

"Leah, dalhin mo na dun sa kwarto yung gamit mo."

"Opo."

Sina Mom and Dad lang talaga yung mahilig magtawag sa real name ko. Aynako.

Natapos na ang paglalakbay ko at nakarating din naman ako sa tuktok ng bundok, este kwarto ko pala ng after 123456789 years! Ang taas kasi eh, tagaktak talaga pawis ko nun. Ang ewan lang kasi di man lang ako tinulungan nung mga pinsan ko. Pektusan ko yung mga yun eh! Hmf.

Binuksan ko ang bintana. WAAAH. Namiss ko talaga 'to. Ang sarap ng hangin, fresh na fresh. Lumabas ako sa may terrace then naglean, kita ko yung mga taong dumadaan. Well, konti lang naman, ang tahimik kasi dito sa subdivision eh, pwera lang dun sa may playground at court.

Bumaba naman ako agad pagkatapos kong magbihis. 1pm na din kasi at hindi pa kami nakakapaglunch. Natuwa nga ako kasi ang daming nakahain, parang fiesta!

"Isang buwan lang kayong magsstay dito di ba?" sabi ni tita...i-forgot-the-name. Omy.

Umoo naman sina Mommy at nagkwentuhan lang sila and whatsoever. Pagkatapos kumain, hinila naman ako ng mga pinsan ko sa mga bahay nila. Halos magkakatabi lang kasi kami ng bahay kaya mabilis silang nakakapunta sa amin.

After nung warm welcoming nila sa akin eh pinauwi na rin nila ako. Hapon na nun, 4pm na din ata kaya nagsabi na ako na uuwi na muna ako para umidlip, nun lang ako tinamaan ng pagod at antok eh.

"Miss."

Dire-diretcho lang ako naglakad. Naku. Baka kung sinong tao lang 'to at kung makapagtawag ng 'Miss' eh parang nakakatakot.

"Wait lang, Miss!" ano baaa! Wah. Nakikita ko na yung bahay namin. Bilisan mo na ang paglalakad-takbo, Yiah!

"Teka lang!"

"YAAAAH!!"

Nabigla naman ako kaya nakapagform na kaagad ako para sumipa. Well, hindi rin naman umepekto dahil nakapikit ako. Eee, katakot eh.

Narinig ko namang tumawa yung kanina pang tawag ng tawag sa akin na 'Miss' na biglang humawak sa balikat ko kanina, kaya dumilat na ako para makita ang nakakabadtrip na nilalang na 'to at tinakot ako!!

Pagdilat ko eh para na akong ewan. Oh my... nasa heaven na ba ako? 

Okay, CUT. I'm just exaggerating. Pero kasi--omigahd. Ang gwapo ng nilalang na nasa harapan ko!

"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

Teka teka. Pwede ba munang himatayin kahit saglit lang??

Hindi ko 'to matetake!!! >__<

***

c/n: This is my 5TH STORY here in Wattpad.

Hmm.. Itutuloy ko pa ba? 

I know, may mga on-going pa ako at yung iba eh hindi ko pa rin naipapagpatuloy. Kaso kasi itong utak ko eh, pasaway. Namimili ng panahon na makabuo ng story at since summer na daw kasi ngayon, sabi ni utak, pang-Summer yung set-up nito.

Sana po eh magustuhan niyo. :)

At PLEASE, leave a comment po. :> I need your comments kung okay lang ba ito at nagustuhan niyo ba. VOTE na rin kayo if it deserves to be voted :)

THANK YOU!!

I LOVE Y'ALL :*

-cookie

30 Days with AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon