***FOUR***

169 11 6
                                    

Dedicated to ate Yohannah :) Thanks for supporting and reading my story!!!! ^____^

________________________________________________________________________

***FOUR***

Sabay-sabay na kaming naglakad pabalik sa subdivision namin. Ang cute nga naming tignan eh, pare-parehas kasi kaming may nginangatang burger. Cute no? Lols.

"Kaya pala pamilyar rin sa akin yung mga mukha niyo." sabi ni Ryu, ngumiti naman si Kate.

"Kayo rin. Lagi ko kasi kayong nakikita." sumunod naman na ngumiti si Kate kay Aki.

Si Aki? ayun.. dedma lang.

"Ah! Nga pala." nagulat naman ako kaya napatingin ulit ako kay Kate. Baliw 'tong babaeng 'to. "Yung tungkol nga pala sa mga pangalan niyo, nalaman ko lang yun doon sa mga iba pa naming pinsan. At hindi kami mga stalker ah." tiningnan niya ako sabay tumawa siya.

Tumawa lang rin si Ryu. "Ang cute niyo namang stalker, kung ganun."

Napayuko naman ako.. Yikeee! Kinikilig ako mula anit hanggang kuko! Wah, cute daw eh! Haha. Banatero ang lolo mo!

Ayun, tuloy lang sila sa pagkukwentuhan. Ako kasi, tahimik lang at pati na din si Aki. So it means, sila ni Kate at ni Ryu lang ang magkausap. Medyo hindi ko nga feel yung arrangement namin eh. Eto kasi yun:

Me - Kate - Ryu - Aki

Ayun, eh hindi naman ako nagsasalita at nakikitawa lang ako kasi wala akong masabi, hinayaan ko na lang si Kate na sila ang magtabi. Isa pa, baka mangisay na lang ako bigla kapag magkadikit yung balat namin ni Ryu. Alam niyo na... Kuryente effect. Syempre kahit na gusto ko yun, gusto ko pa rin namang mabuhay at ayokong mamatay sa kilig no. LOLs.

Hindi ko nabilang kung ilang minutes kami naglakad nun pero pakiramdam ko, saglit lang yung nilakad namin kahit masakit ang paa ko. Parang saglit lang kasi yung oras na nakasama namin sila eh, especially, si Ryu.

"Salamat sa paghatid." sabi ni Kate.

Ako naman, "Thanks." lang ang nasabi ko.

"No prob. Thanks for the small chitchat." sabay tingin ni Ryu kay Kate. "Bye. See you two around." tapos ngumiti naman si Ryu sa'kin.

"Bye."

At isinara na namin yung gate.

Umakyat ako sa kwarto ko ng may napakalaking ngiti sa labi.

Ang saya ko ngayong araw.. Una, nagkausap na kami for the first time! Pangalawa, nagkakilala na kami nina Ryu through names. Pangatlo, nagkasabay kami pauwi. At pang-apat! Hinatid niya pa kami. How good is that? Waaa. Kakilig!

Kinabukasan, nagising ako nang katabi ang planner slash diary ko. Nakatulog siguro ako habang nagsusulat. Buti na lang pala natapos ko din yun bago ako maknock-out. Hehe.

Pagkababa ko, wala na naman akong naabutan kundi sina Kate at Tita.

"O, gising ka na pala. Kain na." pag-aaya sa akin ni Tita.

"Tita, where's Mom and Dad?" I asked, as I pull the chair for me to sit.

"Ay, oo nga pala." napasapo bigla si Tita ng palad niya sa noo niya, "Tatawagan ka na lang daw nila mamaya. Nagpaalam kasi si Kuya eh. Dala nila yung iba nilang gamit."

Napastop naman ako sa pagkuha ng kanin.

"Po?" nabingi ata ako dun ah.

"Babalik daw muna sila sa Manila. Nagkaproblema daw kasi doon sa suppliers ng company niyo."

30 Days with AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon