***SIX***

142 10 5
                                    

***SIX***

Anong ginagawa niya dyan sa itaas ng puno? Para tuloy siyang unggoy. Hmm.. Gwapong unggoy? 

Naah.

"A-anong ginagawa mo dyan?" sabi ko at lumapit ulit sa puno.

Sinimangutan niya naman ako.. NA NAMAN.

"It's none of your business." then he looked away. Tingnan mo 'to.. Ang sungit talaga!

Tinitingnan ko pa rin siya. Sa mga kilos niya eh para siyang nalilito na hindi ko maintindihan. Saglit lang rin eh tumingin ulit sa akin. Hindi ko maintindihan ang itsura niya pero naiilang ako.

"P-pwede..."

Huh?

"Pwede..?" pwede, ano?

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. Mukha nga siyang nag-aalangan eh.

"Pwede pakitayo yung hagdan na nalaglag?" diretso niyang sabi nang hindi tumitingin sa akin.

Hagdan? Sus! Yun lang naman pala eh. Nanitsit pa at tinakot ako. Tss.

Hinanap ko yung hagdan na sinasabi niya and ayun! Nahanap ko na din. Nasa kabilang side lang ng puno.

Bumaba ako at tumukod sa grass para iangat yung hagdan kaso bigla naman siyang sumigaw, nagulat tuloy ako.

"Wait!" napaangat naman ako ng ulo at tumingin sa kanya. "Teka.." parang nag-aalangan siya.

"Bakit?" then tumayo ulit ako. Bakit kaya?

"Kaya mo bang..." ano?? "Uhh.."

"Ano?"

 "Kaya mo ba talagang buhatin yan?" diretso niyang sabi.

Napataas naman ako ng kilay nun. NAMAN! Ano akala niya sa'kin? Payatot na anytime na magbubuhat eh magkakalasan ang mga buto?? Nah-uh. Kahit naman na mapayat ako eh kaya ko namang magbuhat noh.

"Oo naman!" sabi ko sabay nagpamewang.

Tiningnan niya lang ako. Tulad kahapon, parang ineexamine na naman niya ang itsura ko.. What now?!

"Okay. Go."

Susme! Ang tagal pang sumagot eh.

Bumaba ulit ako para iangat yung hagdan. At mukhang hindi nga nagkakamali si Aki dahil ang bigat nga at mukhang hindi ko kakayaning buhatin ito!

Pero dahil nga sa may mga baby fats naman ako kahit papaano, nagawa ko naman siyang iangat. Paunti-unti.

"Dahan-dahan.." narinig kong sabi niya kahit mahina lang. Ayun.. napangiti naman ako ng kaunti.

And ayun! At last. After 123456789 years eh napaangat ko din siya at naisandal sa puno. Grabe, pinagpawisan ako doon ah.

Nagsimula ng bumaba si Aki. Grabe naman kasi. Bakit ba niya naisipang umakyat sa puno eh ang taas-taas nun?! Swear, nasa kalahati na siguro ng 3rd floor namin yung height nung puno na inakyatan niyang yun.

"O, ayan." then umatras na ako.

Unti-unti na siyang bumaba.

Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit siya umakyat dun sa puno. Ewan. Pero hindi rin naman weird ata yun when it comes to boys' perspectives. Baka yun yung trip niya kanina kasi wala siyang magawa. Eh ang mga boys naman eh, mahilig umakyat sa kung saan-saan.

Hmm.. Baka lang.

Nung nasa may kalagitnaan na siya, may bigla akong narinig na parang crack. Then maya-maya lang...

"AAAAAH!!!"

Parehas kaming natumba.

"Sh1t!!!"

Gaaahd. I really hate hearing that curse coming out from his mouth. Tsk.. Pero wala munang time para sa reklamo ngayon, Yiah!! Tulungan mo kaya siya!

Mabilis akong tumayo papalapit sa kanya.

"Damn.." sabi niya as he tried to stand up. Napapikit na lang ako at magkasalubong na yung kilay ko pagkadilat ko ulit. Tss.

Pinaupo ko siya sa may gilid ng puno. Nung una nga eh, nahirapan akong iangat siya nun. Ang bigat niya kasi. Pero ayun, nakayanan ko din naman yun kahit papaano.

Maya-maya lang, nagulat ako nung inangat niya yung kanang kamay niya. Ang daming dugo!

"Oh my God! Anong nangyari?!" natataranta na ako. Ang dami talagang dugo eh! Nagkaroon ng malaking hiwa sa kamay niya. Oh, God!

Hinawakan niya lang yung kamay niya at parang may tinatanggal siya. Napapaiwas naman ako ng tingin kasi ang dami talagang dugo na lumalabas tapos parang pinipisil pa niya yung kamay niya, parang nararamdaman ko tuloy yung sakit.

"Aaack!"

Napapikit na lang ako. Masyado atang masakit yun nung may tinanggal siya.

Ilang seconds lang rin, dumilat na ako uli. Then I saw, naglalakad na siya palayo.

"Wait!" tumakbo naman ako papunta sa kanya. Mang-iwan daw ba?!

"What?!" magkasalubong na naman ang kilay niya nung humarap siya sakin. Naku talaga 'tong lalaking 'to.

"Okay ka na ba?" then tiningnan ko yung kamay niya. Nagdudugo pa din.

"Tingin mo?"

OK. I don't know what to say.. Ganun na talaga siya. Masungit.

Naglakad na ulit siya at iniwan lang akong nakatayo dito. Hindi man lang nagthank you o kung ano. Tss.

Ilang saglit lang rin, nakita ko siyang papalayo na sa akin. At dun ko na lang narealize na para akong ewan na nakatayo dito kaya naglakad na din ako pabalik ng bahay.

"Teka."

Napatakbo naman ako ng mabilis nung may naalala ako bigla.

"Aki! Wait!" malayo na kasi siya at mukhang papalabas na siya ng subdivision.

Nagstop naman siya pero hindi siya lumingon kaya dun ako sa harap niya nagpunta at hinarap siya.

"Ito nga pala.." inabot ko sa kanya, "Salamat ulit."

Nakatitig lang siya dun sa panyo. Ewan ko dun, mukha na naman atang naiirita sa akin. Well.

Nung nainip na ako, tinanggal ko sa pagkakatupi yung panyo at kinuha ko yung kamay niya. Sinubukan pa nga niyang hilahin eh, pero hindi ako pumayag at hinila ko talaga yung kamay niya papalapit sakin.

"Stupid." I smirked, "Punasan mo nga yang kamay mo, may dugo."

Ayun, ginaya ko lang yung sinabi niya sakin kahapon. Lels.

Pagkatapos nun, umalis na din ako agad. Wala rin naman akong makukuhang response eh kaya might as well umuwi na lang.

Pero di pa ako nakakalayo ng kaunti eh may narinig ako... and it made me smile. Really.

"Gaya-gaya ka rin, ano?" well, at least may sinabi siya bago ako umalis.

***

c/n: Sorry kung late update, dears. :)

Any comments on this chapter? :)

30 Days with AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon