***TWO***

185 11 4
                                    

***TWO***

Gabi na nung nakauwi na kami sa bahay. Around 9pm na rin ata nun. Nanuod pa kasi kami ng movie ni Kate eh kaya bonggang grand entrance kami kasi sermon agad. Oh well.

Pagkatapos magdinner eh umakyat na din ako sa taas para maligo at magpalit ng PJ's, matutulog na kasi ako.

Nung nakahiga na ako at ready to go na, bigla ko namang naalala.

RYU.

Tumayo ulit ako at pumunta sa study table para kunin yung planner slash diary ko. And there, sinulat ko ang mga nangyari kanina pati na rin yung feeling ko na nalaman ko na yung pangalan ng crush ko dito sa neighborhood namin. Pagkatapos nun, isinara ko ang diary with a smile.

Tumayo naman ulit ako kaso nung pabalik na ako sa kama, nawala na bigla yung antok ko.

Hmm.. Ano bang gagawin ko?

Nagpunta na lang ako sa balcony ng room ko at doon nagpahangin at nagtingin-tingin ng mga stars. Buti nga hindi malamok eh kaya naupo na lang ako sa isang chair doon at saka sinandal ang ulo ko sa taas ng kamay ko habang nakatingin sa mga katapat naming bahay.

Yung isang bahay sa left side eh nakabukas pa ang ilaw at medyo nakikita ko pa yung mga tao dun. Wala namang Parental Guidance na nangyayari so I move my eyes to look at the other side. Medium size yung bahay na may three floors and one roof top. Bukas din ang ilaw pero nakasara ang bintana kaya wala rin akong matitingnan. (Haha, kung meron man.)

Then for the second time, I move my eyes in front of me. May nakaharang na puno ng mangga pero hindi naman creep kahit gabi kaya okay lang. Then sa likod ng puno, may isang malaking bahay rin same as ours.

At dahil sa hindi naman ganun kalayuan ang bahay eh napatitig ako kasi may nakita akong tao.

Tinignan ko ng mabuti na tipong inangat ko pa yung ulo ko para lang makita ng malinaw kung sino yun.

And there...

"Huy!!"

Pambihira naman oh! Kamuntik na akong malaglag!

Napakamot naman ako sa ulo nung makita ko si Kate. Tsk. May tinitingnan ako eh!!

"Ano bang ginagawa mo dyan?" then siya na yung umupo sa inuupuan ko kanina. Tamo 'to. Hmp.

"Nanggugulat ka! Lam mo yun?" sabay talikod ko. Kinabahan talaga ako dun. "Ano bang ginagawa mo dito?"

"Hindi pa ako inaantok eh. Kaya pumunta ako dito. O ikaw, ano namang ginagawa mo dito sa balcony?" then luminga-linga siya.

"Wala." humarap na ako sa kanya, "Nagtitingin."

"Nagtitingin??" tumingin naman siya sa baba, "Mamaya may iba kang makita dyan. Ya know.. Unwanted creatures."

"Unwanted creatures..." tapos tiningnan ko siya ng nakakunot-noo, "Eh mas natakot nga ako sayo eh.  Akala ko malalaglag na ako." then nagcross-arms ako.

"Haha! Saree." tapos nagpeace sign siya.

Nagmake face lang ako sabay sabing, "Che."

Nung sumunod na araw, Day 3 ko na dito sa home town at tulad ng ginawa ko kahapon, tiningnan ko ulit yung planner ko kung may plans ba ako for today. So far, wala naman.

"Kate, aalis ka?" sabi ko habang nagsspread ng peanut butter sa tinapay.

"Yeah, pupunta ako ng school ko eh. Sama ka?"

Nagningning naman yung mata ko nun at mabilis kong naubos yung kinakain ko, "O sigi sigi!!" sobrang tuwa ko nun. Haha gala na naman eh.

1pm na kami umalis. Nagbilin naman sina Mommy na wag na daw namin ulitin yung uwi namin kagabi kundi deds ako, at pati na rin si Kate sa mama niya.

"Ano bang course yung kinukuha mo dito?" sabi ko as I gaze all the buildings surrounded on us. Ang laki at ang lawak ng campus nila. Dito na rin kaya ako magcollege? Hmm..

"Nursing." sabi niya without looking at me. Nakatingin kasi siya sa hawak niyang papel.

"Ooh." tumango-tango na lang ako.

Turning 2nd year college na si Kate and me? Kagagraduate ko pa lang ng high school kaya parang like ko atang magcollege dito. Hmm.. Kung papayag sina mama at papa.

Marami akong nakitang mga students pa dito. Nagtataka nga ako eh, bakit ang aga naman ata nilang mag-asikaso para sa next term nila? April pa lang naman ah.

"Ano yung gagawin niyo dito at ang aga niyo namang mag-asikaso--" okay. She cuts me off.

"Kukunin ko lang yung mga grades ko." ngumiti naman si Kate at tumingin sa taas, or ceiling (nasa loob na kami ng building eh) "Sana GS pa din ako." then tingin sakin, "Good Standing."

Much better, naexplain naman niya.

Nagstop kami sa Window 3 kung saan dun nila kukunin yung list of grades nila.

Nagpaalam naman ako sa kanya na maglilibot lang ako ng konte since matatagalan ata siya. Babalik na lang siguro ako dun after 15-20 minutes. Di naman ata ako maliligaw eh.

Una kong napuntahan eh yung isang building na sa labas eh may parang park bench.

Umupo muna ako dun kasi may garden din. Hindi naman siguro restricted 'to no?

Ang ganda nga eh. Green na green talaga ang mga grass at may mga flowers din. And since I love flowers, tumayo ako para picture-an yung ilang mga cute na flowers na ngayon ko lang nakita.

Napicture-an ko na yung isang yellow na flower na may touch of orange gamit ang phone ko. May nakita naman akong blue na flower na mukhang yellow bell at anthorium dun sa may gilid kaya pumunta ako na parang patakbo sa sobrang excitement.

Pagkarating ko dun, I stepped closer and closer kasi hindi ko mafocus. Kaso...

"Miss wag! Teka!!"

Napalingon ako sa gilid at nakita ko si Ryu! OMIGAHD!! Anong ginagawa niya dito?

Dahil sa gulat ko nun, nabitawan ko yung cellphone ko kaya nalaglag malapit sa fence.

Nung kukunin ko na sana at malapit na ang kamay ko sa phone ko, bigla ko na naman narinig yung boses ni Ryu, kaya napatingin ulit ako.

"Ba--"

"Ingat!!"

May biglang humila sa magkabilang braso ko at may biglang nagspark sa fence nung may tumamang bato doon.

Para rin akong hinihingal nung maramdaman kong may humihinga sa likod ko nung napalayo na kami sa fence. Nakita ko talaga yung spark na parang galing sa wire doon kaya nabigla ako sobra.

Hindi naman ako nasaktan or what kasi naglanding naman ako ng safe sa lupa. Or so I thought. Kasi parang... parang ang lambot naman ata nung lupa.

Kinapa ko yung gilid, hindi ata lupa, parang maong eh. Kaya naalarmed naman ako kaya lumingon ako.

And guess what. Uhh, NO. Guess WHO!!

"A-Aki?!"

***

c/n: Oooooh. It's Aki, bakit kaya siya yung nagligtas? Hehe :P

COMMENTS PLEASE!!

VOTE NA DIN :)

30 Days with AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon