***FIVE***
Nilabhan ko yung panyo at plantsado pa.
Maaga naman ako lumabas ng bahay. Hmm.. It's 7am, I think? Wala lang.. Magpapahangin. Maganda kasi ang panahon kapag umaga. Yung hindi pa nakakapaso yung sikat ng araw? Ganun.
Ayun, bakit ko nga ba dala yung panyo? Ewan eh. Pero kasi... Okay, fine. Nagbabaka sakali lang naman ako at gusto ko siyang makita. Bakit? Syempre, ibabalik ko 'tong panyo niya at nang makapag-thank you na din. Hindi naman masama yun di ba?
Nagpaalam ako kay Tita na maglalakad-lakad ako. Tulog pa rin si Kate eh kaya wala akong kasama. Wuu.. Loner.
Matagal-tagal din akong naglalakad-lakad sa buong subdivision. Hindi naman siya ganoon kalaki kaya ayos lang.
Saan na ba yun? Lumalabas ba yun ng ganito kaaga? Then tiningnan ko yung wrist watch ko, quarter to 8 pa lang. Baka tulog pa yun?
Nung mapagod akong maglakad at palinga-linga, napunta ako sa isang maliit na playground at umupo sa swing. May mga kasama naman akong ilang mag-yaya na nandito at namamasyal kasama ang mga alaga nila.
Hay.. Nakakapagod. Bakit ko naman kasi naisip na lalabas yun ng bahay ng ganito kaaga? Maaga na yung 8am, I think. And speaking of bahay, saan kaya bahay nun? Eh di ba sabi ni Kate na magkakapitbahay lang kami? Eh nalibot ko na nga yung subdivision namin eh parang wala namang sign na 'Aki's house'. Aynako.
After 10 minutes or so, nagdecide na akong umuwi na lang ng bahay since it's getting hotter na at medyo masakit na sa balat yung sun rays.
"Yiah!"
Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa may narinig akong pamilyar na boses.
"Good Morning." sabi niya nang makarating na siya sa tapat ko.
One minute ata akong nakatitig lang sa kanya at hindi nagsasalita.
OMY.. It's Ryu. At binati niya ako ng 'Good Morning'! How good is that?!
Natauhan naman ako nung niwave niya kamay niya sa mukha ko, so I snapped out.
"G-good Morning din." nahihiya ko sabi.
Hila-hila niya lang yung bike niya habang naglalakad kami at nagkukwentuhan ng kung anu-ano. Pero.. mas more on siya ang nagsasalita, nahihiya ako kasi eh.
"Ano nga pala ang nangyari sayo? Ang dami mo atang sugat?" nagtatakang tanong niya.
Tiningnan ko muna siya ng nakangiti. Gusto ko sanang magjoke time eh kaso wag na lang. Baka hindi bumenta.
"Ah, ito?" tinuro ko yung baba ko na may sugat. "Ayun.. Nadapa ako eh. Nakaplakda pa."
Hindi ko inaasahan yung sumunod na facial expression niya, at sumunod na lang na narinig ko eh.. yung tawa niya. Malakas na tawa.
OK. Di na ata kelangang magjoke time. Tsk.
"Sorry." sabi niya habang pinipigilan pa rin ang pagtawa. "Sorry talaga." and for the last time, tumawa ulit siya ng pagkalakas-lakas. Great.
Ewan ko kung maaasar ba ako o hinde eh. Natawa siya kasi nadapa ako.. May nakakatawa ba? Siguro. Kahit ako eh, matatawa din siguro ako kapag malaman kong nadapa ang kaibigan ko at ine-imagine ko pa kung ano ang position niyang nakaplakda.
Maiinis ba ako? Siguro. Pero siguro lang naman. In fact, iba ang expression ko at yun ay ang pagkatuwa. Bakit? I love hearing his laugh eh. Oh well, crush ko nga kasi.

BINABASA MO ANG
30 Days with Autumn
Teen FictionIt took 30 days for me to love him. And even though our 30 days is over, I'll still love him... 'til the ending part comes.