***SEVEN***
Umalis ulit kami ni Kate kinabukasan. Nagpunta kasi kami doon sa lugar ng iba pa naming relatives. Ayun, bumisita lang at nangamusta. At tulad ng pagwelcome sakin ng iba ko pang pinsan at mga tito and tita, sobrang warm din at panay sabi ng 'long time no see' at 'ang ganda mo na ah'.
Oh well..
Hapon na ulit kami nakauwi, dun na rin kasi kami naglunch.
"Eh Kate, natatandaan mo pa ba yung daan papunta dun sa dati nating school noong elementary?" naglalakad na kami ngayon papuntang subdivision. Hindi kasi pwedeng pumasok yung trike eh.
"Mm.. Oo." then tumingin siya sa akin, "Ay.. Hindi."
"Yung totoo?" baliw talaga 'to. Tumawa lang ang loka.
Pagkapasok namin sa gate, nagulat naman ako nang may lumabas na ulo sa bintana ng guard house. May mga stain pa ng hindi ko alam kung anuman yun. Tapos inilabas niya yung kamay niya na may hawak na paint brush at may benda sa kabilang kamay.
"Hi Aki!" kumaway si Kate sa kanya. Si Aki naman tumango lang at bahagyang ngumiti.
Ako? Hindi ko na lang siya binati. Alam ko naman din kung anong mangyayari eh. Kakausapin ko lang ang hangin at mapapahiya lang ako. Iba kasi yung pakikitungo niya sakin kumpara kay Kate. May discrimination, dude! Ewan ko sa kanya. He seems so rude to me. Lagi siyang masungit. Hmp.
Nung nakalagpas na kami, bigla naman ulit nagsalita si Kate. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Bagay pala sa kanya yung naka-cap, no?"
"Huh?"
"Ang cute nung cap niya na black na may red. Tapos may A sa taas." itinaas-taas niya yung kilay niya, "Ang cool."
"Ah talaga?" hindi ko naman ata napansin yun. Saglit lang kasi akong tumingin sa kanya nun at kung anu-ano lang yung sinasabi ko sa utak ko tungkol sa kanya kaya parang hindi ko napansin yun.
Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. Medyo nasa gitna kasi ng subdivision yung bahay namin eh kaya medyo malayo.
But then.. Wait.
Oo nga noh!
Hindi ko masyadong napansin na naka-cap siya ngayon pero ayos naman pala siya kasi tumutulong siya sa community. Nagpipintura kasi siya doon sa may bintana ng guard house. And that was... Cool. Mabait naman pala siya kahit papaano eh. Good citizen.
Pagkarating namin sa bahay eh nagpahinga muna ako at saka na ako nagbihis.
"Tita, lalabas lang po muna ako."
"Saan ka pupunta?"
"Dyan lang po." then nagpaalam na talaga ako.
Pagkalabas ko ng gate, well.. walang tao. Sa ilang araw na pagstay ko dito eh napansin kong bihira lang talaga lumabas ang mga tao dito kumpara subdv. sa amin.
Pumunta ako sa swing at doon naupo. Pagkatingin ko naman sa tapat ko eh may nakita akong batang maliit na lumabas sa gate. Babae siya at cute niya sa pigtails na hairdo niya. Napansin ko namang tumingin siya sa'kin at saka tumakbo sa direksyon. Napatayo pa nga ako nung muntik na siyang madapa. Eh pa'no grabe yung babae, ginugulat yung bata dahil sa lakas ng boses niya.
"SHASHA! COME BACK HERE!! DON'T RUN!!"
Paulit-ulit niyang isinisigaw yan. Taray nga eh, inglishera. Haha.
BINABASA MO ANG
30 Days with Autumn
Подростковая литератураIt took 30 days for me to love him. And even though our 30 days is over, I'll still love him... 'til the ending part comes.