***ONE***
It's Day 2 today at hindi pa rin ako makaget-over gwapong nilalang na nagtanong sa akin ng pangalan ko kahapon.
Well, kung tatanungin niyo ako kung nasabi ko ba ang pangalan ko sa kanya, the answer is NO. Badtrip nga ako eh dahil sa wrong timing yung pinsan kong si Kate kasi bigla siyang dumating at tinawag ako, kaya ayun... umalis na din si cute guy. :<
Maaga naman akong gumising at tinignan ko kaagad yung nakasulat sa Planner ko.
10:00 am
Visit ninang and ninong's house
Naligo naman ako at kumain na din ng breakfast. Kasabay ko naman si Kate na kumain dahil mas maagang umalis sa akin sina mama at papa. I forgot to mention, dito nga rin pala nakatira sina Kate at ng Mama niya. Sila yung tumitira dito kapag wala kami.
"Kate, samahan mo naman ako sa bahay ng ninang at ninong ko oh, baka kasi maligaw ako kapag ako lang mag-isa." tapos nagpuppy face ako.
"Tigilan mo yan Yiah. Nagpacute pa eh. Syempre naman no!" then tumawa siya. Ako naman eh halos magtatatalon sa tuwa.
Nung natapos na kaming kumain at nakapagbihis at lahat-lahat eh umalis na kami then bumyahe papunta sa bahay ng ninang at ninong ko.
Pagkarating namin doon, medyo pinagtitinginan kami. Ewan ba, nakakailang nga eh.
"Minsan nga Kate, tatakpan ko na yang mukha mo kapag aalis at lalabas tayo." biro ko sa kanya. Eh pano, tingin ko kaya kami pinagtitinginan eh ang ganda-ganda ng kasama ko. Maganda kasi Kate, 1-year older lang siya sa akin. Pero hindi ko siya tinatawag na ate. Wala lang, sanay na rin eh. Mukha lang kasi kaming magka-age lang pero mahahalata mo pa ring mas bata ako kesa sa kanya.
"Ewan ko nga sayo." then tumawa lang siya.
"Yiee! Namumula na yan! Haha!"
Nung nakarating na kami sa tapat ng bahay nina ninang at ninong ko, huminga muna ako ng malalim bago pumindot ang doorbell.
"Ano na nga kaya ang mga itsura nila?" sabi ko sa isip ko.
Nagbukas naman yung pinto pagkatapos ng dalawang bells. Nagulat naman ako sa nakita ko. Kahit siya nagulat din sa akin nung bigla ko siyang yakapin.
"Angelie!! Namiss kita, sobra!" sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya. After ilang seconds eh bumitaw rin naman ako at nakita ko naman ang itsura niyang nasa state of shock.
"Yiah! Remember? Ako yung bestfriend mo. Nasan sila ninang?"
Turn ko naman ang magulat nung ako naman yung niyakap niya habang nagtatatalon sa tuwa.
"Wah! Yiah! Namiss din kita sobra!!" oh well. Halos di na ako makahinga sa sobrang higpit.
After ng sobrang matagal na pagyayakapan at pagtatatalon eh pumasok na kami sa loob at nakita ko na ulit yung ninang at ninong ko. Nakakatuwa nga eh, mukha pa rin silang mga bata kahit nasa 50's na sila.
Hapon na nung nakaalis kami ni Kate. Dun na rin kami naglunch at sobrang haba talaga ng kwentuhan namin. Kinuha ko naman yung number ni Angelie para may communication kami kahit magpunta ulit ako ng Manila.
"Oy, manlibre ka naman." siniko-siko ako ni Kate, "Tiba-tiba ka ngayon eh."
Tiba-tiba talaga ako dahil ang laki ng perang binigay na sakin para sa 'Late na Pamasko' ko galing kina ninang at ninong. Haha! Magbahay-bahay din kaya ako sa mga iba pang mga ninang at ninong ko? Aba! Ang dami kayang may mga utang sa'kin no! XD
BINABASA MO ANG
30 Days with Autumn
Teen FictionIt took 30 days for me to love him. And even though our 30 days is over, I'll still love him... 'til the ending part comes.