***THREE***
Napatayo naman ako agad sabay atras.
"Sabi na nga kasing 'wag di ba? Bingi ka ba o ano?!"
OMY. Galit na naman siya.
"Eh hin--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko. Nakita ko kasi si Ryu sa peripheral vision ko kaya napalingon ako sa kanya.
May kinakalikot siya na kung ano doon sa may gilid malapit sa fence. Pipigilan ko sana siya, kaso nadistract naman ako nung marinig ko na namang nagcurse si Aki.
Kailangan ba pag galit siya, dapat nagsasabi siya ng mga bad words?? Ewan ko pero naiirita ako pag naririnig siyang nagmumura.
Humarap ako sa kanya na magkasalubong kilay. Nakakainis eh!
"Pwede ba--" hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko. Lumapit kasi Ryu.
"Eto na nga pala cellphone mo." then inabot niya sa akin. Ngumiti na lang ako kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko eh. Pa'no, nagulat ako at... alam niyo na.
"Pasensya na nga pala." napaangat naman ako ng ulo, "Muntik ka na kasing mapahamak."
"Hindi." umiling-iling ako, "Ako nga dapat ang magsorry kasi--"
"Dapat lang." napalingon naman ako sa gilid. Si Aki na naman. Hmp!
Nagsalita ulit si Ryu.
"May experiment kasi kaming ginagawa together with electricity. Ngayon lang kasi natapos yung findings kaya ngayon ko lang rin natanggal." inangat niya yung wire at kung anu-ano pa na siya lang ang nakakaalam. "Buti na lang pala, naabutan ka namin kundi, baka naluto ka na." tapos natawa siya.
Imbes na maasar ako, napangiti na lang ako. Ang cute niya rin kasing tumawa. Grabe. Crush ko na talaga siya. *u*
"Student ka rin ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita eh pero parang namumukhaan kita." then lalong naningkit yung mata niya.
Bigla naman ako namula.
"Ako kaya yung tinanungan mo ng pangalan nun! At hindi mo na pinatahimik ang kaluluwa within two days!!"
Yun sana ang gusto kong sabihin kaso, it's not the real me. Hindi kasi ako ganun kastraight-forward na tao.
"Ah, hindi po." nagwave ako, "Sinamahan ko lang dito yung pinsan ko, student kasi siya dito."
"Ah.. Wag mo na akong i-po. Parang magkasing edad lang naman tayo eh." nagsmile siya, OMG. "Anong course nga pala? Engineering kasi yung tinetake-up ko."
Sasagot na sana ako kaso biglang nagring yung phone ko.
"Teka." sumenyas ako, "Hello?"
"Saan ka na? Tapos na ako."
Tumingin ko kay Ryu, ngumiti lang ulit siya.
"Andito sa..." tumingin-tingin ako sa paligid, "Basta, sa tabi ng isang building na may garden. Ako na lang--"
"Hindi, ako na ang pupunta. Bye. TOOT TOOT"
Uso ngayon ang ayaw akong patapusin sa pagsasalita. GREAT.
Binaba ko na ang phone then tumingin ulit kay Ryu, "Pinsan ko. Hehe" grabe, parang ewan lang akong tumawa.
"Tara na!" nakasimangot pa din si Aki.

BINABASA MO ANG
30 Days with Autumn
Genç KurguIt took 30 days for me to love him. And even though our 30 days is over, I'll still love him... 'til the ending part comes.