***dedicated to Nalisa !! salamat sa pg-spend ng time para magbasa ng story ko na to. salamat dn sa mga comments!***
SALAMAT TALAGA! mwah mwah ^*^
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 20: New School
Andrea's POV
New and awkward. This light brown sailor uniform is really, really NEW and AWKWARD. Parang ang pangit sa akin. Tapos yung bag ko, kelangan galing sa school din. Color gray para sa lahat ng babae at color black sa lahat ng lalaki. Feeling ko ang sagwa kong lumakad suot ang uniform na to. Ang haba pa ng medyas..hanggang tuhod. Ang kati.
"Nervous?" tanong ni Hanz.
"Ewan..siguro.." napalunok ako. Nasa loob kami ng sasakyan niya at may driver na rin siya. Napalunok ako kasi he's really attractive and sinfully gorgeous in his uniform. Parang tinahi para sa kanya at para lang sa kanya ang uniform niya.
"Nandito na po tayo, sir." sabi ni manong driver.
Hanz held my hand. Like whoa! I jerked my hand back.
"I-I want to clear one thing.." tinaas ko pa yung hintuturo ko sa mukha niya to make my point obvious.
"What?" he asked.
"Sa..sa school--new school natin, sana walang makaalam na fiance kita at fiance mo ako."
"Meaning?"
"We'll keep our relationship a secret." lakas-loob na sabi ko kahit nanunuyo yung lalamunan ko. His gaze was making my throat dry.
Umisod si Hanz palapit sa akin so umisod din ako palayo hanggang sa sumayad na yung car door sa likod ko.
"Why, Drew? Do we have a relationship? What relationship do we have?" he seductively asked.
Oh Lord.. ilayo niyo ako sa tukso! Baka hindi ako makapagpigil at gahasain ko siya dito mismo sa loob ng kotse at wala akong kiber kahit nandyan si Manong!
"S-sabi ko nga eh..." kinapa ko yung bukasan ng pinto ng sasakyan at binuksan yun at lumabas agad.
"Ma-mauuna na ako!" sigaw ko at tumakbo palayo. Habang palayo ako, naririnig ko pa ang tawa ni Hanz, HMMMP! What a devil!
Saan ba ako pupunta? Anong floor at anong building nga ulit yung sabi ni Hanz kanina? Hindi ko narinig kasi natulala ako. I wasn't paying attention! Hay! Ano bang ginagawa ni Hanz sa akin? He's turning my senses upside down!
Napakamot ako. Then I looked at my hand. umabot na hanggang kalahati ng palad ko ang sleeves ng uniform na to. really weird. Anong akala nila sa school na to? Nasa Japan or Korea? Mga assuming na people talaga ang dami!
"Nawawala ka?" may nagtanong so nilingon ko yung nagtanong.
*___*
WOW! nasisilaw ako! Ang ganda niyang nilalang~ ang tangkad at ang haba ng legs. -_______- feeling ko sobrang liit ko na naman. 5 feet 2 inches lang kasi ako. 5 feet 6 o 7 inches ata siya. Bakit ang unfair ng buhay?
"Ah.. oo.. ano ako eh~ section A. Pwede mo bang ituro sa akin kung san yun?" tanong ko.
"Coincidence nga naman. Section ko din yun. So magkaklase tayo. I'm Selene. You can call me Sel or Lyn. Anything would do. Whta's your name?" tanong ni Sel. Cute name. Selene.
"An--Drew." sagot ko.
"A guy's name? Andrew? Weird." tapos tumawa siya. "Oh my God. I'm sorry for being rude. Nabigla lang ako." dagdag pa ni Sel.

BINABASA MO ANG
My Wayward Husband (ongoing)
Teen FictionThe story of a girl who was arranged to be married to a man she doesn't even like. She doesn't like him because she LOVES him. XD!