Chapter 3: Trouble

145 22 11
                                    

Naglalakad na ako sa school, papunta sa classroom ko. Maaga pa naman kaya hindi ko kailangang magmadali.



May nakasalubong akong apat na babae. Nang mamukhaan ko sila ay saka ko lang na-realize na mga kaklase ko sila, sina Sab, Mae, Pat at Kate.

Nakangiti silang papalapit sakin kaya ngumiti rin ako. Ano kaya kailangan nila sakin?



Ako na ang unang bumati. "Hi!" Masigla kong bati sa kanila.

"Tara sabay ka na samin papuntang classroom." Nakangiting sabi ni Sab at sumang-ayon ang mga kasama niya.



Wala namang masama kung sasabay ako sa kanila, mukha naman silang mababait at nakikipag-kaibigan lang naman sila sakin kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumango at sumabay sa kanila sa paglalakad.




Naglalakad kami, naglalandian si Mae at Pat nang biglang mapalalas ang tulak ni Pat kay Mae, since ako ang katabi ni Mae ay sakin napunta lahat ng impact. Nakahawak pa si Mae kay Pat kaya hindi siya natumba pero ako, wala akong nahawakan kaya natumba ako sa nasa gilid ko, saktong sa may basura ako nag-landing at naglilinis ang janitor.



"Sorry! Hindi ko napansin na matatamaan ka pala ni Mae pag tinulak ko siya." Paghingi ng paumanhin ni Pat pero may something sa mga reaction nila pero hindi ko na lang ito pinansin.



Napatingin ako sa mga basura at sa sarili ko nang nandidiri kasi kadiri talaga. Ang baho ko na. Hays. Sa lahay naman ng pagsusub-suban ko bakit sa basura pa? At sa hinaba haba ng paglalakad namin, baka sa may basurahan pa na-timingan ni Pat na itulak si Mae, at sa dinami dami ng tao dito sa school, bakit ako pa? Malas naman.




Napansin kong may mga nakatingin na pala saking tao siguro sila yung mga nakakita, dumadami na rin ang tao sa school kasi malapit na magsimula ang klase. Tsk. Yung iba ay nagtatawanan kaya sinamaan ko na lang sila ng tingin.

Mabuti naman at nakukuha naman pala sila sa tingin kaya nagsi-alisan na rin sila.




"Ang baho at ang dumi ko na. Mauna na kayo sa classroom, magsh-shower at magpapalit lang ako."



Mabuti na lang ay may shower room dito sa school at may extra uniform ako sa locker pati na rin sa kotse.



"Mabuting pumunta ka muna sa classroom at magpaalam sa prof natin para hindi magalit, terror pa naman yun." Suhestiyon ni Sab.



Naisip ko na sabihin sa kanila na ipag-paalam na lang ako kaso naalala ko katulad nga ng sabi nila terror yun, kaya kailangan personal kang magpapaalam sa kanya kasi kapag galing sa ibang tao mas magagalit siya. Kaya sumama na lang ako kay na Sab papuntang room. Saglit lang naman 'yon, pagkatapos kong magpaalam makakaalis din naman ako agad.





Pagkarating namin sa classroom ay nakatingin lahat sakin na may mga kakaibang ngisi. Ano nanamang meron?

Hindi ko na lang sila pinansin at hinanap sina Ash para sabihing hindi ako makaka-attend sa first subject kaso wala pa sila, pati yung prof wala pa rin.



Paglingon ko kay na Sab ay biglang may nagtapon ng pintura sakin.



"What the?" Gulat akong napatingin sa pintura at si Sab ang nagtapon.

"Haha serves you right!" Narinig kong sabi ni Kate.

"Akala mo makikipag friends kami sa tulad mo? Nagkakamali ka." Sabi ni Sab nang may ngising tagumpay sa kanyang labi.



Friendly DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon