Im Yoona/Christine Garcia at the multimedia :)
Nicole's POV
Two weeks na simula nung makilala ko si Christine. Ang saya pala magkaroon ng kaibigan no?
Kahit pinagtitinginan at kung ano anong paninira sa akin ang sinasabi ng mga students sa school sa kanya, hindi nya pinakinggan.
"Besssyyyyyy.!"
Nagulat naman ako sa pag sigaw at pag akbay nya sakin bigla.
"Kagulat ka ah. " sabi ko.
"Hahaha sarreh " sabi nya sabay peace sign.
Close na kami nyan. Super close kahit two weeks ko palang sya nakilala. Ang bait kasi eh tapos medyo mataray at pranka pero makulit naman.
"Nabalitaan mo na ba?" Sabi nya.
" ang alin?" Tanong ko.
"May bagong transferee daw and guess what kaklase natin sya. Kyaaaaaahhh! Excited na ko makita kung sino sya " sabi nya at nagtatatalon pa.
Nang biglang...
*boooooggssshhhh*
May bumangga sakin na halatang sinasadya.
" bessssyyyyy..." Nag aalalang sabi ni Tin at tinulungan akong tumayo.
"Yan ang napapala mo paharang harang ka kasi. Nakasalamin ka na nga di mo pa din na kita yung kagandahan ko" sabi nung bumanga sakin . Si Chrystel ang so-called campus queen. Sinabi nya sa lahat ng students dito sa campus na sya daw ang anak nang may ari ng school kaya sya itinurung na campus queen, pero ang totoo hindi sya kundi ako.
"Hoy! Bat sya yung sinisisi mo? Mukha ba naming nakaharang sa dinadaan mo? Eh nasa gilid lang kami!" Sabi ni Tin
"Alam mo dapat kasi saamin ka sumasama Hindi dyan sa pangit na yan. Alam ko naman na kaya ka sumasama dyan kasi naawa ka sa kanya" sabi ni Chrystel at nag sitawanan naman ang mga nakarinig.
"Alam mo mas nakakaawa ka nga kesa sakanya eh. Masyado kang mapagpanggap. Tara na nga Nicole ambaho na dito sa pwesto natin , may dumating kasi bulok" sabi ni Tin sabay sakin.
"Hayy. Nang dahil sakin pati ikaw napapahamak" sabi ko habang nakayuko
"Sus. Wala yun sanay na ko sa ganyan." Sabi nya
Nagtaka naman ako..
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Dati din kasi akong nerd sa school na pinapasukan ko dati. Ganyan din ako kung ituring ng mga estudyante noon, tapos nung gumanda ako? Ayon todo lapit sakin yung mga nambubully sakin nung nerd pa ko. Alam ko naman kasi na pakikipag plastikan lang yun, tapos nung hindi ako sumama sa kanila siniraan nila ko , sinasabi nila na nagparetoke daw ako samantalang sila tong may pekeng ilong at labi. Tapos naisipan kong lumipat ng school puro bad memories kasi dun eh." Kwento nya sa akin.
Ako naman hindi makapaniwala sa kwento nya.
"Hindi nga? Nerd ka dati?" Tanong ko. Bigla naman sya tumawa. Sabi na niloloko ako nito eh. :3
"Hahaha ano ka ba seryoso ko dati akong nerd" ani nya.
"Hindi kasi halata eh. Masyado kang maganda " sabi ko
Ngumiti lang sya sakin.
"Maganda ka din naman ah. Konting ayos lang sayo makikita na nila kung sino ka talaga."sabi nya sakin .

BINABASA MO ANG
The Nerd Transformation
Ficção AdolescenteIsang babae ang itinatago ang kanyang katauhan sa isang nerd. Bakit? kasi ayaw nya makakuha ng attention ng ibang tao. Ayaw nyang ipaalam sa iba na sya ang anak ng may ari ng school na pinapasukan nya na isa sa pinaka magandang school sa buong bansa...