Christine's POV
Asan na ba si Nicole? Kanina sa cafeteria nagmamadali syang umalis.
Ano bang nangyari dun ?
Hinanap ko sya sa buong campus pero di ko pa rin sya makita.
"Nicole asan ka na ba?".. Nag aalaga kong tanong sa sarili ko.
Huminto muna ako sa paghahanap dahil sa pagod. Maya maya may nakita ako imahe ng lalake galing sa may garden ng school at may buhat syang babae---
"Shit! Si besssyyy.," tumakbo ako palapit sa lalake saka ko lang sya namukaan.
"Anong nangyari sa kanya " tanong ko kay Ace.
Oo si Ace ang may buhat kay Nicole..
"Hindi ko alam. Magpapahangin sana ko sa garden tapos nakita ko nalang sya na nakahandusay at walang malay" sagot nya sakin.
Dinala namin si Nicole sa clinic dito sa school .
"Sorry Bessy wala ako sa tabi mo di kita naipagtanggol sa gumawa sayo nyan."
Sabi ko sa sarili habang pinagmamasdan sya.
—————
Ace's POV
Ano kayang nangyari sa babaeng yun?
Bakit puro pasa at sugat sya?
Pero bakit nung nakita ko sya na walang malay sa may garden bigla akong kinabahan at nag alala sa kanya?
Samantalang ngayon ko palang sya nakita, hindi din kami close pero bakit ganun nalang ang pag aalala ko?
Aiissshh! Ewan!
Basta ang alam ko ayaw ko syang malayo sakin. Ayaw ko syang mapahamak. Pero bakit ganun yung nararamdaman ko para sa kanya?
———
3rd Person 's POVIsang linggo na ang nakalipas Simula nung binugbong si Nicole. Pero sa loob ng isang linggo na yun hindi pa din sya nagigising.
"Bessy, gising ka na. Miss na kita uyy" - naiiyak na sabi ni Christine
Parang kapatid na kasi ang turing nya dito. Tinititigan nya lang ito at inaabangan ang kayang pag gising.
Sa kabilang dako naman ...
May isang taong nakasilip sa clinic at pinagmamasan ang babaeng hindi pa din nagigising.
"Pag nagising ka na hindi ko na hahayaan na may mangyari pang masama sayo." Sabi nito sa sarili.
---
Nicole's POVUrgghh.. Ang sakit ng katawan ko..
"Bessy gising na"
Teka Boses yun ni Tin ah .. Pero bakit parang ang lungkot ng boses nya?
Dahan dahan kong minulat ang Mata ko.

BINABASA MO ANG
The Nerd Transformation
Teen FictionIsang babae ang itinatago ang kanyang katauhan sa isang nerd. Bakit? kasi ayaw nya makakuha ng attention ng ibang tao. Ayaw nyang ipaalam sa iba na sya ang anak ng may ari ng school na pinapasukan nya na isa sa pinaka magandang school sa buong bansa...