Chapter: 12

50 0 0
                                    

"Si Claire" sabi ni Kie na parang nag aalinlangan kung sasabihin ba sakin o hindi,

"oh anong meron sa ex mo?" tanong ko dito,

"nag usap na kami kanina, kaya kami natagalan umuwi, nag sorry sya sakin sa pang iiwan nya sakin, sinabi nya lahat ng dahilan, kaya sya umuwi agad dahil daw gusto daw sya Makita ng dad nya, at dun daw muna mag aral, binalikan nya ako Liz, nakikipag balikan sya sakin" sabi nito nahindi ko alam kung nasisiyahan ba o nalulungkot,

"oh ano naman sabi mo?" tanong ko, pero may part sakin na dapat hindi ko na lang tinanong yon.

"pumayag akong balikan nya ako"

"ah ok good for you" sabi ko na lang na pinipigilan ang luha ko, mahal ko na ba ang lalaki na to? Gaaaad!

"pero sa isang kondisyon, sabi ko sa kanya papayag ako na balikan nya ako pero hindi na ako papayag na palayuin nya ako sa inyo ni Lali" sabi nito at saka ngumiti.

"pumayag ba sya?"

"oo pumayag sya, kaya kami na ulit at hindi na nya ako palalayuin sa inyo ni Lali" hindi ko alam na papayag ang babae na yon sa kondisyon ni Mar, sigurado ako na may binabalak itong babae na to.

Niyakap nya ako bigla at saka bumulong sa tainga ko,

"I'm happy Liz, I'm happy na bumalik na ulit si Claire and I'm happy na hindi ka na mawawala sakin ulit" sabi nito. Dun naman ako napaluha at napahikbi ng mahina para hindi nya mahalata pero bigo ako,

"bakit ka umiiyak Liz?" gulat na tanong nito at saka pinunasan ang luha ako.

"wala masaya din ako na hindi ka mawawala sakin, I mean samin ni Lali" sabi ko. Sana nga di na sya lumayo ulit. Niyakap naman ako ulit nito bigla.

"a—anong meron dito?! May relasyon ba kayong dalawa?!! Sigaw ni Claire sa likod ko, napabitaw naman si Mar sakin,

"Claire wa—"

"WAG KANA MAGPALIWANAG PA! NAKITA KITA! NILALANDI MO BF KO! MANG AAGAW KA!!" sabi nito at saka ako sinabunutan.

"CLAIRE! STOP IT! WALA KAMING GINAGAWANG MASAMA OKAY?!" pigil ni Mar kay Claire pero mahigpit padin pagkakakapit nito sakin.

"CLAIRE I SAID STOP IT!!!" sigaw ni Kie pero hindi pa din nagpapapigil si Claire, ang sakit na ng ulo ko, ang higpit ng pagkakasabunot nya shit!

"Kuya anong—shit Liz?" si Clerk nagising ata sa sigawan ng dalawa dito. Naramdaman ko naman na may pumipigil kay Claire at may lumalayo naman sakin mula kay Claire.

"SABI KO NA AAHASIN MO LANG ANG BF KO MANG AAGAW!!!" sigaw nito nung nailayo sya sakin, ang hapdi ng muka ko, nakalmot ata ni Claire,

Nakita ko naman na si Clerk ang may hawak kay Claire so ibig sabihin si Mar ang may hawak sakin?

"ayos ka lang ba?"naiinis ako, tanungin ba naman ako ng ganto pagkatapos ng ginawa sakin ng gf nya,

"muka bakong okay Mharkie? Ung itsura ko muka bang okay? Yung muka ko okay ba na panay kalmot ng babae na yan?" tanong ko at nagsimula na umiyak. Kung sa pag babalik ng babae na yan ganito ang lagi kong mararanasan mas mabuti pang ako na lang ang lumayo.

"sorry" sabi nito at yayakapin na naman ako pero lumayo ako,

"ayos lang, mukang sobra lang talagang selosa ng GIRLFRIEND mo kaya ganon na lang sya magalit sakin, para walang gulo ako na lang lalayo sayo baka kung ano pa abutin ko sa girlfriend mo at hindi ako mapagtimpi patulan ko" sabi ko at saka umalis. Nadaan ko naman si Claire at ngumiti naman ito ng palihim.

"ok na ba? Ako na lalayo sa BOYFRIEND mo para walang gulo, isang dampi pa ng mga kamay mo sakin, hindi nako magdadalawang isip na patulan ka Claire" sabi ko at saka na pumasok narinig ko naman na tinawag ako ni Mharkie pero hindi ko na pinansin pa, naramdaman ko naman na may humawak sa kamay ko pag lingon ko si Clerk pala.

"bakit?" tanong ko sa kanya,

"gamutin muna natin sugat mo" sabi nito.

"ako na, kaya kong gamutin sarili ko" pag tanggi ko.

"I insist" sabi nito at saka ako pinaupo sa sofa. Hindi nako nakipag talo pa dahil masyado akong nanghihina.

"stay here, kunin ko lang yung first aid kit" tumango naman ako sa kanya.

"wait Mharki!!" sigaw ni Claire, nakita ko naman na daredaretsong pumasok si Mharkie sa loob at hinabol naman ito ni Claire. Ffttt. Aso? Haha

"ffffttt" sabi ko. Narinig naman ata yun ni Claire dahil tumigil ito sa tapat ko.

"what's funny?" mataray na tanong nito.

"wala naman" sabi ko na lang.

"gusto mo bang madagdagan yang kalmot sa muka mo?"

"ano ba sabi ko kanina? Isa pang dampi ng kamay mo sakin papatulan na kita, bakit hindi mo itry? Baka mas malala pa sa nangyare sakin ang mangyare sayo pag pinatulan kita" simpleng sabi ko. Sasampigahin nako nito ng biglang sumigaw si Mharkie

"CLAIRE!! ENOUGH! GO TO YOUR ROOM NOW!!"

Hindi na naituloy ni Claire ang gagawin nya dahil sa sigaw ni Mharkie, dumaretso naman na sa kwarto ni Clerk si Mharkie at ganon na din si Claire, saktong dating naman ni Clerk dala ang first aid.

"may ginawa na naman ba sayo si Claire kanina nung wala ako?"

"wala naman" sabi ko. Ginamot naman na ni Clerk yung mga sugat ko.

"buti na lang hindi masyadong malalim yung mga kalmot sayo ng witch na yon"

"buti na nga lang , concealer lang ilalagay matatago na, mabilis din naman gumaling yan" sabi ko.

"mabuti na lang, dahil baka pumangit ka pa lalo haha" pang aasar nito.

"aw! Tama bang kurot ang ganti sa gumamot sa sugat mo?"

"haha salamat Clerk"

"anong salamat! May kapalit yan oy!"

"ano naman yon?!"

"hmm pahingi ako # ni Lalisa" bakit naman.

"paglalaruan mo din ba kaibigan ko ah?! Hindi pwede!"

"dali na Liz, simula nung grade 5 may gusto nako sa kanya eh, ngayon lang ako nagka lakas ng loob na magpapansin sa kanya" sabi nito.

"sa dami ng babae mo Clerk! Ang play boy mo kaya, baka pati si Claire pag laruan mo pa" sabi ko.

"hindi nga kasi, saka virgin pako no, kahit naman play boy ako hindi naman ako fuckboy, wala pang nakakahalik at nakakaano sakin"

"wee?? Baka naman nagsisinungaling ka?"

"hindi nga Liz seryoso ako, natuwa nga ako na naging classmate ko sya eh, alam mo ba nung grade school akala ko yun ang crush ni kuya hindi naman pala buti na lang hindi si Lalisa yun dahil, simula kasi nung tinuro si Lalisa sakin ni kuya na kaibigan nya daw dun nako nagkagusto kay Lalisa nuon, sabi ni kuya dalawa daw ung kaibigan ni kuya na babae, wala daw yung isa absent daw eh"

ang tinutukoy ba ni Clerk ako? Ako ba yung gusto dati ni Mharkie? 

Living In the House of 2 Hotties (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon