ALICE POV
Sumakay na kami sa bus papuntang syudad dahil bukas na ang enrollment ng unibersidad.
" Hey, don't sit beside me."
Kanina pa talaga tong bruha na to! kung hindi lang sana ako pinigilan ng driver nahampas ko na itong mga gamit niya. Walang hiya siya, gamit niya ipinadala niya sakin!
" You need to obey me coz I... AM... the...one...who...provides...YOU... everything.. from now on."
Iniisa isa niya talagang sabihin niyon. Pikon na pikon na talaga ako sa bruhang to! Huminga nalang ako ng malamim upang mahibasbasan man lang ang aking ulo at dugo.
•••
"Hey, wake up! We're here!"
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Ang isa naman obviously hindi nakatulog dahil kulang sa hygiene ang katabi niya.
" Bumaba ka na don! Wala ka namang bi-bit-bitin!"
Bumaba nga ang prinsesang walang hiya. Ako tuloy lahat ang nag bitbit ng gamit niyang tatlong suit case at anim na shoulder bag. Ibat ibang kulay ang shoulder bag na yon pero iisa lang ang brand.
Hindi kalayuan makikita ko na ang sinasabing dorm ni Inay. Totoo nga't sobrang ganda nito sa labas pa lang. Tiningnan lang ako ni Zoe at nagpatuloy ng lumakad.
•••
" Good Afternoon Ma'am!" Isang gwardiya ang bumati sakin at tinulungan akong bumuhat ng mga gamit papasok sa lounge. Nag pumilit pa nga ako na kung pwedy iakyat man lang to sa itaas. Pero panay naman ang tanggi niya.
" Zoe Chavez Ruby"
Narinig ko lang ang pangalan niya sa front desk. Yung dorm na akala ko eh hindi pang hotel! Sobrang ganda ng lounge nila may mga sofa din na may TV pa at may mga Café na maraming table at ang kamangha manga pa ay may mga taga linis Room Attendant daw.
•••
Sawakas narating na rin namin ang room namin. Sabi nila isa sa mga pinakamaganda na room ay ang ROOM-G (201-299) isa itong napaka sosyal na room kung tawagin. May theme room din naman sa baba and I think ROOM F (101-200) ang nasa baba.
" This will be my bed!"
Sabi niya sabay higa sa kama. Hindi man lang ako tinulungang makapasok ang mga suit case niya kaya sinipa ko lahat ang suit case niya patungo sa kama niya. Hindi niya naman namalayan dahil nakatalikod siya.
" Uuwi mo na ako sa boarding house ko, kukuha muna ako ng gamit."
Nagpaalam muna ako sa kanya baka kasi hanapin niya ako at mawala pa siya at isumbong pa ako. nako! Nag iinit talaga ang dugo ko sa babaeng ito!
•••
Kinuha ko na lahat ang gamit ko sa boarding house ko matapos kung ayusin lahat ang mga bayarin sa ibaba.
Nakakamis rin kasi tong boarding house na ito kahit maliit at least ako lang at walang sino man ang gagalaw sa mga gamit ko. I own my rules ika-nga
•••••
" Oh? Akala ko gamit mo yun?"
Out of nowhere may isang kabute na sumulpot bigla. Ang dorm pala na ito ay all-in-one boys and girls.
Tiningnan ko lang siya hanggang sa umalis na siya sa harapan ko. Nakaharang kasi siya sa dinadaanan ko.
" Teka lang!" Sigaw ko
Paano ba naman hinahabol ko yung elevator papuntang G-Floor. Napasimangot nalang ako ng umandar na yung elevator at ang nakakainis pa don ay yung lalaking sumulpot bigla na kinausap ako kanina sa lounge. Ang nakakainis pa eh he-make-some-irita-face at nakakalokong ngiti.
Sa pagkakaalam ko we are the same floor (G)
Hanggang sa sumakay na ako sa kabilang elevator. Ako lang naman mag isa sa naturang elevator kaya umupo ako sa gilid kasi masyadong pagod ako galing sa B.house pati na rin sa pag dala ng gamit ni Zoe.
•••
" Zoe!" Pagtawag ko sa kanya.
" Hoy zoe!" Pangalawang tawag ko sa kanya.
Lumingon naman siya sa pangalawang tawag ko.
" Bakit ang kalat dito?"
Pagsisimula ko
" Bakit lahat ng damit mo nasa sahig?" Pagrereklamo ko
Paano ba naman lahat ng damit niya nasa sahig at ang mga make up kit niya naman ay nasa sahig ang iba nasa kama niya.
" Stop nagging me! "
" Anong stop! Stop ka jan. hindi mo ba nakikita to?"
Tinuro turo ko ang mga damit niyang nasa sahig pa rin.
" I already saw it. No need to overreacted!"
Bwisit talaga na amerikanang hilaw to! Pinatpos ko muna siyang mag make up at magbihis sabay alis.
" I'm going to somewhere... I think I should buy some make up,clothes groceries... and Oh! I forgot something."
Tiningnan ko lang siya kung ano ang kinuha niya.
" Ano to?"
" Clothes! You fool."
" I know it's a clothes.."
" Dress yourself with this and I'll go first... just text me when your done."
Sinara niya agad ang pintuan at naiwan akong tulala at nakatingin sa isang Off shoulder na pink pastel na may flower design 3/4 ang taas at isang skinny jeans na kulay White.
•••
Wala akong magawa kundi sumama sa kanya dahil kapag hindi daw ako sasama sa kanya isusumbong niya raw ako sa Inay ko. At talagang tinawagan niya ang Inay ko at pinagsabihn ako.
" Their stocks are suck!"
" Omg! What kind of design is this?"
" My gosh! how untidy!"
" Is there someone who can buy this kind of------gross!"
Lahat nalang ng lait nilait na niya dahil sobrang pangit daw. Sino ba naman ang taong mag re react ng ganito ka O.A sa divisoria! Maypa cheap cheap pa pero dito naman ang padpad!
ootd pa siya eh sa divisoria lang pala bagsak niya. Nag rent pa siya ng car kasi she doesnt want to make halubilo with the people in the jeep.
Mapapatay ko tong babaeng to! Pigilan nyo ako! &#%!%####
•••
YOU ARE READING
My love is a Superstar
Fanfic~ A story about the girl (Jung Eu Gen) his first love . And years later she found out that the boy (Jung Joon Young) his first love become a superstar. Previous title: The Promise Thank you @vvuoyez for the book cover {currently bc} Thank you @TenMi...