Campus Lovers (Chapter1)

188 6 4
                                    

Chapter 1

Abbi's POV.

-Tok tok tok-

"Ang aga-aga naman may nambubulabog.!" Sigaw ko pagkamulat ng mata ko.

"Hoy, Abbi, gumising kana. First day of school, baka malate tayo. Ayoko kayang malate. Excited na kong makilala yung mga bagong classmates naten.!" Sabi ni Kristel habang binubuksan ko yung pintuan ng kwarto ko.

Si Kristel, bestfriend ko. Actually tatlo kaming magbebestfriend. Si Ella yung isa. Kaso baka sa school na dumiretso yun. Si Kristel at Ella ay model, pero ako, kinukuha akong model kaso ayaw ko kasi wala akong confident sa sarili ko. Feeling ko, ang pangit-pangit ko. Di kasi ako marunong mag-ayos sa sarili ko eh. Di tulad nung dalawa.

"Kristel, 6 am palang oh. 10 pa yung pasok naten. OA ka ah?" Sabi ko sa kanya ng walang gana.

"Abbi, alam ko namang mabagal ka kumilos. Kaya simulan mo nang maligo at mag-ayos ng sarili mo." Sabi sakin ni Kristel ng mahinahon.

"Oo na. Dun mo nalang ako hintayin sa sala.!" Sigaw ko sakanya.

"Dito nalang ako sa kwarto mo. Nagluluto pa si manang ng almusal eh. Makikikain na lang ako dito." Sabi ni Kristel. PG lang? Haha. =)

"Oo na. Mag-online ka muna kung gusto mo.!" Sigaw ko habang nasa loob ng CR.

Binilisan ko na maligo tapos nagbihis ng uniform habang si Kristel, kachat nanaman si Andrei. Boyfriend nya yun. 3 years na sila. Niligawan siya ni Andrei nung unang photoshoot nila. Model din si Andrei. Sobrang pogi at ang hot pa. Uyy, di ko siya crush ah? Haha. Taga ibang school nga lang.

"Kristel, baba na tayo." Sabi ko sa kanya habang inaayos yung bag ko.

"Ano ba yang itsura mo. Di ka talaga marunong mag-ayos ng sarili mo. Halika nga dito, aayusan kita." Pagkaharap niya sakin, yan agad yung sinabi niya sakin. Kinuha nya yung blower, face powder at curling iron sa lalagyan. Pina-upo niya ko sa harap ng salamin at sinimulan na kong ayusan. Maaga pa naman eh, 7 palang kaya nagpa-ayos nako.

"Maganda ka kung nag-aayos ka nang sarili mo. Kaya dapat araw-araw mag-ayos ka." Sabi niya sakin habang binoblower yung buhok ko.

"Eh, tinatamad nga akong mag-ayos e. Tsaka di ko naman kailangang mag-ayos kasi di naman ako model." Sabi ko habang nakasimangot.

"Kailangan ba, model lang nag-aayos? Paano ka magkakaroon ng boyfriend kung ganyan ka?!" Sigaw nya sa harapan ko. Grabe naman to. Aga-aga, sigaw na agad.

"Sige na. Ayusan mo na ko. Tsaka himala nalang kung may manligaw sakin sa school noh. Wala ngang lumalapit na lalaki sakin eh. Puro sainyo nalang ni Ella." Sabi ko na parang naiiyak. Haha. Totoo naman eh, maganda daw sana ako kaso di daw marunong mag-ayos. Maya-maya, biglang may nagtext sa phone ni Kristel, tinignan niya sandali at tinuloy na ang pagkulot niya sa buhok ko. Nilagyan niya din ako ng face powder at konting blush-on at yun, tapos na din.

"Papunta na daw si Ella sa school." Sabi nya habang nagkukulot din. Gaya-gaya.

"Huh?! Eh bakit ang aga naman?" Sabi ko na nagtataka.

"Anong maaga, 8:30 na kaya." Sigaw niya tapos bumaba na. Bumaba nadin ako para kumain ng almusal. Pagkababa ko, handa na lahat tapos si Kristel, naka-upo na para kumain.

"Goodmorning po, Manang.!" Bati ko kay manang habang naglalagay siya ng plato sa lamesa.

"Goodmorning din, Abbi. Maagang umalis mommy at daddy mo. Aasikasuhin daw nila yung bussiness trip nila sa London." Sabi naman ni Manang.

"London?!" Sabay naming sabi ni Kristel.

"Oo. Bakit naman?" Sabi ni manang. Di nyo ba alam, gusto talaga naming magbakasyon dun nila Ella at Kristel. Dun kasi nagmula yung favorite band namin na 1Direction at Little Mix. Super fan kaya nila kami.

"Wala lang." Sabi ni Kristel habang nakangiti. Kumain nadin ako para makaalis na kami. Baka malate kami eh. Matapos naming kumain, nagpaalam na kami kay Manang na papasok na.

Malapit lang yung school namin kaya nilakad na namin. Habang naglalakad papasok, biglang may tumigil na kotse sa harap namin, pagtingin namin, si Andrei lang pala. Sumakay na kami sa kotse nya at hinatid sa St. John Highschool. Yun yung pangalan ng school namin. After 15minutes, nakarating nadin kami sa school. Medyo marami nang tao.

"Tara na, tignan na natin yung section natin dun sa bulletin board.." Aya sakin ni Kristel. Papunta palang kami dun, nakita na namin si Ella.

"Ellaaaaa.! Tara dito.!" Sigaw ko kaya lahat ng students, nagtinginan sakin. Narinig ko na nagbulungan yung isang grupo ng lalaki sa may gilid.

"Si Abbigail Cruz ba yun?" Bulong ng isang lalaki sa mga kaibigan niya.

"Oo, dude. Grabe, ang ganda pala niya pag nag-aayos." Sabi ni Erick dun sa lalaking nagtanong. Classmate namin sya lastyear kaya kilala ko. Napangiti na lang kami ni Kristel sa kanila at pinuntahan na si Ella na nasa may bulletin board na.

"Sana classmate ulit tayong tatlo." Sabi ni Ella.

"Oo nga eh. Ayoko na kasing mag-iba yung mga classmates natin. Para di naman awkward sa room." Sabi ko sakanila. Hinanap na namin yung section at name namin. Dun kami sa may third na board, dun kasi yung mga 3rd year e. Sinimulan namin sa pang first na paper. 'Section A' yung nakalagay.

"Classmates ulit tayo.! Yeheyyy.!" Tuwang-tuwa na sinabi ni Ella at Kristel. Grabe naman sila, nahanap agad. Di ko pa nga nakikita yung name ko eh. Binasa ko isa-isa yung girls. Nakita ko agad yung name ko, 'Cruz, Abbigail' binasa ko pa pababa. Nakita ko na magkasunod yung name nilang dalawa, 'De los Santos, Mikaella' at 'Donato, Kristel'.

"Tara na, punta na tayo sa room." Aya ni Kristel. Excited naman to. Pagtalikod namin, biglang nagtilian yung mga babae na tumitingin din sa board.

"Hi, Kristel. Ano section mo?" Tanong ni Lance. Kasama niya din sa modelling. Pogi at malakas yung appeal, kaya lahat ng girl nakatingin samin. Mabait pero moody. Crush ko nga siya eh kaso di ko sinasabi kila Kristel at Ella. Aasarin lang ako nun.

"Huy, Lance. Musta na? Section A. Ikaw?" Bati ni Kristel kay Lance.

"Sabay na tayo punta sa classroom. Okay lang ba sainyo, Abbi?" Sabi ni Lance na nakasmile. Shit. Pogi talaga.

"Abbi, tinatanong ka ni Lance. Hahaha.!" Sabi ni Ella habang tinatapik yung balikat ko. Nakatulala kasi ako sa sobrang pogi nito eh.

Campus LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon