Campus Lovers (Chapter6)

33 0 0
                                    

Chapter 6.

Ella's POV.

Naiinis na talaga ako. Nahahalata ko na talaga eh. Una sa school, yung tinatanong siya ni Lance kung pwedeng sumabay. Pangalawa, yung sa canteen, kung makatitig si Lance kay Abbi, parang may something eh. Third, yung kinuha ni Lance ni yung number ni Abbi, binigay niya agad. Eh di niya nga binibigay yung number niya, kahit kanino eh. Fourth, bakit siya pa yung pinartner kay Lance nung pictorial? Pwede namang ako eh. -__- Then, bakit kaya siya pumayag agad sa offer ni tita Jane sa modelling? Di kaya dahil kay Lance.? Last, nung sa Mcdo. Narinig ko na sinigaw niya yung name ni Lance kaya lahat ng tao, nagtinginan sa kanya. Bwiset.

Well, 3 years na kaming magbebestfriend nila Kristel at Abbi. Ayoko namang masira yun dahil lang kay Lance. Sabihin ko na kaya kay Abbi na may gusto ako kay Lance para malaman ko kung may crush din siya dun?. Kausapin ko nga siya maybe bukas? Nasa mall kami ngayon, ito, nag-iikot-ikot.

"Diyan lang kayo, hahabulin ko si Kristel.! Wag muna kayong uuwi hanggang wala pa kami." Sabi ko kay Lance at Abbi. Expected ko, pipigilan ako ni Lance. Pero hindi, feeling ko, mas gusto niyang kasama si Abbi eh. Bwiset talaga.

After kong magtatakbo sa mall, nakita ko na si Kristel with guy sa may Ice cream parlor. Tinawag ko siya.

"KRISTELL.!" Sigaw ko. Tumingin naman siya kasama si....

"Uyy. Musta na Ella.?" Sabi ni Andrei sakin. Putek, si Andrei lang pala yung lalaking humila kay Kristel. Akala ko kung sino na eh.

"Okay lang. Ikaw?" Sagot ko.

"Ah. Buti naman. Pasensya na kayo kung bigla kaming nawala ni Kristel ah? Miss ko na siya eh." Sabi niya sabay kiss sa noo ni Kristel. Aww. Sweet. <3

"Hihi. Oo nga eh. Napatakbo tuloy ako nang wala sa oras." Sabi ko. Totoo naman eh, akala ko talaga pipigilan ako ni Lance. Maya-maya, nagring yung phone ko. Si Lance, tumatawag. Sinagot ko 'to agad.

"Hello, Ella. Mauuna na kami ni Abbi ah?" Napapagod na daw siya eh. Hahatid ko nalang siya sa bahay nila." Sabi niya sa kabilang linya.

"Ha? Sige. Ingat kayo." Sagot ko. Buti pa si Abbi, ihahatid ni Lance. Samantalang ako, hindi. Bakit ganun?

"Sige. Ingat din kayo. Btw, nahanap mo na ba si Kristel? Sino yung lalaki na humila sa kanya?" Tanong ulit ni Lance.

"Si Andrei. Yung kasama din natin sa modelling." Sagot ko ulet.

"Ah. Kamusta mo nalang ako sa kanya. Have to go." Sabi ni Lance tapos pinatay na yung phone. Kakausapin ko na nga si Abbi bukas.

Abbi's POV.

"Diyan lang kayo, hahabulin ko si Kristel.! Wag muna kayong uuwi habang wala pa kami" Sabi ni Ella samin ni Lance. Bigla siyang tumakbo papalayo samin para hanapin si Kristel. Dalawa na lang kami ni Lance dito. Ang awkward para sakin.

Nag-ikot-ikot ulit kami. Baka sakaling makita namin sila. Napagod na din akong mag-ikot kaya sinabi ko kay Lance na uuwi na ko.

"Lance. Uuwi na ko ah? Napapagod na talaga ako eh. Kita nalang tayo bukas sa school." Sabi ko sa kanya. Bigla niyang hinawakan yung braso ko.

"Wait. Hatid na kita. Tawagan ko lang si Ella." Sabi niya habang kinukuha yung phone niya sa bulsa.

"Hello, Ella. Mauuna na kami ni Abbi ah? Sige. Ingat din kayo. Btw, nahanap mo na ba si Kristel? Sino yung lalaki na humila sa kanya? Ah. Kamusta mo nalang ako sa kanya. Have to go." Yan yung sabi ni Lance. Ano kaya napag-usapan nila? Pero kahit ano pa yun, wala nakong pakilam dun. Pagod na talaga ako. 

Nagcommute nalang kami ni Lance pauwi. Pumasok na kami sa loob ng subdivion namin tapos hinatid niya ko sa bahay. Di siya mapakali kanina pa. Andito na kami sa labas ng bahay.

"Lance, thankyou sa paghatid ah? Gusto mo muna pumasok?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede bang makigamit ng CR? Kanina pako naiihi eh." Sabi niya sakin. Haha. Yun lang pala yung problema nito kanina pa. Pinapasok ko siya sa bahay tapos tinuro ko yung CR. Umupo muna ako sa sofa dahil hinihintay ko siyang matapos.

"Andito ka na pala, Abbi. Buti dumating kana? May kasama ka ata.?" Sabi ni manang sakin. Nakita niya si Lance na nakatayo sa likod niya eh.

"Ah. Manang, classmate ko po, si Lance. Lance, si manang. Nakigamit lang po siya ng CR sandali." Sagot kay manang.

"Iho, napakagwapo mo naman. Dito kana mag hapunan. Nagluto na ko eh." Sabi ni manang kay Lance. Manang naman eh. Iniistorbo pa si Lance. 6:45 na pala.

"Ha?! Di na po. Nakakahiya po kay Abbi eh." Sabi niya sabay tingin sakin. OMG.

"Okay lang. Dito kana maghapunan. Sabay kana. Kaming dalawa lang naman ni manang andito eh." Sabi ko.

Umakyat muna ako sa kwarto para magpalit. Pagbaba ko, nakita ko si manang naghahanda na nang plato.

Kumain na kami. Ito naman si manang, andaming sinabi kay Lance about sakin. Nod nga lang ng nod si Lance eh. Haha.

Umuwi na si Lance. Natulog na din ako. Sobrang napagod talaga ako ngayong araw eh. Andaming nangyari.

-Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Katulad padin ng dating ginagawa, ginagawa ko padin yung ginawa sakin ni Kristel nung monday. Nakita ko si Ella tapos lumapit siya sakin.

"Uhmm, Abbi, pwede ba kitang maka-usap. Saglit lang. Dun tayo sa may garden." Sabi sakin ni Ella. Seryoso yung mukha niya. May problema ba siya? Pumunta na kami sa garden tapos ako yung unang nagtanong.

"Ano yung itatanong mo sakin, Ella?" Tanong ko. Seryoso padin yung mukha niya.

"May gusto ka ba kay Lance?" Tanong ni Ella. Seryoso pa din yung mukha niya. May crush pala siya kay Lance.

"Ha.? Wala ah. Bakit mo naman natanong.?" Sabi ko. OMG. I lied to my bestfriend. May crush naman talaga ako kay lance eh. Kaso ayaw ko talagang sabihin lalo na ngayong nalaman ko na may crush pala siya dun. Ayoko masira yung matagal na naming pinagsamahan.

"Buti naman. Hahahaha. Akala ko may crush ka sa kanya eh. Crush ko kasi siya eh. Matagal na. Sana nga ligawan niya ko eh. Wag mo pagsasabi kahit kanino ah? Tayo lang nila Kristel yung may alam." Sabi niya. Nagbago na din yung expression niya. 

Natapos na yung usapan namin ni Ella tapos dumiretso na kami sa room. Malapit na naman yung time eh. Pano ko kaya iiwasan si Lance? Wag ko siya pansinin? Pano ba? Naguguluhan na talaga ako. TULONGGG.!

Natapos ang araw na hindi ko pinansin si Lance. Busy siya kausap si Alex at yung mga kaibigan niya eh. Buti nalang. Nakasurvived nadin ako the next day. Friday na. Nakita ko si Lance papalapit sakin. Ano gagawin ko?! Please, tulong pooooo.! >:o

Campus LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon