Campus Lovers (Chapter5)

33 2 0
                                    

Chapter 5.

Nagising ako ng maaga. Tinignan ko ang phone ko, 11 New Unread messages. Sino kaya 'to? Tinignan ko kung sino. Puro kay Ella at Kristel lang pala. Binasa ko lahat ng message. 'Punta ka na dito sa school. Kailangan daw ng isang babaeng model. Bilisan mo. Dapat andito kana in 8:30.!'. Yan yung message na nakapukaw ng atensyon ko. Nice, bigword. =)) Tinignan ko kung anong oras na, 7:00 palang. 'Pupunta pa ba ako?' Tanong ko sa sarili ko. Tinawagan ko si Kristel.

"Abbi. Punta ka na dito. Kulang kami ng isang model. Daliii.!" Sabi niya pagkasagot na phone.

"Ha?! Okay, I'll be there in 20 minutes." Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Dahil siguro sa school lang naman yung photoshoot at hindi kung saan-saan. Nagmadali nakong maligo at nagbihis agad. Ginawa ko yung ginawa sakin ni Kristel kahapon. Nagblower ako tapos kinulot ko yung buhok ko. Naglagay din ako ng face powder at blush on kahit di ako marunong maglagay. Try lang. Hihi.

Di nako kumain ng breakfast para mabilis akong makarating sa school. Nagtricycle na ko papunta dun. Nang makarating nako, hinatak agad ako ni Ella at Kristel sa may gym. Nakita namin yung manager nila. Si tita Jane. Mabait naman siya.

"Abbi, andito kana pala. Oh, ayusan niyo na siya para makapagsimula na tayo." Sabi ni tita Jane sa mga staff dun. Inayusan na nila ako tapos di na pinagpalit ng Damit.

"Okay. Abbi and Lance kayo yung partner. Back to school yung theme natin. Ready na kayo in 2minutes ah.?" Sabi ni kuyang may hawak nung camera. Nag nod nalang kami ni Lance sa kanya. Nagsimula na yung photoshoot. Kami yung unang kinunan bago sila Ella at Kristel. Marami na yung nanonood kaya medyo nahihiya na ko.

"OMG. Bagay sila ni Lance noh.? Pogi si Lance then maganda si Abbi, perfect couple." Narinig ko na sinabi nung isang babae na nanonood samin. Biglang tumingin ng masama si Ella sa kanila. Feeling ko nagblush ako sa sinabi nung girl.

"Oo nga eh. Sana maging sila tapos sila yung ishiship ko na couple dito sa campus." Sabi naman nung kausap nung girl. Grabe naman tong mga to. Nagsmile lang kami ni Lance dun sa mga girl habang si Ella, nakatitig padin dun sa mga babae. Bakit kaya? May something ba?

"Done. Great job, Abbi. Magaling ka din magmodel. Bakit kasi ayaw mong tanggapin yung offer ko na pumasok sa modelling? Im sure sisikat ka." Sabi sakin ni tita jane.

"Oo nga abbi. Pasok ka na para kasama ka na din namin." Sabi naman ni Kristel. Ganun din yung sinabi ni Lance sakin. Wait, mahirap kaya pumasok sa ganyang trabaho. Let me think. Sinimulan na nila Ella at Kristel yung photoshoot nila habang ako, nag-iisip kung papasok ako. Payag naman sila mommy at daddy eh. Wag lang daw pabayaan yung studies. Nag-isip-isip ako.

"Tita jane, payag na po akong pumasok sa modelling." Sabi ko kay tita jane. Yung expression niya, nag change into sa excitement.

"Talaga?! Anong nagtulak sayo?" Sabi niya with a big smile in her face.

"Wala lang po. Mapilit po kasi kayo eh. Haha." I said to her.

"Osige. After ng photoshoot, diretso tayo sa office para sa contract. Ieexcuse nalang namin kayong apat. (Me, Lance, Ella and Kristel)." Sabi niya habang maydinadiall sa phone niya. Natapos na yung photoshoot nila Ella at Kristel. Nagpalakpakan yung mga nanonood, halos buong campus, nanonood samin eh. Maaga pa naman kasi eh. 

Nagpahinga muna sila in 30minutes tapos nung nalaman ni Kristel na pumayag nako sa modelling, nagtatalon siya sa tuwa. Nakagrin naman si Lance sakin tapos nagthumbs-up. Pumunta na kami sa office ng modelling, syempre kasama silang tatlo. Pinapirma nila ako ng contract tapos nagstay muna hanggang 12:30pm. Di pa kami naglulunch. Di din kaya ako nagbreakfast kaya gutom na gutom na ko. -_-

"Tara. Kain muna tayo tapos gala tayo." Aya ni Ella. Buti naman nakaramdam sila ng gutom.

"San naman tayo kakain?" Tanong ni Lance.

"Dun sa may Mall diyan sa labas. Malapit lang naman yun eh." Sagot ni Ella. Tumayo na kami at lumabas ng office. Naglakad kami papunta sa mall. Bakit parang lahat ng tao, nakatingin samin? May dumi ba kami sa mukha?

Walang nagsasalita saming apat. Hanggang sa may grupo ng mga babae na nagpapicture kay Lance. Sunod naman kay Ella tapos kay Kristel.

"Ateng maganda, pwede bang papicture din kami sayo.?" Sabi sakin nung isang babae. Sakin? Papicture?

"Ha? Sige." Sagot ko. Nagpapicture nga sila samin tapos umalis din agad after. Nakarating na kami sa mall.

-Mall-

"Dun nalang tayo kumain sa Mcdo." Sabi ko. No choice eh. Gutom na kaya kami. Pumayag naman sila tapos si Ella na yung um-order nung pagkain namin. Libre daw niya. Haha.

"Alam mo, badtrip yan si Ella." Bulong sakin ni Kristel. Bakit kaya?

"Bakit?" Tanong ko. Napatingin samin si Lance. Naglalaro siya ng Zombie Tsunami sa phone niya eh. Naggrin na lang si Kristel kay Lance at sinabing, 'Ayy. Wala yun. Wag mo nalang kaming pansinin. Maglaro ka nalang ulit.'

"Kasi dun sa narinig niya sa school kanina. May crush kasi siya kay Lance eh." Bulong ulit sakin ni Kristel. Hala. Crush ko din si Lance kaso parang wag na lang. Ayoko masira friendship namin dahil sa kanya eh.

"Oh?! Di ko naman crush si Lance eh." Sabi ko.Napalakas yung pagkakasabi ko. Napatingin tuloy lahat ng tao sa Mcdo sakin pati si Lance.

"Ano yun? Tawag mo ba ko.?" Tanong ni Lance. OMG.

"Hindi. Sabi ko, busy ka diyan. Galingan mo sa paglalaro" Palusot ko. "Ah. Sige." Sabi niya sabay smile. Ayan nanaman yung smile na yan eh.

Maya-maya bumalik na si Ella sa table namin dala yung in-order niya. Tumabi siya kay Lance kasi katabi ko na si Kristel eh. Kumain na kami tapos nag-ikot-ikot sa mall. Habang nag-iikot kami, biglang tumakbo si Kristel papalayo samin tapos hinila siya nung lalaki. Di ko nakita kung sino yun eh. Basta bigla silang lumiko kaya nawala na sila sa paningin namin. Sino kaya yung lalaki? Baka kidnapper or Rapist yun? Oh my god.

"Diyan lang kayo, hahabulin ko si Kristel.! Wag muna kayong uuwi habang wala pa kami" Sabi ni Ella samin ni Lance. Bigla siyang tumakbo papalayo samin para hanapin si Kristel. Dalawa na lang kami ni Lance dito. Ang awkward para sakin.

(a/n: Guys, maganda na yung next chapter. Keep on reading, guys. =))))

Campus LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon